Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kuripot na actor, malapit nang layasan ng ginugutom na boy
Kuripot na actor,  malapit  nang layasan  ng ginugutom na boy

Kuripot na actor, malapit nang layasan ng ginugutom na boy

TUMITIYEMPO lang ang isang male house help pero pinaplano na pala niyang layasan ang kanyang among aktor. Ang dahilan: sobrang kuripot daw ang kanyang pinaglilingkuran.

Tsika ng aming source: “Kinakaya pa naming tiisin ng boy ‘yung amo niya, pero makahanap lang talaga siya ng malilipatan, magbabalot-balot na siya ng kanyang mga gamit at lalayas na siya sa bahay ng makunat niyang among aktor!”

Ayon sa boy, tinitipid daw siya sa pagkain ng kanyang amo. “Kulang na lang, eh, ipakain sa kanya ‘yung mga tira-tirang pagkain na kahit pusa yata, eh, hindi masisikmurang kainin! May trabaho naman ang aktor na ‘yon, sabihin na nating hindi regular, pero obligasyon naman niyang pakainin ng disenteng pagkain ang mga nagsisilbi sa kanya, ‘no!”

Da who ang kuripot na aktor na malapit nang layasan ng kanyang ginugutom na boy? Itago na lang natin siya sa alyas na Carlitos Agbayani.

( Ronnie Carrasco III )

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top