Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza, Janella, at Julia, sosyal magpurihan
Liza, Janella, at Julia, sosyal magpurihan

Liza, Janella, at Julia, sosyal magpurihan

NAGPURIHAN sa isa’t isa kamakailan sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Janella Salvador.

Sina Angelica Panganiban, Kim Chiu, at Bela Padilla naman ay nagpalagay ng tuldok na tattoo bilang sinyal ng pagiging malapit na magkakaibigan.

Okey lang na magpurihan ang mga celebrity sa isa’t isa para mabalanse naman ang parang ‘di mapipigil na pamba-bash ng netizens sa kanila. Pamba-bash na walang katorya-torya at talaga namang walang kasaysay-saysay.

‘Yung “mutual admiration club” (purihan sa isa’t isa) nina Julia, Liza, at Janella ay nagsimula sa pagpo-post ni Julia sa Instagram ng pictures n’ya na naka-backless (ang girlfriend ni Joshua Garcia). Ang unang nag-react ay si Liza, na, siyempre pa, ay Inglesera (dahil may ilang taon ding nanirahan sa US ang pamilya n’ya). Kailangan daw itigil na ni Julia ang pagpo-post sa Instagram ng sexy pics n’ya sa beach—dahil magkaka-heart attack na ang madla sa katititig sa sexy pics niya.

Sumagot naman—sa Ingles din—si Julia. Dahil mas sexy naman si Liza sa kanya, ang girlfriend ni Enrique Gil ang dapat nang tumigil.

Naki-join naman si Janella kay Julia na si Liza nga dapat ang tumigil dahil siya man ay nagkakaatake sa katitingin sa sexy pictures ni Liza at di na nga n’ya mabilang kung ilang beses na siyang naatake sa mga nakita n’yang sexy pics nito. Binalingan ni Liza si Janella na ‘di lang sexy ang anak ng singer na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador kundi perfect pa ang mukha kaya tiklop silang dalawa ni Julia tuwing magkakasama silang tatlo na nililitratuhan.

Sosyal na purihan at kantyawan ‘yon ng mga malalapit na kaibigan. Tiyak na matutuwa ang mga magulang na ang mga anak ay fan ng isa man sa tatlong batang aktres dahil Ingles kung magkantyawan ang magkaibigan. Baka maengganyo ang mga anak nila na mag-aral ding magsulat sa matinong Ingles at magkaroon ng disenteng expressions (bukambibig) sa Ingles.

Hindi rin ninerbiyosin ang mga magulang ng menor de edad pang fans na humiwalay na si Janella sa parang pakikipag-live in nito kay Elmo Magalona na nauwi sa pag-aakusa ng batang aktres na sinaktan siya physically ng anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona. 

Tuwang-tuwa nga ang ina ni Janella sa pagbabalik ng panganay n’yang anak sa piling n’ya. Dahil nga siguro mas matiwasay ang buhay ni Jenine  nitong mga nagdaang buwan kaya nakuha siyang miyembro ng cast ng musical na Ingles na M. Butterfly na itatanghal sa labas ng Metro Manila ngayong buwan at hanggang Abril.

Ang M. Butterfly ay nagtatampok kay RS Francisco bilang isang opera singer na gumaganap bilang babae para makapag-espiya sa mga aktibidad ng isang consul na naka-assign sa Red China.

May nakatakdang re-staging ang M. Butterfly sa Metro Manila at malay natin na maisipang manood nina Janella, Julia, at Liza na magkakasama. O baka nga pati sina Kim (na Filipino-Chinese), Bela, at Angelica ay manood din bilang magbabarkada.

Parang bilang na ang araw ng netizen bashers. Takot naman pala silang mademanda. May isang bastos na napatalksik na sa trabaho. Sa ibang isyu na lang ng kolum na ito iuulat ang tungkol sa netizen bashers na napatahimik ng ilang showbiz idols.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top