Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Most hated BI ‘yellow’ official may promotion sa Justice Dep’t
Most hated BI ‘yellow’ official may promotion sa Justice Dep’t

Most hated BI ‘yellow’ official may promotion sa Justice Dep’t

EXTRA-SPECIAL ang topic nating blind item ngayon tungkol sa isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) official.

Muntik na kasi tayong ‘napupu’ nang nakara­ting sa atin ang isang balita tungkol sa kanya.

Dahil nga po sensational ang dating sa atin ng ‘balita’ kaya sa maniwala kayo at sa hindi ay dadaigin nito ang typhoon “Ompong” na nanalasa at naging prehuwisyo sa buong Cagayan!

We couldn’t imagine na ang tinutukoy pala na i-appoint na next ‘Oh I See’ ‘este OIC sa isang most sought after position sa ahensiya ay ‘yung dating “MHP” sa Bureau of Immigration!?

Huwatt? “MHP?”

“Most Hated Personality” po mga ateng at kuyang!

Wattafakk!?

E bakit naman Most Hated personality si ateng ‘este kuya, ayyy ano ba talaga siya?

Imagine, ‘di pa man nag-iinit ang panty ‘este karsonsilyo nang mabigyan ng mataas na puwesto noon, e kung umasta’y parang nag­wawalis lang sa kalsada at kung saan lang makursunadahang ibasura ang mga hindi niya “bet” sa ahensiya!

Ganern?

Resulta, tumaas tuloy ang unemployment rate sa bansa! Grabe naman pala ang nasabing mama kapag nakapupuwesto?!

Siya raw ngayon ulit ang napupusuan ng isang powerful na opisyal sa DOJ dahil school­mate sila and “truly deserving” ‘daw’ ang BI official?!

Truly deserving?!

Ewwsss?!

You heard it right, guyzz!

Because of her ‘este his, ayyyy ano ba talaga ‘yan?!

Well, ang ipinagtataka natin, how could it be na ang isang ‘De lima die hard supporter’ ay nakapoporma sa administrasyon ng mahal nating pangulo na si PRRD?

Identified kasi na ‘C.D.’ ang nasbaing opisyal.

C.D. as in ‘Certified Dilawan!’

Nampusa naman!

And this is the most hated color of our dear President!

Kung noon ay nasambit ng ating Presidente ang salitang “My God, I hate drugs?!

For sure, ngayon naman ay iisa lang ang puwede niyang sambitin…

“Maygad I hate DARNA!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top