Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Celtics tinuka ng Hawks

Celtics tinuka ng Hawks

SINOLO ng Atlanta Hawks ang pagkopo sa tersero puwesto sa Eastern Conference matapos dagitin ang 118-107 panalo kontra Boston Celtics kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nilipad ni Paul Millsap ang 31 points, 16 rebounds at tatlong assists habang bumakas si Jeff Teague ng 24 points at seven rebounds para tulungan ang Hawks na ilista ang three-game winning streak para sa 48-32 card.

Bumaba sa fourth spot ng EC ang Celtics tangan ang 47-33 karta.

Dikitan ang naging labanan hanggang fourth period, sa huling tatlong minuto ay tumayog na ang lipad ng Hawks.

Tumulong din sa opensa ng Atlanta sina Kent Bazemore, Dennis Schroder at Al Horford matapos maglagak ng 21, 15 at 12 markers ayon sa pagkakasunod.

Anim na Celtics ang umiskor ng mahigit sa 10 puntos pero hindi sumapat para ipanalo ang Boston.

Si Marcus Smart ang nanguna sa opensa ng Boston na may 19 puntos,  sinundan siya nina Isaiah Thomas at Jae Crowder na may tig 16 markers.

Tumipa si Avery Bradley ng 15 puntos habang 14 at 11 puntos  ang kinana nina Amir Johnson at Evan Turner para sa Celtics.

Samantala, nahirapan ang defending champion Golden State Warriors bago pataubin ang kulang sa sandatang Memphis Grizzlies, 100-99 habang pinagpag ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans, 121-100.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top