Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Midas hotel kasabwat sa modus operandi ng mga manloloko at estapador?!

Midas hotel kasabwat sa modus operandi ng mga manloloko at estapador?!

00 Bulabugin JSY

ISANG businessman ang nagreklamo sa inyong lingkod kaugnay ng tila MODUS OPERANDI na kasabwat o kung hindi man ay kinukonsinti ng Midas Hotel d’yan sa Roxas Blvd., Pasay City.

Isang piloto na kinilalang si Argel Blanco ang nagsanla ng kanyang kotse sa businessman na si Edwin Domingo.

Noong Oktubre  3 (2013) nag-check-in siya sa Midas Hotel gamit ang Honda CRV na may plakang may plakang ZDP 128 na isinanla sa kanya ni Argel Blanco.

Si Blanco ay sinasabing private pilot ng sikat na balladeer na si Jose Mari Chan at kilalang player ng casino sa Midas Hotel.

Ayon kay Domingo isinangla ni Blanco ang nasabing kotse sa kanya, sa kanyang opisina sa Araneta Ave., corner Quezon Ave., sa halagang P400,000.

Isang papel lamang na may pirma at thumb mark ni Blanco na nagpapatunay ng pagsasangla sa sasakyan ang kanyang pinanghahawakan dahil tiwala umano siya dahil matagal na silang magkaibigan.

Idinagdag ni Domingo na matapos niyang pumasok sa nasabing hotel ay ibinigay niya ang susi sa Valet at binigyan siya ng valet parking ticket.

Sinabi rin umano ni Domingo sa security ng naturang hotel na nakasangla sa kanya ang sasakyan ni Blanco, kaya’t hiningi sa kanya ang duplicate ng OR/CR ng sasakyan kasama ang kanyang lisensya saka nagtuloy na sa loob ng hotel.

Matapos ang ilang oras ay bumaba na si Domingo ngunit nang kanyang gagamitin ang sasakyan ay wala na umano ito at nailabas na ng taong nagsangla sa kanya.

Hindi rin umano alam ni Domingo na naroon sa hotel si Blanco. Agad siyang nagtuloy sa front desk ng Midas Hotel at sinita ang mga tao roon kung bakit nailabas ang sasakyan gayong ibinilin na niya sa security office.

Maging ang valet parking ticket ay nasa kanya pa kaya’t ganon na lamang ang kanyang pagkadesmaya. Nagpaliwanag ang mga kinatawan ng hotel sa kanya na kilala na nila si Blanco na lagi umanong dala ang nasabing sasakyan kaya’t ibinigay nila ang CRV kahit wala ang valet parking ticket, na naiwan lang umano sa kanyang dahil sa pagmamadali.

Kinasuhan na ni Domingo si Blanco ng estafa sa Pasay City prosecutors office, habang ang nasabing hotel ay wala pang ginagawang aksyon sa kanilang naging kapabayaan.

Grabe!

Ang tanong nga ng BULABOG boys, ilan na ang nabiktima ng Midas Valet at mga kasabwat  nila gaya ni Blanco?

Ingat-ingat po lalo na doon sa mga madalas mag-check-in sa Midas Hotel!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top