Saturday , April 20 2024

Malaki ang problema (gibaan) sa BI-Mactan airport (Attn: SoJ Leila de Lima)

00 Bulabugin
Nitong mga nakaraang araw, marami akong natanggap na text message at e-mail na nagdedetalye ng mga anomalya ng ilang Immigration officer sa Bureau of Immigration (BI)-Mactan airport.

May sumbong laban sa Immigration Officer, may sumbong laban sa TCEU agent at sa Intel.

Minabuti kong magtanong at mag-verify at nalaman ko na iisa pala ang pinag-aawayan ng mga tauhan ng BI Mactan airport … ‘TRABAHO’ na pinagkakakitaan nila!

Kapag nasagasaan ng isa sa kanila ang ‘trabaho’ ng kasamahan nila ay sisiraan at gigibain para makaganti at mapatanggal sa airport.

Natuklasan ko rin na isang Intel personnel na alias “BELO-T” ang may hawak ngayon ng sindikato ng Bombay diyan sa Mactan airport.

Matindi raw si alias ‘Belo-t,’ lahat ng nakikialam at nakasasagasa sa trabaho niya ay kaya niyang pondohan para sa demolition job.

Alam mo ba ‘yan BI-Intel head Atty. Jake Licas?

Ilang IO rin ang sinasabi na ‘tongpats’ ng mga Koreano at Intsik sa airport.

Immigration Comm. Fred Mison, it’s about time na ituwid mo ulit ang daan diyan sa BI Mactan airport.

Huwag na ninyong hintayin na may ‘sumabog’ pa na malaking bomba diyan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *