Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Naimpeksiyong bukol sa ilalim ng paa pinagaling ng Krystall Herbal Products
Naimpeksiyong bukol sa ilalim ng paa pinagaling ng Krystall Herbal Products

Naimpeksiyong bukol sa ilalim ng paa pinagaling ng Krystall Herbal Products

Dear Sister Fely Guy Ong,

Maipapatotoo ko po sa inyong produkto na natuklasan ko, ang Krystall Vitamin B1 at B6, ang pinakamabisa na gamot para sa akin.

At isa pa pong maipapatotoo ko, ang apo ko po ay may bukol sa ilalim ng kanyang talampakan at ‘yung paa niya ay tatlong araw nang nama­maga. Hindi siya makatulog sa gabi at iyak nang iyak sa sobrang sakit.

Nang makita ko ang paa niya nilagyan ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Herbal Powder kaya noong gabi ring iyon ay nakatulog na siya.

Ang paa niya ay puro ng nana at ang laki-laki ng bukol. Ang sabi ng kanyang nanay, dadal­hin na lang daw sa doctor at ipabibiyak.

Hindi pumayag ang aking apo, kaya ang ginawa niya, siya na ang bumutas at nang luma­bas ang nana at dumugo naginhawahan na siya.

Noong siya’y may sugat, binigyan ko siya ng Krystall Herbal Oil at Krystall Powder at pati na rin ng Krystall Yellow Tablet na kanyang ini­nom.

Napakabisa talaga ng inyong mga produkto. Salamat sa Panginoon, hindi na gumastos nang malaki ang kanyang magulang.

Maraming-maraming salamat sa Panginoon at natuklasan ko ang produktong Krystall na nabibili ko sa inyo at marami rin akong naitutulong sa iba dahil sa Herbal products.

Hanggang dito na lamang po, maraming salamat kay Yahweh El Shaddai at ginabayan tayong lahat.

Nagpapatotoo,
SIS BENITA V. SOSA

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

 

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top