Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magandang aktres, nagpakasal sa beki at nakipagrelasyon sa dyowa ng beki
Magandang  aktres, nagpakasal sa beki at  nakipagrelasyon sa dyowa ng beki

Magandang aktres, nagpakasal sa beki at nakipagrelasyon sa dyowa ng beki

BUONG akala ng magandang aktres na ito’y natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habambuhay. Pero alam n’yo ba na may tsikang beki raw ang kanyang pinakasalan?

Kuwento ito ng isa sa mga malapit sa aktres noong nagsasama pa ito at ng kanyang asawa, ”Paano hindi ka naman magtataka, family reunion pero hindi sumasama ‘yung lalaki kay (pangalan ng aktres)? Tapos, hindi man lang nagkukuwento si (aktres) tungkol sa ginagawa nila ng dyowa niya sa gabi. Hindi ba’t tayong mga babae, kapag nag-umpukan na, eh, pinagkukuwentuhan natin ‘yung mga ginagawa natin together with our husbands? Siya, waley! Hindi siya maka-relate sa topic!”

Ang ending, naghiwalay na rin daw ang celebrity couple.  Pero hindi roon natapos ang kuwento.

Dagdag ng friend ng aktres, ”Siyempre, may biological need naman si aktres kaya noong mahiwalay siya sa mister niya, eh, nakipagrelasyon siya sa isang taga-showbiz. Ang kaso, tinutukso namin siya, hindi nga bakla ang karelasyon niya pero dyowa naman ng bakla! Ha! Ha! Ha!”

Da who ang aktres na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Diana Alcantara.

( Ronnie Carrasco III )

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top