Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, niresbakan daw kaya hindi natuloy ang TV show

Kris, niresbakan daw kaya hindi natuloy ang TV show

EWAN kung matatawag na advantage of being ahead of the news ang nakarating na balita sa amin tungkol sa pagkakakilanlan ng isang makapangyarihan at maimpluwensiyang tao na umano’y humarang sa mga kasado na sanang proyekto ni Kris Aquino sa TV.

Sa ngayon, we are not yet at liberty para pangalanan ang taong ‘yon, pero napakapamilyar niya sa aming pandinig.

Maraming taon na ang nakalilipas nang maging matunog ang kanyang pangalan sa isang kontrobersiyal na usaping kinapalooban niya. Hindi gaanong kagandahan ang isyung ‘yon, pero mula noon hanggang ngayon pala’y nananatili pa ring nasa kanyang paligid ang mga tapat niyang kaibigan.

Marahil, may kung anong nagawa si Kris o isa sa mga malapit niyang kaanak sa taong ‘yon kung kaya’t maaaring nireresbakan ngayon ang Queen of All Media.

Pasensiya na kung hindi namin matumbok ang identity ng taong ‘yon, pero tiyak na sa mga darating na araw ay lulutang ang kanyang pangalan na siyang kontrabida sa TV career ni Kris

HOT,  AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top