Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jodi Sta. Maria no lovelife pero tagumpay sa career
Jodi Sta. Maria no lovelife pero tagumpay sa career

Jodi Sta. Maria no lovelife pero tagumpay sa career

MATAGAL nang blessed si Jodi Sta. Maria sa kanyang showbiz career at maganda ang relasyon nila ng manager at mother sa showbiz na si Sir Biboy Arboleda.

Aba! Magmula nang mag-start ang tandem nila ni Madir Bibs ay nagkasunod-sunod na ang pro­yekto ni Jodi sa TV at movies. Hindi biro ‘yung naitalang record noon ng Kapamilya actress sa ratings game ng “Be Careful With My Heart” nila ni Richard Yap o Ser Chief na nasundan ng Sana Dalawa Ang Puso kasama si Robin Padilla.

Ngayon ay may bagong show TV series si Jodi sa Dreamscape Enter­tain­­ment ang Mea Culpa na pagsasamahan nila ni Bela Padilla. Malapit na rin ipalabas ang horror movie nito sa Reality Entertainment na “Second Coming” opposite with Marvin Agustin and idinirek ito ni Jet Leyco.

Isa na rin matagumpay na negosyante si Jodi na nagmamay-ari ng tatlong branch ng Rue Bourbon Bar and Resto sa Eastwood City Walk Libis, Salcedo Makati, at BGC at ang kanyang The Happy Barn Milkshake Factory na located naman sa Rustans Supermarket sa Evia, Las Piñas.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top