Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Paslit nalunod sa QC resort
Paslit nalunod sa QC resort

Paslit nalunod sa QC resort

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang 5-anyos totoy makaraang malunod sa swimming pool ng isang resort sa Quezon City, iniulat ng pulisya  kahapon.

Kinilala ni P/Insp. Roldan Dapat ng Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Melvin Mira­sol Mariano Jr.,  daycare pupil, at residente sa Barcelona St., Project 8, Bahay Toro, QC.

Sa naantalang report na ipinarating kay PO3 Elario Wanawan ng CIDU, ang insidente ay nangyari dakong 9:30 am nitong Linggo, 10 Marso, sa Dionicia’s Garden Breeze Resort na matatag­puan sa No. 185 Banlat Road corner Alcantara St., Brgy. Tandang Sora.

Sa pahayag ng mag­pipinsang sina John­nyerson de Vera Ireme­dio,  Bea de Vera at Vince de Vera, nagkakasiyahan silang lumalangoy nang nakita nila ang kasama nilang bata na palutang-lutang  sa pool.

Mabilis na iniahon ni Iremedio mula sa swim­ming pool ang biktima at agad isinagawa ng isang Raymond Padua ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) ngunit nabigong iligtas ang bata.

Isinugod pa sa Metro North Medical Center ang biktima ngunit idine­klarang patay ng attend­ing physician na si Dr. Paulo Acosta. Inaalam ng mga aw­toridad kung may nang­yaring  kapaba­yaan sa panig ng may-ari ng resort. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top