Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Nakalilipad sa panaginip

Nakalilipad sa panaginip

To Señor Panaginip,

Ngdrims aq nkklipad dw aq, tas po napangnipan ko dn ung crush q, plz pak nterpret aman po, lgi aq ngbbsa nung dyaryo nio, slamat.. call me mystery boy, don’t post my CP.. tnx!!

To Mystery Boy,

Ang panaginip mo ay nagpapakita ng iyong sense of freedom na noong una ay inakala mong restricted o limitado lamang. Kung sa panaginip mo naman ay nakita mong mayroon kang itim na pakpak, ito ay nagpapahayag ng bitter disappointments.

Kapag nakita sa panaginip ang iyong crush, ito ay literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo ang taong iyon. Kung maganda naman ang takbo o tema ng iyong panaginip, maaaring senyales ito na ngayon na ang tamang panahon upang ipaalam mo sa iyong crush ang nararamdaman mo para sa kanya. Goodluck sa iyong panliligaw.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top