Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ikaw Lamang stars, may regalo sa fans

Ikaw Lamang stars, may regalo sa fans

 
ni  Maricris Valdez Nicasio

MAS paiibigin nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu ang loyal viewers ng ‘master teleserye’ ng ABS-CBN na Ikaw Lamang sa grand launch ng kanilang official soundtrack album ngayong Linggo (Abril 6) sa Trinoma Activity Center, 4:00 p.m..

Makakasama nina Coco, Jake, Julia, at Kim ang ilan sa singers ng Ikaw Lamang soundtrack na sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, at Marion Aunor. Sa ilalim ng produksiyon ng Star Records, tampok sa Ikaw Lamang Official Soundtrack ang mga theme song ng pinakamamahal na karakter ng teleserye na sina Samuel (Coco), Isabelle (Kim), Mona (Julia), at Franco (Jake). Bahagi ng track list ang  Ikaw Lamang ni Gary Valenciano, Panaginip ni Erik, Somewhere ni Angeline, Sa Aking Pag-iisa ni Juris, Pangako ni Jovit Baldivino, Pers Lab ni Marion, at ang bersiyon ni KZ Tandingan ng  Somewhere.

Samantala, huwag palampasin ang mga kapana-panabik na rebelasyon at makapigil-hiningang eksena sa master teleseryeng Ikaw Lamang gabi-gabi, pagkatapos ng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top