Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / It’s payback time na ba ni Sixto kay De Lima?!

It’s payback time na ba ni Sixto kay De Lima?!

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI na tayo nagulat nang sabihin ni retarded ‘este retiring Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., na si Justice Secretary Leila De Lima ang gusto niyang humalili sa kanya.

Nagtataka naman tayo kay retirable Chairman Sixtong ‘este Sixto, kung bakit kailangan pa niyang magrekomenda ng galing sa ibang departamento gayong mayroon namang ibang Commissioner (insider) na pwede niyang i-endorse.

Bakit si Justice Secretary na malaki ang naitutulong sa administrasyon ni Pangulong Noynoy?!

Iniisip tuloy natin na may kahinaan si Chairman Sixtong ‘este Sixto sa pagpapanday ng mga second liner sa hanay ng kanyang mga Commissioner …

O may kinalaman kaya ito sa isang senaryong personal na nasaksihan natin sa Malacañang noong 2010 nang araw na nakatakdang manumpa si Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Lilia De Lima kay PNoy.

Nakita natin na naroon at panay ang buntot ni Brillantes (hindi pa siya naitatalagang Comelec Chairman) noon sa mga  De Lima.

Kung hindi tayo nagkakamali, si PEZA Dir. Gen. Lilia De Lima ay tiyahin ni Madam Leila.

Hanggang nanumpa si Lilia De Lima kay PNoy ay umeepal ‘este naroon din si Brilliantes na parang kapamilya nila at nang matapos ang oath taking ay may ibinubulong pa ang matanda sa ating Pa-ngulo.

Hindi naman natin binigyan ng kulay noon ang pagbuntot-buntot ni Brillantes kay Madam Leila pero nang maupo na siya bilang Comelec Chairman ‘e bigla nating naalala ang senaryong iyon.

At nadagdagan pa ngayong nabatid natin na ini-endorse niya si Madam Leila para makahalili sa kanya sa Comelec.

It’s payback time na ba, Chairman Brillantes?!

Gusto sigurong tiyakin ni Chairman na mayroon siyang direct contact sa susunod na Comelec Chairman.

By the way, hindi ba dapat ‘e i-lifestyle check muna si Brillantes at ang dalawang Commissioner na magreretiro sa papasok na buwan?

Mahirap nang matulad kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

‘Di ba, soon to be retired Chairman Sixto?!

Ang Pagibig Office sa Mandaluyong ‘Erap’ Building

TALAGANG naniniwala tayo na hindi mauubos ang ‘suwerte’ at kadatungan ni Erap Estrada. 

At isa nga raw sa pinagkakakitaan ni Erap ‘e ‘yung building niya sa Mandaluyong City kung saan umuupa ng kanilang opisina ang Pag-IBIG Fund.

Kaya nga gusto namin itanong kay Pag-IBIG chief, Atty. Darlene Marie Berberabe kung kailan nagsimula at hanggang kailan ang kontrata ng Pag-IBIG sa gusaling ‘yan na sinasabing pag-aari ni Erap?!

Balita kasi na noong 2010 matapos na manalo si VP Binay ay nai-award bigla ang kontrata ng Pag-ibig sa Erap building?

Magkano ang upa at kung dumaan ba sa public bidding ‘yan?

‘Yan lang po ang mga katanungan natin, Madam Berberabe.

Puwede bang pakisagot kami sa mga kuwestiyon naming ito?!

Mag-ingat sa mandarambong sa kalye (RWM Towing) sa Maynila (Pakisagot Manila Traffic Czar Vm Isko Moreno)

GOOD day sir Jerry.

Magrereklamo po ako regarding sa maling pamamaraan ng RMW Towing Service. Nasa tapat po ako ng BPI Malate Branch around past 2:00 pm Tuesday  Jan. 13, 2015 Apolinario Mabini St., mayroon po akong inaasikaso sa banko tungkol po sa ATM for my wife’s allotment for updating at naka-park po ako sa tapat ng BPI,  lumabas po ako nakita ko ang RMW Towing Service crew ay nagmamadaling i-tow ang car ko at habang ako po ay nakikipag-usap sa leader ng RMW Towing Service patuloy pa rin ang ibang crew nila na isalpak ang bakal na pang tow nila sa kabila ng pakikiusap ko sa team leader ng RMW Towing Service ay nauwi tuloy sa pagtatalo. Akin po itong hinadlangan kasi ang isang crew nila ay pilit na nilalagay niya ang lubid sa ilalim ng gulong na alam ko na ‘pag doon nila itinali ang lubid ay maaring masira ang steering ng car ko. Sir Jerry Hindi po ba puwedeng sabihan ako na example na ganito words na sabihin sa akin na: Sir bawal po ngayon dito mag-park,  sir next time po ‘wag na niyong ulitin po ito. Di ba Sir Jerry ito po bang tamang usapan parang walang pagtatalo in both parties? Sir Jerry alam niyo po hiyang-hiya po ako sa mga tao na nakatingin sa amin kasi po first time po itong nangyari sa akin at  pagkatapos po may nakipag- usap sa akin na isang bossing nla na sila na raw ang bahalang makipag-usap doon sa bossing niya sa may tabi ng Manila Zoo. Basta ibigay ko lang daw ang driver license ko at isa sa mga crew nila ang sasama sa akin para ok na raw. Nag-ok na rin ako pero naging ganoon pa rin ang nangyari gusto nilang tubusin ko ng 1,500 ang driver license ko. Sir wala po akong ganoong perang  hawak. Nakiusap ulit ako roon pero wala pa rin nangyari. So nagpunta po ako sa Manila city hall para makiusap doon sa office nila. Habang nakikipag-usap po ako sa isa sa empleyado ng city hall na wala sila alam sa kadahilanang mga pribadong company ang mga ito.

Sir Jerry ito po ba ay tamang paglilingkod sa mga tao. Pero Sir maayos ka naman nakikipag-usap sa kanila pero porke nasa side sila ng gobyerno ‘e gayon na lang magtrato sa atin ang kanilang crew at sinabihan ako na magbabayad ng 1,500 pesos para sa towing services.

Nakiusap po ako na wala ako pera na ganun at cla na ang nagsabi na magbayad na lamang ng kalahati.

Ang ikinasasama po ng aking loob ay pinalibutan ako ng crew ng RMW towing service na parang isang kriminal, sabi nla kaya raw nila tinow un sasakyan ko sa dahilan na wala tao sa loob ng kotse. May pruweba po ako ng stub ng banko kaya ako naka-park at ilang minuto lamang aking inilagi sa loob ng banko.

Ang tanong ko po ay ito:

1. Bakit hindi po cla maglagay ng towing notice sa isang lugar? Nakita ko po na walang notice signage at nasa tapat po ng banko ang aking sasakyan, at ako ay nasa loob para sa isang business matter.

 2. Bakit hindi cla pwede pakiusapan: na dapat bigyan muna nila ng precaution ang may ari.

 3. Dapat ba nila kuyugin ang driver? Ano ang aming laban sa ganung sitwasyon?

 4. Bakit hindi cla nagbigay ng resibo? Ang binigay lang nla ay stub.

 5. Bakit mga abusado ang mga nasa towing services sa Maynila?

 Marami pong salamat.

Armando O. Peñafuerte

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top