Friday , April 26 2024
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Pekeng sigarilyo nagkalat sa CDO

MISMO ang inyong lingkod ang nakabili ng isang kahang Marlboro fliptop kulay pula sa isang tindahan ng Intsik sa Cagayan de Oro City.

Labis na pagkahilo at pagsusuka ang aking naramdaman sa isang stick at dalawang hitit pa lamang sa isang piraso at doon ko nalaman sa aking pagtatanong na hindi lamang pala ako ang may karanasan nang ganoon dahil inamin ng aking mga nakausap na totoong nagkalat ang mga pekeng sigarilyo sa CDO City.

Sabi ng aking mga nakausap, upang hindi makabili ng pekeng sigarilyo sa SM groceries na sila bumibili dahil wala na silang tiwala sa maliliit na tindahan at sa groceries sa mga palengke dahil puro peke ang itinitindang sigarilyo.

***

Matatandaan na sinalakay noon ng mga awtoridad ang Balintawak Market dahil sa pagbebenta ng pekeng mga sigarilyo, sinundan ito ng pagsalakay ng mga awtoridad sa Marilao, Bulacan, at sa Sta. Maria, Isabela. May report na sa lalawigan ng Cavite ay mayroon din pabrika ng mga pekeng sigarilyo ng iba’t ibang brand, ngayon ay ganoon na rin sa Cagayan de Oro City.

Ilan pa kayang lugar ang bibiktimahin ng mga manufacturer ng mga pekeng sigarilyo na makasisira ng kalusugan ng tao. Kung ang pani­nigarilyo ay masama na sa kalusugan lalo na kung ito ay pekeng gawa sa tabako ay tiyak na mapa­padali lalo ang buhay ng naninigarilyo o lubhang adik dito!

MGA TSEKWA, WALANG 
DOKUMENTO  SA CDO

Maging sa Cagayan de Oro City, kali­wa’t kanan ang mga tsekwang ‘di marunong mag­salita ng wikang Filipino at walang kaukulang papeles para magnegosyo sa ating bansa.

Karamihan sa mga tsekwa ay gumagamit ng dummy sa mga business permits o lisensiya sa kanilang negosyo o isang pangalan na hindi totoo. Labis na nakapagtataka pati DTI documents ay pawang mga peke.

Walang ipinagkaiba sa Baclaran, may 3,000 tsekwa ang walang kaukulang papeles na ang nakapagtataka paanong nabigyan ng pagkakataon na makapagnegosyo sa ating bansa gayong sila ay undocumented aliens!

Hindi kaya may mga tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration na kumakalinga sa Chinese illegal aliens?!

***

Sigurado tayo na malaki ang singil ng mga tiwaling opisyal sa mga nasabing undocumented na tsekwa!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *