Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 7)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Gonzales, bagong coach ng La Salle

ITINALAGANG bagong head coach ng La Salle Green Archers ang dating top deputy na si Louie Gonzales. Ito ay matapos lumutang kahapon ang umano’y pagpupulong na ginanap noong nakaraang Biyernes sa San Miguel headquarters noong nakaraang Biyernes kung saan nga ay binasbasan ng La Salle chief patron na si Danding Cojuanco si Gonzales bilang bagong head coach. Noong nakaraang Martes, ... Read More »

Balkman, sabik nang magpakilala muli

PINAGSISIHAN na ni Renaldo Balkman ang kanyang mga nagawa sa nakaraan at sabik na ngayong magpakilalang muli matapos ngang kunin na import ng Tanduay-Alab Pilipinas sa idinaraos na 2017-2018 Asean Basketball League. Magugunitang noong 2013, nasangkot si Balkman sa isang kagimba-gimbal na insidente sa Philippine Basketball Association nang sakalin niya ang sariling kakampi sa Petron na si Arwind Santos. Bunsod ... Read More »

Super Rookie: Ravena beterano kung lumaro

HINDI isang bagito kundi beterano kung gumalaw ang super rookie na si Kiefer Ravena matapos ang pagpapasiklab sa kanyang unang dalawang laro sa Philippine Basketball Association. Napili bilang ikalawang overall pick ng NLEX Road Warriors sa 2017 PBA Rookie Draft, unti-unti ay pinapatunayan ng 24-anyos na si Ravena na isa siya sa mga dapat katakutan sa kalaunan ng kanyang karera. ... Read More »

Warriors, ‘di pinatawad ang Cavs (Walang Pasko-Pasko)

KAHIT Pasko ay hindi pa rin pinagbigyan ng nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers nang ungusan ito, 99-92 kahapon sa Christmas Game offering ng 2017-2018 National Basketball Association Season sa Oracle Arena sa Oakland, California. Binuhat ng nagdedepensang Finals Most Valuable Player na si Kevin Durant and Warriors sa unang bahagi bago nga ipaubaya kay ... Read More »

Dalawang jersey ni Kobe Bryant ireretiro ngayon

ITATAAS na ngayon sa bubong ng Staples Center sa Los Angeles California ang dalawang jersey ni Lakers legend Kobe Bryant. At simula sa araw nito ay magiging imortal at alamat na sa kasaysayan ng Los Angeles Lakers ang kanyang pangalan at mga numero. At ito nga ang numero 8 at 24 na jersey ni Bryant na ireretiro ng Lakers ngayon ... Read More »

Perkins, ‘di kontento sa unang laro sa PBA

NAKAPAGLISTA man ng mga solidong numero, inamin ni Jason Perkins na hindi siya kontento sa unang opisyal na laro niya sa Philippine Basketball Association. Dinaig ng nagdedepensang kampeon na San Miguel ang Phoenix, 104-96 sa pagbubukas ng ika-43 taon Philippine Basketball Association sa Smart-Araneta Coliseum kamakalawa. Kumayod si Perkins ng 10 puntos, 9 rebounds, 2 assists at 1 steal sa ... Read More »

Alab naka-isa rin

NAIGUHIT na ng Alab Pilipinas sa wakas ang una nitong panalo sa Asean Basketball League nang tupukin ang Formosa Dreamers, 78-61 sa Changhua County Stadium sa Taiwan kamakalawa. Umangat sa 1-3 ang kartada ng Alab para bigyan din ng kauna-unahang panalo si Jimmy Alapag sa propesyonal na karera bilang punong-gabay. Hindi nakapaglaro ang isang import ng Alab na si Ivan ... Read More »

Marcial PBA OIC (Narvasa, nagbitiw na sa puwesto)

NAGBITIW na sa kanyang puwesto bilang Commissioner ng Philippine Basketball Association si Chito Narvasa at hahalili sa kanya bilang Officer-in-Charge o OIC Si Media Bureau chief Willie Marcial. Ito ang kagimbal-gimbal na ulat na inianunsiyo ng PBA Board of Governors kahapon sa biglaang press conference ilang minuto bago ang opening ng 43rd season ng PBA. Ayon sa board, isinumite ni Narvasa ... Read More »

60th triple double para kay James (Cavs pinaluhod ang Jazz)

ITINARAK ni LeBron James ang ika-60 niyang triple double upang pangunahan ang 109-100 panalo ng Cleveland kontra Utah Jazz sa umiinit na 2017-2018 National Basketball Association kahapon. Naglista ang 32-anyos na si James ng 29 puntos, 10 assists at 11 rebounds para sa Cavs na umangat sa 22-8 kartada. Bunsod nito, naungusan ni James si Larry Bird bilang ikaanim na ... Read More »

Grandslam target ng SMB

KAHIT na nagpamigay ng tatlong manlalaro sa nakaraang trade ay hindi naman siguro mararamdaman ng defending champion San Miguel Beer ang pagkawala ng mga ito sa unang bahagi ng 43rd PBA season na magsisimula sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.  Nawala sa poder ng Beermen sina Jay-R Reyes, Ronald Tubid at Kevin McCarthy na napunta sa Kia Picanto kapalit ng ... Read More »

Zark’s Burgers-LPU hahataw sa D-League

SABIK na si reigning NCAA Most Valuable Player, (MVP) Jaymar “CJ” Perez na maglaro  sa mas malakas na liga matapos magkombayn ang Zarks Burgers at Lyceum of the Philippines para lumahok sa  PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero 18, 2018.  Ayon kay Perez malaking bagay ang paglaro nila sa D-League dahil mas mag-uumento ang kanilang laro at marami silang matututunan ... Read More »

Alibi ni Rigondeaux ‘di kinagat ni Lomachenko

MINALIIT NI Vasyl Lomachenko ang dahilan ni Guillermo Rigondeaux na napilay ang kaliwa nitong kamay kung kaya sumuko siya sa laban sa 7th round noong Linggo sa bakbakan nila para sa WBO super featherweight championship na ginanap sa The Theater sa Madison Square Garden.  Kategorikal na sinabi ni Lomachenko na kung siya ang nasa kalagayan  ni Rigondeaux ay hindi siya ... Read More »

Standhardinger patuloy sa pagpapasiklab

SA ika-apat na sunod na pagkakataon, binuhat muli ni Christian Standhardinger ang kanyang koponan na Hong Kong Eastern upang mapanatiling walang bahid ang kartada sa Asean Basketball League.   Naglista ang Filipino-German na si Standhardinger ng all-around na numerong 18 puntos, 10 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks sa 81-77 panalo ng Hong Kong sa sariling homecourt ng Singapore ... Read More »

Perez, makikilatis sa D League

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

AMINADO man na mas matitikas at mas matatatag ang makahaharap sa PBA Developmental League, sabik na sabik pa rin si CJ Perez na makilatis sila pagtuntong sa naturang semi-professional na liga.   Sasalang ang Season 93 Most Valuable Player ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa kauna-unahang pagkakataon sa DLeague kasama ang kanyang mga kasangga sa Lyceum Pirates.   Nakipag-anib ang Lyceum ... Read More »

Magnolia Hotshots ibabandera sa PBA (Purefoods franchise nagpahiyang)

KINAPOS nang ilang seasons  ang Star Hotshots kaya nagpahiyang muna sila sa pangalan. Sa darating na Philippine Basketball Association, (PBA) Philippine Cup season sa susunod na buwan, ibabandera ng Purefoods franchise ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok. Ayon kay team ma­nager Alvin Patrimonio, tuwing magpapalit ng pangalan ang kanilang team ay nagkakampeon sila agad. “Challenge ito for the team, kasi every ... Read More »

Norwood pinarangalan (Sa 10-taon manlalaro ng PH)

BILANG pagtanaw sa kanyang 10-taon representasyon sa bandila, pinarangalan si Gabe Norwood ng Gilas Pilipinas kamakalawa matapos ang pagwawalis ng koponan sa unang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Sa pangunguna ni Coach Chot Reyes at ng mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas gayondin ng Presidente ng Chooks-to-Go na si Ronald Mascariñas na chief backer ng Filipinas, binigyang-pugay ... Read More »

James ejected (Sa kauna-unahang pagkakataon)

SA 1,081 salang sa regular season ng  National Basketball Association, hindi pa napapaalis sa laro si LeBron James. Ngunit natapos na ang streak na iyon nang mapatanggal niya sa kanyang ika-1082 laro at ika-1299 kung isasama ang playoffs sa kalagitnaan ng kanilang 108-97 panalo kontra Miami Heat kahapon sa umaatikabong 2017-2018 season. Sa 1:56 marka ng ikatlong kanto kung kailan lamang ... Read More »

Ginebra vs Star sa Pasko

MAGDARAOS ngayong tanghali  ng press conference ang Star Hotshots sa Ynares Arena sa Pasig  at ipaki­kilala ang mga miyembro ng koponang  lalaban sa 43rd season ng Philippine Basketball Association. Siyempre, maraming excited sa prospects ng Hotshots na siyang second  most popular team sa liga sa likod ng Barangay Ginebra.  Hindi naman lalaro ang Star sa opening day na nakatakda sa ... Read More »

Gilas dadayuhin ng Chinese Taipei (Homecourt advantage!)

NAKASANDAL sa pambihirang homecourt advantage, tatangkaing dumalawang sunod na panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa dayong Chinese Taipei sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayon sa inaasahang aapaw na Smart Araneta Coliseum. Magsisimula ang aksiyon 7:00 ng gabi para subukan ng pambato ng Filipinas na maisukbit ang 2-0 kartada upang masolo ang unahan ng Pool B ng Asian ... Read More »

Jose kasado na sa max deal sa Blackwater

MULA sa pagiging simpleng manlalaro sa kalye ng Cebu hanggang sa Morayta sa Maynila, ngayon ay milyonaryo na at nasa taluktok na liga sa Filipinas ngayon. Iyan ang mapagkumbabang kuwento ng buhay basketbol ni Raymar Jose matapos ang nakatakdang pagpirma niya sa tumataginting na rookie max deal na P8.5 milyon sa Blackwater Elite. Kinuha ng Elite ang 6’5 na si ... Read More »

Gilas, tusta sa Alab

TINUSTA ng Alab Pilipinas ang pambansang koponan na Gilas Pilipinas sa ginanap na tune-up match, 81-76 sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City kamakalawa. Ito ay bahagi ng paghahanda ng parehong koponan sa nalalapit na torneo na kanilang sasalihan. Ang Alab Pilipinas ay pambato ng bansa sa Asean Basketball League. At kahit hindi naglaro ang dating PBA import na si ... Read More »

Calvelo tutok sa 2 Int’L Open Chess

NAKATUTOK si Jelvis Arandela Calvelo, ang country’s hottest non-master player sa dalawang International Tournament bago matapos ang taong ito. Ating magugunita na si Calvelo na tubong Dasmarinas, Cavite ay nakakolekta ng 7.0 puntos mula sa anim na panalo at dalawang tabla para tumapos na malinis ang kanyang kartada sa siyam na laro at makopo ang 3rd overall sa 2017 Canadian ... Read More »

3rd W kinarga ng Cargo Movers

TINULDUKAN ng F2 Logistics Cargo Movers ang two-game winning streak ng Cocolife Asset Managers matapos hatawin ang 26-24, 25-21, 25-21, panalo sa Chooks-to-Go Philippine Super Liga Grand Prix kahapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan. Nanatiling malinis ang Cargo Mover sa tatlong laro, solo nila ang second spot habang nasa unahan ng team standings ang defending champion Foton ... Read More »

Red Lions namumuro sa NCAA title

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

KINALAWIT ng defending champion San Beda College Red Lions ang Game 1 ng 93rd NCAA basketball tournament Finals matapos nilang ilita ang 94-87 win laban sa Lyceum of the Philippines Pirates sa Smart-Araneta Coliseum. Humugot ng lakas ang Red Lions kina Donald Tankoua at Robert Bolick sa fourth period upang mamuro sa pagsilo ng back-to-back titles. ‘Hindi pa tapos ang ... Read More »

Herndon, Capacio pasok sa Star Hotshots line-up

DALAWANG manlalaro lang ang maidadagdag ni coach Chito Victolero sa Star Hotshots paopasok sa 43rd season PBA na magsisimuka sa Disyembre 17. Ito’y sina Robbie Herndon at Gwyne Capacio na kapwa rookies. Hindi naman malalaki ag mga players na ito na pawang guwardiya, Pero kuntento si Victolero sa nakuha niya. Si Herndon ay hindi naman napili ng Star. Siya ay ... Read More »

Scroll To Top