Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 89)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

So rumaragasa sa 17th Unive Chess

AYAW paawat sa pagragasa ni Pinoy GM Wesley So dahil tinarak nito ang pangalawang panalo matapos kaldagin si Robin Van Kampen ng Netherlands sa round 3 ng 17th Unive chess tournament na ginaganap sa Hoogeveen, Netherlands. Dahan-dahan na inatake ng 20-year old So (elo 2706) si Kampen upang makuha ang panalo matapos ang 43 moves ng Queen’s Gambit at masolo ... Read More »

Ornamental freshwater fish hobbyists papayuhan ng OFBEAP members

Ang ornamental freshwater fish hobbyists ay sinisiguradong makakakuha ng  best value for money sa kanilang pagbili ng fish items at aquarium accessories sa mga tindahan sa loob ng Las Farolas fish world sa Frontera Drive katabi ng Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City.  Ito’y dahil ang mga tindahan ay pinatatakbo ng founding members ng Ornamental Freshwater Fish Breedes and Exporters ... Read More »

Skyway inaabangan na

Umpisang pakarera para sa samahan ng “Klub Don Juan de Manila” (KDJM) ngayong gabi sa pista ng Metro Turf, kaya paniguradong masaya at magaganda ang bentahan sa walong karerang lalargahan. Pero sampol pa lang ang magaganap na iyan dahil sa darating na araw ng Linggo ay naroon ang kanilang pinakatampok na pakarera. Kaya maagang magtungo sa paborito ninyong OTB upang ... Read More »

May tiwala pa rin kami kay Arwind — Abanilla

KAHIT dalawang sunod na pangit na laro ang ipinakita ng 2013 PBA MVP na si Arwind Santos para sa Petron Blaze ngayong PBA Governors’ Cup Finals, hindi pa rin nag-aalala ang head coach ng Blaze Boosters na si Gee Abanilla. Katunayan, sinabi ni Abanilla na patuloy ang suporta ng koponan kay Santos at umaasa  siya na puputok muli ang laro ... Read More »

PBA D League tuloy na sa Huwebes

LALARGA na ang bagong season ng PBA D League sa pagbubukas ng Aspirants Cup sa Huwebes, Oktubre 24, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa 14 na koponang kasali sa torneo, lima rito ay mga baguhan at halos lahat sila ay may tie-up sa ibang mga paaralan tulad ng Banco de Oro (National University), Derulo Accelero Oilers (University of ... Read More »

PBA draftees nais ni Uichico para sa sea games

UMAASA si national coach Jong Uichico na papayagan ng PBA ang mga rookie draftees na sina RR Garcia, Terrence Romeo at Raymond Almazan na maglaro para sa pambansang koponan na sasabak sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre. Mag-uusap ang PBA at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol dito pagkatapos ng PBA Rookie Draft sa Nobyembre 3 kung saan ... Read More »

Rodriguez pumirma ng bagong kontrata

MULING maglalaro si Larry Rodriguez para sa Rain or Shine sa susunod na tatlong taon. Pumirma na si Rodriguez ng bagong kontrata sa Elasto Painters, ayon sa kanyang manager na si Danny Espiritu. Mas malaki sa dati niyang suweldong P200,000 buwan-buwan ang magiging bayad ng Painters kay Rodriguez. Samantala, nagpupulong ngayon sina Espiritu at ang pamunuan ng ROS tungkol sa ... Read More »

Tagaytay-Phils nagtala ng 4-0 win (Asian Cities Chess)

TAGAYTAY CITY—Malakas na binuksan ng koponan ng Tagaytay-Philippines ang kanilang kampanya sa 2013 Asian Cities Chess Team Championship na mas kilala sa tawag na Dubai Cup nang kanilang itarak ang 4-0 victory kontra sa tenth seed Erdenet, Mongolia dito sa Tagaytay International Convention Center nitong  Linggo. Giniba nina Grandmasters Oliver Barbosa, Mark Paragua, John Paul Gomez at Darwin Laylo ang ... Read More »

