Friday , April 19 2024

Shanon Tampon ng Bgy. 179, itinanghal na Miss Caloocan 2019

ITINANGHAL na Miss Caloocan 2019 ang pambato ng Barangay 179 na si Shanon Tampon sa katatapos na timpalak pagandahan handog ng Pamahalaang Panlungsod ng Caloocan at ng Caloocan Cultural and Tourism Foundation, Inc. (CCTF) na ginanap sa Caloocan Sports Complex kamakailan.

“Iniaalay ko ang korona para sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa akin lalo na sa mga lokal na opisyal ng Barangay 179, ang aking tahanan. Karangalan ko na maging kinatawan ninyo at umaasa ako na magiging katulong ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan para sa lalo pang pagpapakilala sa ating mahal na Lungsod ng Caloocan,” ani Tampon.

First Runner-Up naman si Czarina Sucgang ng Barangay 178, 2nd Runner-Up si Nikki Mae Binuya Guese ng Barangay 63, 3rd, at 4th Runner-Up sina Shenna Mae Zaldivar at Kurt Daniel Orilleneda Mataban.

“Binabati ko ang mga nanalo sa Ms. Caloocan at lahat ng magagandang binibini na sumali sa patimpalak na ito,” ani Caloocan Mayor Oca Malapitan. Pinapurihan din ni Mayor Oca ang ipinakitang pagsisikap, dedikasyon, at “sportsmanship” ng mga kandidata.

Ibinigay naman ni CCTF Chairwoman Kat Mendoza ang kanilang buong suporta sa bagong Ms. Caloocan habang isinasagawa nito ang kanyang tungkulin bilang bagong kinatawan ng Caloocan sa larangan ng turismo.

Nahirapan naman ang chairman ng board of judges na si Marco Alcaraz  sa pagdedesisyon kung sino ang mga magwawagi dahil napakagaganda  ng mga kandidata. Gayunman sinabi ni Marco na hangad niya ang matagumpay na taon para sa mga bagong reyna ng Caloocan.

Positibo rin ang feedback ni Jonathan Chong, isa sa mga judge at kilala bilang mentor ni Ms. Universe Catriona Gray sa mga nag-uwi ng korona, “beauty and brains,” aniya.

Pinasalamatan ni Tampon ang Pamahalaang Panlungsod ng Caloocan, CCTF, Barangay 179 Captain Eugenio Notario Jr. at ang Sacred Heart Home Owner’s Assosciation  para sa kanilang walang sawang suporta sa kanya tungo sa inaasam na korona.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *