Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Natural na komedya, hatid ni Karla sa Familia Blondina
Natural na komedya, hatid ni Karla sa Familia Blondina

Natural na komedya, hatid ni Karla sa Familia Blondina

MORE on natural.” Ito ang tinuran ni Karla Estrada nang tanungin ito sa tipo ng kanyang komedya na mapapanood sa Familia BlondIna na idinirehe ni Jerry Lopez Sineneng.

“Kung ano ‘yung pang-araw-araw kong sinasabi at inaakting sa buhay, kung paano ako nakikipagkuwentuha sa mga kaibigan ko, itself nakakatawa na eh. ‘Yun na ‘yung mapapanood. At sa rami ng mga comedian na kaibigan ko na nakatatawa tulad nina Ate Ai Ai (delas Alas), Vice Ganda, gusto ko ‘yun lahat naga-gather ko. At kung makita man ‘yun sa pagkatao ko eh, ‘di mas mabuti dahil lahat naman iyon mabuting tao at successful din sa pelikula.

“Pag­sama-samahin natin silang lahat para ako naman ‘yung makapagbigay ng kasi­yahang iyon,” paliwanag ni Karla.

Sinabi pa ni Karla na simple lang ang pelikulang Familia BlondIna.

Pampamilya, at tiyak na lalabas (sa mga sinehan) kayong masaya,” paniniyak pa ng Momshies of Comedy.

Ang Familia BlondIna ay mula sa produksiyon ng Arctic Sky at inihahatid ng Cinescreen na mapapanood sa mga sinehan sa Pebrero 27.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top