Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Inakusahang rapist ng anak ama nagbigti

Inakusahang rapist ng anak ama nagbigti

“MAY problema po kasi siya sa kanyang pamilya. Isa pa, pinagbintangan pa siya na  ni-rape daw n’ya ang kanyang anak na babae. Maaaring dinamdam niya ito kaya siya nagpakamatay.”

Ito ang sinabi sa pulisya ng isang Rolando Lorenzo, 59, nagpakilalang bayaw ni Jerry Berja, 35, landscaper, natagpuang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Hangga, Brgy. Longos, Malolos City dakong 6 a.m. kahapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay napansin ng mga kaanak ang biktima na balisa at madaling magalit kapag kinakausap hanggang sa matagpuan wala nang buhay.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matiyak na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top