Thursday , April 25 2024

Horse owner bumababoy ng karera

Kung may mga horse owner na nagmamalasakit na umunlad ang karera sa bansa may ilang horse owner ang bumababoy sa industriyang kinabibilangan.

May mga horse owner na kumwari ay nagmamalasakit sa karera subalit ilan sa kanila nasa likod sa ilang katiwalian sa loob ng karerahan.

Binababoy ng mga  pasaway na horse owner ang karera sa pamamagitan ng pagperder sa kanilang mga kabayo na  ang masakit dito ay mananayang karerista ang lubhang naaapektohan.

Ang pagperder ng kabayo ang siyang maituturing na mortal sin sa industriya dahil mismo ang publikong nagtitiwala sa mga baboy na horse owner ang siyang naaapektohan.

Usapang baboy di lang namanb dahil igto ang trend ngayon matapos pasikatin ni Janet Lim- Napoles, banta pa rin sa pambababoy sa karera ang bvookies operator sa Metro Manila.

Isang malaki at bigtime bookies operator’s ang nasa likod ng ilang horse owner ang nasa likod ng mga nagaganap na baboyan.

Alam mo Boss Jerry, ang nakakatakot ngayon tamuya sa llamdo dahil binabaril ito ng bookies na gumagalaw sa loob ng karerahan at take note tionatangkilik pa ito ng ilang horse owner na nanguna sa nabigong strike laban sa Philracom.

P1-milyon Carry Over sa WTA

Asahan ang pagbaha ng benta sa kinagigiliwang Winner Take All event ng bayang karerista dahil sad ala-dala nitong carry over sa pag-alagwa ng karera sa bakuran ng  Manila Jockey Club sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayon araw.

May nakalaang mahigit na P1-milyon na carry over  para sa WTA event na magsisimula ang karera dakong ala-6:00 ng gabi.

Ilan sa mga kalahok mula sa 8 karerang bibitawan ang puwedeng isali sa inyong talaan ang Tribal King, Naturee Nature at Santino’s Best, isama din po ninyo ang Flash Away ,Masaganang-ani at  Bagong Barrio.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *