Saturday , April 27 2024

Panaginip mo, Intrerpret ko: Mahabang panaginip

00 PanaginipHello Señor H,

Ako po si Fiona, 15 years old Grae 9 at walang boyfriend. Gusto ko lng po malaman kung ano ibig sabihin ng panaginip ko. Nanaginip po kase ako ng dalawang babae. Hindi ko po kilala pero nag-uusap kami tapos naliligo raw ako sa ilog na may kubo, patalon-talon at may dalawang lalaki raw na lumapit pero kinausap ko kahit hindi ko kilala. Sabe ko mag- bihis ako pagkalabas ko. Nakita ko po si Jeric Raval nandun sa may kubo nakaupo. Doon po sana ako magpapalit ng damit kaso nandoon si Jeric Raval. Nasa labas na po ako no’n tapos may lumabas na babae ‘yung kasama ko pero hindi ko kilala. Hinahanap ko na ‘yung tsinelas ko. Sabe ko “asan na ‘yun?“ Sabe ng babae ayun o nasa ilalim ng kubo. “Tapos yumuko ako at nakita ko maya-maya sabe ni Jeric Raval “wow.“ Tapos sabe naman nung girl, “Hihi, ang pogi n’ya noh.“ Tapos sabe ko po “Crush mo? Sayo na Haha!“ Tapos ngumiti lng yung girl tapos ako pumunta na sa CR na sira ‘yung pintuan.

Tapos may lalaking nakaupo malapit sa CR sabe ko, “Manong wag ka nmn tumingin.“ Medyo Matanda na kase yung lalaki at nagsisigarilyo tapos sabe ng matanda, “Ano ba titingin lng e.“ Tapos po umalis po ako nun at nabuwisit.

‘Yung unang-unang panaginip ko po e magkasama po kami ni Jeric Raval at ng dalawang babae. Pero hindi ko kase matandaan ‘yung una kong panaginip. Nagising kase ako bigla, tapos natulog ulit.

Tapos po di ko inaasahan na Jeric Raval na naman papanaginipan ko. Ang natandaan ko lng po sa panaginip ko e lagi ako inililigtas ni Jeric Raval sa masasamang lalaki. Ano po meaning nun?

Thankyou, wag nlng po ipost# ko thanks.

(Itutuloy)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *