Saturday , April 20 2024

Lance, nabasag ang mukha at halos napisak ang mata! (Milagrong naka-survive matapos bagsakan ng barbell)

ni  Nonie V. Nicasio

MUNTIK ikamatay ng singer/actor na si Lance Raymundo ang hindi inaasahang aksidenteng kinasangkutan niya habang nag-eensayo sa gym (ayaw na niyang pangalanan) noong umaga ng March 19 nang mabagsakan siya sa mukha ng 80 pound na barbell.

Sa kuwento sa amin ni Lance, nakahiga siya sa bench press dahil katatapos lang niya ng dumbbell flies nang mangyari ang aksidente. “Pagkatapos ng dumbbell flies workout ko, kukunin dapat ng trainer ang mga dumbbells sa kamay ko, tapos natabig niya yung barbell sa taas ng ulo ko kaya bumagsak diretso sa mukha ko.”

Sa sobrang tindi ng tinamo niyang pinsala, kita raw ang skull niya nang dalhin siya sa ospital. Dahil sa pangyayari, nasabi ni Lance na second life na niya ito.

“This is my second life! Less than one inch above point of impact, patay na po ako, kasi casing na ng utak ang mababasag. A few inches below would have been fatal too, dahil breathing naman ang madadale,” esplika ni Lance na thirteen days namalagi sa ospital bunga ng naturang insidente.

Dagdag pa niya, “Narinig ko mismo ang tunog ng pagkakadurog ng mga buto sa mukha ko, pero wala akong naramdaman. Nag-numb kasi ‘yung buong ulo ko. Hindi ako nawalan ng malay pero dumoble ang tingin ko at nahilo ako.”

Itinuturing din niyang isang milagro ang nagyari. “It is definitely a miracle, someone told me, the Devil was the one that pushed the barbell to fall on my face. Pero naniniwala ako na ang Diyos naman ang sumangga sa barbell kaya imbes na sa utak o lalamunan ang bagsak, ay sa ilong lang, kaya ako naka-survive.”

Sinabi rin ni Lance ang ginawa ng mga doctor sa kanya. “So far, nag-implant sila ng supra foil net sa surrounding areas ng eyeball ko dahil nabasag mismo ang socket kung saan naka-encase ang eyeball ko.

“Bago ako inoperahan, half blind na po ako. Nag-implant din sila ng mga titanium plates sa lahat ng areas ng mukha ko na nabasag, Tulad ng buong mid-area ng face, forehead, cheek bones at nose. Kailangan ito para ma-reconstruct ang eye socket at ang porma ng face ko. Ilang inches ang nilubog ng foundation ng face ko kasi.

“Na-damage po yung eye socket kaya bumaba ang isang eyeball ko. Pero with God’s grace… Yung eyeball mismo ay hindi napano! Nagulat nga ang doctor, kasi sa ganoong klaseng impact, dapat pala ay sumabog ang eyeball ko.

“Awa ng Diyos, hindi naalis and eyeball ko. Kung sumabog yun, bulag na po yun permanently,” mahabang kuwento pa ni Lance.

Dahil sa aksidente, pinalitan ni Vince Tañada si Lance bilang bida sa play na Ang Martyr sa Golgota. Nang nalaman ito ni Lance ay nagpasalamat siya sa batikang stage actor/director na hindi tumatanggap ng play sa labas ng Philippine Stagers Foundation at tinanggap lang ang play dahil kay Lance.

“I’m very honored that Direk Vince took the role!! I just found out from you! I’m sure that he will portray Jesus Christ magnificently!”

Nabanggit din ni Lance na ang mga eksena niya sa Esoteric Manila ni Direk Elwood Perez na pinagbibidahan nina Ronnie Liang at Vince Tañada ay natapos na niyang gawin.”Yup! Tapos na lahat ang eksena ko sa movie na Esoterica Manila.”

Pinasalamatan din ni Lance ang mga taong nakatulong sa pagbuti ng kalagayan niya. “I’d like to thank, God, my family who took care of me everyday!! My doctors who gave me back my face and vision. Manong Tony Atayde who spearheaded the prayer vigil and prayer rally with all the La Sallistas. Sister Gloria and the RVM nuns and disipulos who prayed for me non-stop, my agent Shandii Bacolod who asked the entire entertainment industry to pray for me. My Wolf Friends who always gave me love and support and prayers.”

Super ang suporta sa iyo ng family mo, lalo na ang mom mong si Nina Raymundo, ano ang masasabi mo rito? “To be born into this family, with loving parents, a great Kuya and a wonderful sister in law and two sweet nieces is one of God’s greatest gifts to me! Their presence and love helped me heal fast!!!”

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *