Friday , September 17 2021

Tag Archives: PS-DBM

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael Yang sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ay galing sa P42-B pondo ng Department of Health (DOH) na ipinasa sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM). Inihayag ito ni Sen. Risa Hontiveros sa panayam sa After the Fact sa ANC kagabi. “Posibleng itunuring ng ilang taga-PS-DM, …

Read More »

Bagong ‘variant/s’ ng ‘lockdown’ – iwinasiwas na (IATF eksperto sa coining ng terms)

IATF Covid-19

BULABUGINni Jerry Yap MALAPIT nang magkaroon ng ‘award’ ang mga bumubuo ng Inter-Agency task Force (IATF), hindi sa  kahusayan kung paano limitahan ang galaw o panghahawa ng CoVid-19 lalo ng Delta variant, kundi dahil sa ‘napakahenyong’ paglikha ng mga salita (coin) o parirala (phrase) para maging bago ang tunog ng ‘lockdown’ sa mamamayang Filipino. Pagkatapos ng ECQ, GCQ, MECQ, granular …

Read More »

‘Pharmally deals’ scam of the decade

091521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MAITUTURING na ‘scam of the decade’ ang maanomalyang paggagawad ng administrasyong Duterte ng P12 bilyong halaga ng kontrata sa Pharmally Pharmceutical Corporation para sa medical supplies. “The Pharmally Deals have the makings of a ‘scam of the decade’ that could rival the Napoles PDAF scam,” sabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr. Mas malaki …

Read More »

QC congressional wannabe, business pal ni Michael Yang (Asawa itinurong ‘druglord’ sa intel report)

Rose Nono Lin, Lin Weixiong, Allan Lim

IPINATATAWAG ng Senate Blue Ribbon Committee ang mag-asawang kasosyo ni dating presidential economic adviser at Pharmally Pharmaceutical Corporation financier Michael Yang upang alamin ang koneksiyon sa illegal drug trade.      Inisyu ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ang subpoena laban kina Lin Weixiong at asawa nitong si Rose Nono Lin, sinabing kasosyo ni Yang.      Pinaniniwalaang si Lin …

Read More »

Pharmally naglaba ng ‘dirty money’ sa pandemya (AMLC pasok sa probe)

091321 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MAAARING drug money ang ginamit na puhunan ng Pharmally Pharmaceutical Corporation para pondohan ang nasungkit na P8.6-B kontrata ng medical supplies mula sa administrasyong Duterte kaya walang money trail o walang bakas kung saan nanggaling ang puhunan ng kompanya. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon  kaya hiniling niya sa Anti-Money Laundering Council …

Read More »

Confidential personnel sa PS-DBM, hirit ni Lao sa CSC

Lloyd Christopher Lao, CSC, PS-DBM

ISANG buwan makaraang italagang pinuno ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) si Lloyd Christopher Lao, hiniling niya sa Civil Service Commission (CSC) na iklasipika bilang confidential employees ang ilang tauhan niya. Inihayag ni Sen. Panfilo Lacson, lumiham si Lao sa CSC para sa “reclassification of employees as confidential employees” ngunit tinanggihan ng komisyon. Sa naging hakbang ni Lao, …

Read More »

Sindikato sa P8.7-B overpriced pandemic supplies ilalantad (Whistleblower kakanta sa Senado)

Senate Whistleblower, PS-DBM, Pharmally, DOH Money

IKAKANTA ngayon sa Senate Blue Ribbon Committee ng isang whistleblower kung sino ang bumubuo ng ‘sindikato’ na responsable sa pagbili ng P8.7 bilyong overpriced medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson, may bagong testigo na dadalo ngayon sa Senado na magbubunyag ng sindikato sa maanomalyang pagbili ng Department of Health (DOH) at Procurement Service – …

Read More »

Michael Yang ‘enkargado’ ni Duterte (Sa pro-China policy)

Rodrigo Duterte, Michael Yang, China

ni ROSE NOVENARIO LUMAKAS ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte na  kumiling sa China, hindi bilang state leader na inihalal ng 16 milyong Filipino, kundi dahil sa tulong ng ‘enkragado’ niya sa Beijing, ang inaangking kaibigang si Michael Yang. Inamin ito ni Pangulong Duterte kahapon sa national convention ng PDP-Laban na ginanap sa Laus Group Event Centre, San Fernando City, …

Read More »

P42-B med supplies ‘iniskoran’ ng komisyon, ibinenta pa ulit sa DOH (PS-DBM bumili ng ‘overpriced’ para sa DOH)

PS-DBM, DOH

ni ROSE NOVENARIO HUMAKOT ng komisyon sa P42-B pondo mula sa Department of Health (DOH), sa biniling overpriced medical supplies, saka muling ibinenta sa nasabing ahensiya. Base sa pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee, lumabas na tatlong beses pinagkakitaan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) at ng Department of Health (DOH) ang multi-bilyong CoVid-19 response funds. Hindi …

Read More »

Isko sa Duterte admin: Gamot muna kaysa plastik na face shield

Isko Moreno, Face Shield, Remdesivir, Tocilizumab

“GAMOT muna kaysa plastic, ‘yun ang bilhin natin.” Panawagan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa administrasyong Duterte kaugnay sa pagtugon sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Iginiit ng alkalde ang pangangailangan sa mga gamot para sa CoVid-19 gaya ng Remdesivir at Tocilizumab. “Ang daming naghahanap ng Tocilizumab…Itong gamot na ‘to nakatutulong sa tao,” sabi ng alkalde. Aabot aniya …

Read More »

Pharmally kompanyang fly by night (Tax clearance kinuwestiyon)

BIR Money Pharmally

ni ROSE NOVENARIO LUMALABAS na hindi rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Pharmally Pharmaceutical Corporation base sa pahayag ni Sen. Franklin Drilon na wala itong tax clearance pero nakasungkit ng kontratang P10-B halaga ng medical supplies sa administrasyong Duterte.  Giit ni Drilon, para makasali sa government bidding ang isang kompanya ay kailangan makakuha ng tax clearance mula sa …

Read More »