Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Lloyd at Ellen, ikinasal na

John Lloyd at Ellen, ikinasal na

IKINASAL na raw kamakailan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Eh pabayaan na ninyo sila dahil gusto nila iyon. Huwag na ninyo silang pakialaman, tutal ngayon naman ay wala silang career. At saka karapatan nila iyon, bukod nga sa katotohanang may anak na sila.

Bakit naman pinakikialaman pa ninyo iyon? Wala na sila sa showbiz, patahimikin na ninyo.

Kung sa bagay, nangyayari ang ganyan dahil talagang marami ang nanghihinayang na dahil diyan ay nawala ang career ni John Lloyd. Hindi naman maikakailang isa siyang magaling na actor at bankable star talaga. Siguro kung si Ellen lang ay hindi naman sila manghihinayang dahil wala pa namang naaabot ang career niyon hanggang noong mabuntis siya at tumigil. Talaga namang iyang si Ellen hanggang sa pagpapa-sexy pa lang ang naaabot.

Ang pinaka-kontrobersiyal nga lang na istorya niyang si Ellen ay noong banggitin siya ni Presidente Digong na dahilan daw kung bakit hindi na inuuwian ng kanyang anak na si Baste ang tunay na asawa’t anak. Pero ngayon naman siguro tapos na ang problema dahil may sariling asawa’t anak na si Ellen.

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top