Thursday , April 25 2024

Killer ng misis ni Papa Dom positibo sa ballestic, DNA tests

POSIBLENG madiin sa mga asuntong kinakaharap ang nasakoteng serial rapist na taxi driver nang tumugma ang ballistic at DNA tests sa nakuhang bahid ng dugo mula sa mga naging biktima niya, kabilang ang pagpaslang sa biyuda ng isang musikero, pamamaril at pagholdap sa isang 17-anyos freelance therapist sa Makati City.

Ayon kay Makati City Police Homicide Section investigator PO3 Ronaldo Villaranda, ang suspek na si Nitro Izon, alyas Ricky Ramos, 24, ang itinurong responsable sa pagpatay at pagholdap sa biktimang si Teng Santaromana Gamboa, biyuda ng musikero at bokalista ng Tropical Depression na si Dominic “Papa Dom” Gamboa, nang tumugma ang resulta ng test sa nakalap na bahid ng dugo sa sinakyan niyang taxi.

Tumugma rin kay Izon ang bahid ng dugong nakuha mula sa isa pa niyang biktimang si Daniel Mercado, 17, freelance therapist, hinoldap at binaril niya noong Marso 21 sa Malugay St., Brgy. Bel Air, Makati City.

Kahapon lumutang sa Makati City Police headquarters ang isa sa mga driver ng mga taxi na kinarnap ni Izon at ginamit sa pagholdap at pag-rape sa ilang biktima.

Nasakote si Izon noong Abril 14 ng mga pulis sa San Miguel Bulacan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Makati at Manila Regional Trial Court.

Samantala, pinapurihan ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña Jr., ang pamunuan ng Makati City Police sa pag-aresto sa ‘serial rapist taxi driver’ na si Izon.

About Jaja Garcia

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *