Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Expenditures ng senatoriables pataas nang pataas
Expenditures ng senatoriables pataas nang pataas

Expenditures ng senatoriables pataas nang pataas

HABANG nalalapit ang 13 Mayo –- ang araw ng halalan — pataas nang pataas raw ang tosgas ng mga kandidato.

Hindi ba’t hindi pa nag-uumpisa ang opisyal na kampanyahan ay marami nang tumosgas para sa kanilang TV ads?!

Kaliwa’t kanan din ang ‘pabongga’ sa mga community organization and activities.

Pabinyag dito, pabinyag doon. Pakasal dito, pakasal doon. Palibing dito, palibing doon. Paiskolar dito, paiskolar doon.

Oooppsss may palaro pa ‘yan.

At dahil malapit nang mag-summer, abatan lang ng mga ‘supot’ dahil malamang mayroon pang operation tuli!

Hindi pa kasama riyan ang tosgas nila sa mga PR at ‘political operators.’

Ganyan katindi ang eleksiyon sa ating bansa.

At ‘yun din ang ultimong kuwestiyon natin. Bakit kailangang gumastos nang malaki ang mga senatoriables?!

Anong mayroon sa pagiging senador kung bakit kailangang gumastos nang malaki para mailuklok sa posisyon?!

Kung totoong marami silang pera, at mula sa sariling bulsa ang dinudukot nila bakit hindi itulong nang deretso sa maliliit nating mga kababayan?!

Bakit hindi ilaan sa ‘Malasakit project’ ni Pangulong Digong?!

May nagtayo na ba ng Malasakit Center para sa senior citizens at sa iba pang kababayan natin na kailangan talaga ng ayuda?!

O talagang galante lang sila kapag eleksiyon?!

Mga suki, paulit-ulit nating ipaaalala sa inyo, huwag kayong maging padalos-dalos sa inyong pagboto.

Huwag na po tayong magpabola.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top