Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / TATAY: Kinuha mo ba ‘yung 500 pesos sa bulsa ng pantalon ko?

TATAY: Kinuha mo ba ‘yung 500 pesos sa bulsa ng pantalon ko?

TATAY: Kinuha mo ba ‘yung 500 pesos sa bulsa ng pantalon ko?

ANAK: Anong sabi mo ‘Tay?

TATAY: Ang sabi ko, kung kinuha mo ba ‘yung 500 pesos sa bulsa ng pantalon ko? Ang Bingi mo naman damuho ka!

ANAK: Hindi ko talaga marinig Tay! Magpalit po kaya tayo ng pwesto?

TATAY: Oh siya sige. At subukan mong ikaw ng magtanong sa pwesto ko! (Nagpalit ng pwesto)

ANAK: Tay … saan kayo nagpunta ng babaeng kasama mo kahapon?

TATAY: Anong sabi mo anak?

ANAK: Ang sabi ko … Saan kayo nagpunta ng babaeng kasama mo kahapon?

TATAY: Oo nga … Tama ka anak, naka-kabingi nga rito … O eto 1 thousand mamasyal ka muna!

***

Boy: Nood tayo ng sine.

Girl: Hindi ka hahawak kung saan-saan?

Boy: Hindi ‘no!

Girl: Baka bigla mo akong halikan?

Boy: Hindi. Promise!

Girl: ’Di mo ako tstsansingan?

Boy: Hindi talaga!

Girl: Pwes! Manood ka mag-isa! Boring ka kasama!

***

Boy: Pwede manligaw?

Girl: Oo, sige.

Boy: O talaga? E di sagutin mo na ‘ko do’n din mapupunta ‘yun e, bakit patatagalin mo pa?

Girl: Oo sige tayo na.

Boy: Oh? Talaga. Thank you babe. I love you!

Girl: Break na tayo do’n din naman mapupunta ‘to, bakit patatagalin pa?

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top