Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kudos Judge Paz Esperanza Cortes! (Sa pagpapalipat kina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa Taguig City jail)

Kudos Judge Paz Esperanza Cortes! (Sa pagpapalipat kina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa Taguig City jail)

00 Bulabugin
BILIB tayo sa tibay magdesisyon ng hukom na nakatalaga sa Taguig regional trial court (RTC) kung saan nai-raffle ang kasong assault and serious illegal detention laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Simeon Raz kaugnay ng asunto sa kanila ng actor/TV host na si Vhong Navarro.

Nanindigan si Judge Paz Esperanza Cortes na dapat nang ipadala sa Taguig City jail sina Deniece at Cedric dahil nauukol na roon sila ma-detine habang nililitis ang kasong walang piyansa. Mantakin n’yo naman kung mananatili sa Camp Crame CIDG si Deniece at sa National Bureau of Investigation (NBI) si Cedric at Raz, e ‘di para rin silang sina Jinggoy, Bong at Enrile.

Nakakulong kunwari pero ang sarap ng buhay sa loob.

Hindi ba’t nakapag-birthday party pa nga si Denice d’yan sa Camp Crame?!

Kung hindi magiging matibay ang judge na may hawak sa mga kasong gaya nito, t’yak maraming mga detainees or inmates ang magwawala dahil sa pabor na ibinibigay sa mga kagaya nina Lee, Raz at Cornejo.

Naniniwala tayo na dapat lang papurihan si Judge Cortes sa ipinakita niyang determinasyon at paninindigan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top