Skyway, Mr.Bond wagi sa 4th leg Juvenile Stakes Race

Naging kapanapanabik ang huling yugto ng Juvenile Fillies at Colts Stakes race na pakarera ng Philippine Racing Commission sa tagpong naganap sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Linggo. Muling pinasaya ni Hermie Esguerra ang kanyang mga tagahanga ng magwagi ang kanyang alagang si Mr. Bond matapos biguin ang mga kalaban sa  katatapos na 4th Leg ... Read More »

SanMig itatabla ang serye

PUNTIRYA ng Petron Blaze ang 3-1 kalamangan kontra SanMig Coffee sa kanlang salpukan sa Game Four ng PLDT Telpad PBA Governors Cup best-of-seven championship series mamayang 8 m sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kahit na hindi nakapaglaro ang lead point guard na si Alex Cabagnot ay dinurog ng Boosters ang Mixers, 90-68 para sa 2-1 bentahe sa ... Read More »

Sangalang nagpalista na sa PBA draft

ISINUMITE na kahapon ni Ian Sangalang ang kanyang aplikasyon para sa 2013 PBA Rookie Draft na gagawin sa Robinson’s Place Manila sa Nobyembre 3. Dumalo si Sangalang sa opisina ng PBA sa Libis, Lungsod ng Quezon, upang dalhin ang kanyang aplikasyon kasama ang kanyang manager na si Atty. Charlie Chua. Dating manlalaro ng San Sebastian sa NCAA at NLEX ng ... Read More »

Rios gigibain si PacMan

NANINIWALA si trainer Robert Garcia na iba nang Manny Pacquiao ang makakaharap ng kanyang iniensayong si Brandon Rios kumpara noong limang taon na ang nakararaan. Ang paghahambing ay ipinahayag sa Media ni Garcia na tumayong trainer ni Antonio Margarito noong Nov. 23 sa Macau nang bugbugin ni Pacman si Margarito para mapanalunan ang WBC junior middleweight. At pagkatapos  ng labang ... Read More »

Rockets panalo sa Magic

MULI na namang minalas ang Indiana Pacers sa NBA pre-season pagkatapos na pabagsakin sila ng Dallas Mavericks, 92-85, kahapon. Napilay si Danny Granger sa huling 4:05 ng unang quarter at hindi na siya nakabalik sa laro pagkatapos na umiskor siya ng tatlong puntos. Nanguna sa panalo ng Dallas si Shawn Marion na nagtala ng 18 puntos at 11 rebounds. Hindi ... Read More »

Uichico naghahanap ng dagdag na sentro

UMAASA ang head coach ng RP team na sasabak sa men’s basketball ng Southeast Asian Games na si Joseph “Jong” Uichico na makakasama sa lineup ng koponan ang mga sentrong sina Raymond Almazan ng Letran at Arnold Van Opstal ng De La Salle University. Sa ngayon, tanging sina Marcus Douthit at Jake Pascual  ang mga sentro ni Uichico para sa ... Read More »

Dayuhang manlalaro ipagbabawal na sa UAAP

TULUYAN nang pagbabawalan ng University Athletic Association of the Philippines ang mga dayuhang estudyante na maglaro ng basketball simula sa taong 2015. Ayon sa pangulo ng University of the Philippines na si Alfredo Pascual, halos lahat ng mga pamantasang kasali sa UAAP ay payag sa panukalang ito. “The NCAA has already laid down the policy setting 2015, I think, as ... Read More »

Santiago malabo sa game 2 (V League Finals)

UMAASA si Smart Maynilad head coach Roger Gorayeb na lalaro pa rin si Dindin Santiago para sa kanyang koponan sa Game 2 ng Shakey’s V League Open Conference finals sa Linggo sa The Arena sa San Juan. Biglang sumipot si Santiago sa Game 1 noong Martes ngunit natalo pa rin ang Smart kontra Cagayan Valley, 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12. ... Read More »

Sino ang magiging top pick?

BAGO pa man nagsimula ang 38th season ng PBA ay tinitignan na ng Barangay Ginerba San Miguel ang posibilidad na kunin si Gregory Slaughter bilang top pick ng 2013 Draft. Kaya nga nakipag-trade ang Gin Kings sa Air 21 sa pagbabaka-sakaling makuha nga nila ng top pick.           Kasi nga, nais ng Gin Kings na malakas din ang frontline nila tulad ... Read More »

Trainer suspendido ng 9 na buwan

KINASTIGO kahapon ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang isang beteranong trainer dahil sa ginawang pagmumura nito sa dalawang veterinarian doktor ng komisyon. Sa ipinalabas na desisyon ay pinatawan ng 9 na buwan na suspensiyon bilang horse trainer si Johnny Sordan dahil sa ginawang pagmumura sa dalawang tauhan ng Philracom. Walang pakundangan umanong pinagmumura ni Sordan sina Dr.Rogelio Cullanan at Dr. ... Read More »

Bradley llamado kay PacMan

PAGKATAPOS talunin ni Timothy Bradley si Mexico’s Juan Manuel Marquez sa Thomas & Mack Center at mapanalunan ang WBO welterweight crown, mainit na ngayong pinag-uusapan ang rematch nila ni Manny Pacquiao. Noong linggo ay naglista ng malaking upset si Bradley nang talunin niya si Marquez via split decision. Maging si Roger Mayweather, tiyuhin at trainer ni Floyd, na nagsasabi na ... Read More »

Cabagnot: Baka bukas ako maglaro

HINDI nakapaglaro ang point guard ng Petron Blaze na si Alex Cabagnot sa Game 3 ng PBA Governors’ Cup Finals dahil sa pilay sa kanyang paa. Napilay si Cabagnot nang aksidente niyang natapakan si Mark Barroca ng San Mig Coffee sa mga huling segundo ng Game 2 noong Linggo. “I played through it. Syempre adrenaline rush na yun noon pero ... Read More »

Abueva di na puwede sa MVP

DAHIL sa mga bagong patakaran ng PBA tungkol sa pagpili ng Most Valuable Player, wala na sa kontensiyon para sa parangal ang rookie ng Alaska na si Calvin Abueva. Ayon sa Operations Director ng PBA na si Rickie Santos, tanging ang mga nanalo bilang Best Player of the Conference na lang ang puwedeng manalo bilang MVP. Nakuha ni Jason Castro ... Read More »

RR Garcia nagpalista na sa PBA draft (Ray Parks umatras)

ISINUMITE na kahapon ni Ryan Roose “RR” Garcia ang kanyang aplikasyon para sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place Manila. Ayon kay Garcia, nagdesisyon siya na dapat ay pumasok na siya sa PBA dahil mas maraming mga manlalarong kaposisyon niya ang nakatakdang magpalista sa draft sa susunod na taon. “Okay na kay coach Chot (Reyes). ... Read More »

Arellano vs. St. Benilde

NAPAKANIPIS man ng tsansa ng Arellano University na makarating sa Final Four ay pipilitin ng Chiefs na panatiliin itong buhay sa pagtutunggali nila ng host Saint Benilde Blazers sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 m sa The Arena sa San Juan. Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6 pm ay magtatagpo naman ... Read More »

Pirates target ang 7 panalo

WALA nang pag-asang sumampa sa semifinals ang Lyceum of the Philippines Pirates subalit mahalaga pa rin sa kanila ang huling natitirang dalawang laro. Sinabi ni coach Bonnie Tan na target nila ang pitong panalo o lampasan ang nagawa sa una nilang sali sa liga bago nag-umpisa ang 89th season ng NCAA senior men’s basketball tournament. ”No-bearing na kami pero kailangang ... Read More »

Sino ang susungkitin ng Ginebra?

PARANG tumama sa lotto ang Barangay Ginebra san Miguel sa pangyayaring nakamit nito ang No. 1 pick overall sa darating na 2013 PBA Rookie Draft na gaganapin sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Manila. Dinaig ng Air 21 ang Global Port sa isang loterya para sa No. 1 pick noong Biyernes. Ang siste’y naipamigay na ng Express ang pick na ito ... Read More »

Scroll To Top