Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Certificate for 9G Visa ibinibenta sa Cagayan sa halagang P100K?

Certificate for 9G Visa ibinibenta sa Cagayan sa halagang P100K?

00 Bulabugin JSY

MATUNOG na matunog ngayon ang bentahan umano ng employment certification para sa  9G visa sa Cagayan (sa northern Luzon  po to).

Karamihan sa mga bumibili nito ay mga Chinese national.

Sa pamamagitan ng employment certificate na iniisyu ng isang RESORT HOTEL & CASINO sa loob ng Cagayan CEZA at sa halagang PHP100K ay nakapagpoproseso umano ng 9G visa ang mga illegal workers na Chinese national sa Bureau of Immigration.

Pero sa totoo lang, sa minahan pala nagtatrabaho ang nasabing mga Chinese national.

Baka hindi pa ito nakararating sa kaalaman ninyo Immigration  OIC Fred Mison.

Ayon sa ating source, mahina ang limang employment certification na iniisyu ng casino & resort sa loob ng isang buwan para sa mga Chinese national mula sa mainland China.

Pakibusisi lang po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top