Friday , April 26 2024
Aiko Melendez Tell Me Your Dreams
Aiko Melendez Tell Me Your Dreams

Pelikula ni Aiko, isasali sa Orange Film Festival sa Turkey

ISASALI ang pelikulang pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Aiko Melendez, ang Tell Me Your Dreams sa Orange Film Festival sa Turkey. Ang pelikulang ito ay isang isang advocacy na hatid ng Golden Tiger Films at mula sa mahusay na direksiyon ni Anthony Hernandez.

Last October ay nagkaroon ng special screening sa Hoops Dome Arena sa Cebu ang pelikula na dinaluhan ni Aiko kasama ang kanyang very supportive BF, si Subic Mayor Jay Khonghun. Umabot sa humigit kumulang sa 5,000 katao ang nagtungo sa Hoops Dome para masaksihan ang pelikula.

Isinusulong ng pelikulang ito ang values formation ng mga bata, ang karapatan nila sa tamang edukasyon, pagbibigay importansiya sa mga katutubo, at ang hindi mapantayang dedikasyon ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ito na ang ikalawang pagkakataon na gaganap bilang guro ang Kapamilya aktres na si Aiko. Ang isa pang pelikulang gumanap siya bilang titser ay sa New Generation Heroes bilang isang English teacher na OFW sa Korea. Si Direk Anthony din ang namahala sa pelikulang ito.

Kuwento ni Aiko, very challenging ang paggawa ng pelikulang ito. Bukod kasi sa physically tiring dahil sa remote area ang location nila na kailangan pa nilang tumawid ng mga ilog at bundok, mga baguhan din ang co-actor niya na karamihan ay galing mismo sa Aeta community sa naturang lugar.

Ginanap  ang press preview at premiere night ng Tell Me Your Dreams last Dec. 1 sa Evia Mall at sa Dec. 5 naman ang exclusive screening nito sa mga sumusunod na malls: Starmall Edsa Shaw, San Jose Del Monte, at sa Alabang.

Napanood naming ang movie at napahanga kami sa husay na pagkakaganap ni Aiko at ng mga co-actor niya. Maganda ang pagkakagawa ni Direk Anthony sa pelikula na may mga eksenang kung ilang beses kaming naluha sampu ng ibang mga taong naroroon at nanonood.

MATABIL
ni John Fontanilla

Kris, ‘di umaasang mananalo ng acting award

Kris, ‘di umaasang mananalo ng acting award

About John Fontanilla

Check Also

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *