Saturday , April 20 2024

Sports

Jumbo plastic kampeon sa PCBL

NASUNGKIT ng Jumbo Plastic Linoleum ang titulo ng Founders Cup ng Pilipinas Commercial Basketball League pagkatapos na padapain nito ang Caida Malolos Tiles, 78-73, noong Linggo ng gabi sa Game 2 ng best-of-three finals sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan. Nakahabol ang Giants mula sa 31-14 na kalamangan ng Tile Masters sa ikalawang quarter at nakuha nila ang …

Read More »

Uichico kompiyansa pa rin sa TnT

KAHIT natalo ang Talk n Text kontra Barangay Ginebra San Miguel sa pagtatapos ng elimination round ng Smart BRO PBA Philippine Cup noong Linggo ay hindi nag-aalala si Texters coach Jong Uichico. Pasok pa rin sa Top 6 ang Tropang Texters kaya hawak nila ang twice-to-beat na bentahe kontra sa kapatid na koponang North Luzon Expressway. Gagawin ang unang laro …

Read More »

Pansamantalang pagkabalahaw

AKALAIN mo yun! Wala na ngang mapapala pa ang NLEX sa pagsungkit ng panalo ay ibinigay pa ng Road Warriors ang makakaya nila upang palungkutin ang Pasko  ng Rain Or Shine Elasto Painters. Nagbalik ang NLEX sa 13 puntos na kalamangan ng Rain Or Shine sa dulo ng third quarter upang pataubin ang Elasto Painters, 111-106 noong Sabado. Bunga ng …

Read More »

Irish champion nais basagin ang record nina Mayweather at Pacquiao

Conor McGregor

NAIS ng bagong hirang na Universal Fighting Championship (UFC) featherweight champion ng isa pang titulo: ang maging pay-per-view king ng mundo. Ayon kay Conor McGregor, may kompiyansa siyang mababasag niya ang kinitang revenue ng super fight sa pagitan nina pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., at People’s Champ Manny Pacquiao noong nakaraang Mayo. Ipinilit ni McGregor na sa kanyang edad, malalampasan …

Read More »

RP kasali sa FIBA 3×3 World Championships

TULOY na ang pagsali ng Pilipinas sa 2016 FIBA 3×3 World Championships na gagawin mula Oktubre 11 hanggang 15 sa Guangzhou, China. Isa ang ating bansa sa 20 na kasali sa torneo na gagawin sa ikatlong sunod na pagkakataon. Ito ang unang beses para sa Pilipinas na kasali sa men’s competition. Nakuha ng Pilipinas ang puwesto sa torneo pagkatapos na …

Read More »

Arum naiinip na (Kung sino ang huling haharapin ni Pacman)

NAKATAKDA sanang pangalanan ng kampo ni Manny Pacquio kung sino ang magiging “farewell fight” ng Pambansang Kamao sa April 9 sa naging laban nina Nonito Donaire Jr at Mexico’s Cesar Juarez noong Disyembre 11 pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay walang inanunsiyong pangalan. Maging si Arum ay nasorpresa sa pagtanggi ng kampo ni Pacquiao na pangalanan na ang susunod …

Read More »

Gradovich hinahamon si Donaire

PAGKARAAN ng matagumpay na panalo ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire para mapanalunan ang WBO junior featherweight championship, maraming prominenteng boksingero ang nasa dibisyon ang nagpahayag ng paghahamon. Isa sa naghahamon ang dating IBF world featherweight champion Evgeny Gradovich. Ang tinaguriang El Ruso Mexicano ay hayag na kaibigan ni Donaire pero nais niyang subukan ang kalidad nito. “That would be …

Read More »

Gamboa bukas sa pagbabago ng PCCL

PAYAG ang tserman ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) na si Rey Gamboa na baguhin ang format ng National Collegiate Championship sa susunod na taon pagkatapos na biglang pinutol ang torneo ngayong taong ito dahil sa masamang panahon at ang pagsabay nito sa Pasko. Inamin ni Gamboa na napilitan siyang baguhin ang iskedyul ng NCC dahil inilipat ng UAAP ang …

Read More »

SMB kontra Alaska

TATLONG koponan ang nag-aagawan sa dalawang automatic semifinals berths ang sasalang sa magkahiwalay na laro ng PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Magkikita ang nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer at Alaska Milk sa ganap na 7 pm sa rematch ng finalists noong nakaraang season. Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay magtutunggali …

Read More »

Pagsapit sa rektahan o papunta sa finish line ay nanguna dito ang kabayong Guatemela na nirendahan ni Jockey M. A. Alvarez. Nanalo ang Guatemala na malayo sa kanyang mga nakalaban. Tinanghal siyang  kampeon sa “Juvenile Championship” Stakes Race na inisponsor ng Philippine Racing Commission.  (Freddie M. Mañalac)

Read More »

Isang saludo kay Bgy. Chairman Peter Bautista

HALOS lahat  ng organisasyon ay may inilalaan na isang araw ngayong Disyembre para iselebra ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo. Siyempre pa ang atmospera ng tinawag nating Christmas Party ay kailangang maging masaya, puno ng pagmamahalan, pagkakaisa at naroon ang pagbibigayan. Ikanga, walang puwang ang TAMPO-TAMPO. Well, ipinagmamalaki natin ang naging Christmas party ng Wall-To-Wall Joggers Club na idinaos sa …

Read More »

Pinoy swimmer ginto sa ASEAN

NAGHIYAWAN ang mga nanonood sa OCBC Aquatic Centre nang makitang palapit na siya sa finish line. Lumitaw ang manlalangoy, na may kapansanan sa mga binti, paa at kamay, bilang gold medalist para sa men’s 200m individual medley SM8 (SM7-SM8) nitong nakaraang Disyembre 8 sa ika-8 Asean Para Games sa Singapore. “Bago ang kompetisyon, sinabihan ko ang aking coach na nais …

Read More »

DINUMOG ng mga tagahanga ang tennis superstar na si Rafael Nadal (white cap) ng Spain para pirmahan ang mga souvenir tennis ball bago maglaro sa ginanap na Coca-Cola International Tennis League sa MOA Arena. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Baldwin: Bigyan n’yo ako ng tsansa sa Ateneo

UMAPELA ang bagong head coach ng Ateneo de Manila University sa UAAP na si Thomas “Tab” Baldwin sa Basketball Coaches Association of the Philippines na bigyan siya ng pagkakataong makipag-usap sa kanila tungkol sa pagharang ng grupo sa pagkuha sa kanya ng Blue Eagles. Sa panayam ng ilang mga taga-media sa ensayo ng Gilas Pilipinas noong Lunes ng gabi, sinabi …

Read More »

Julaton mananaig sa Biyernes (Sa The One Championship)

NAKALALAMANG si Pinay sensation Ana Julaton sa kanyang laban kay Irena Mazepa ng Russia sa The One Championship sa Biyernes, Disyembre 11, ayon kay coach Angelo Reyes. Ito ang sinabi ni Reyes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate para iha-yag ang kampanya ng kanyang alagang makamit ang katanyagan sa pandaigdigang entablado sa larangan ng mixed martial arts. …

Read More »

‘Boxing Kontra Droga’ sa Elorde Sports Center

ITATANGHAL ng Johnny Elorde Management International ang ‘Boxing Kontra Droga’ sa Elorde Sports Center sa Parañaque City ngayong Disyembre 12, 2015. Ito ang ipinahayag ni Johnny Elorde sa lingguhang Philippine Sportswriters Association forum sa Shakey’s Malate kahapon ng umaga. Sa nasabing boxing event, lalaban ang dalawang anak ni Elorde na sina Juan Martin Elorde at Juan Miguel Elorde laban sa …

Read More »

NLEX kontra SMB

MULING pagkuha ng solo liderato ang pakay ng defending champion San Miguel Beer samantalang pag-iwas sa maagang pagkalaglag ang layunin ng Meralco sa magkahiwalay na laro ng PBA Philippine Cup mamaya sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Makakatunggali ng Beermen ang NLEX sa ganap na 7 pm matapos ang 4:15 pm bakbakan sa pagitan ng Bolts at Globalport. Ang Beermen …

Read More »

Wilson POW ng PBA

ISANG dahilan kung bakit umaangat ang Barako Bull sa Smart BRO PBA Philippine Cup ay ang mahusay na laro ni William Wilson. Nanguna si Wilson sa 105-98 na panalo ng Energy kontra Talk n Text noong Huwebes kung saan nagtala siya ng career-high na 28 puntos at 20 rebounds. Dahil dito, napili ang dating forward ng De La Salle University …

Read More »

Baguio, CDO fallback ng PBA para sa All-Star Game

KUNG mabulilyaso ang plano ng Philippine Basketball Association na gawin ang All-Star Weekend sa Dubai, puwede itong gawin sa Baguio o Cagayan de Oro. Gagawin ang PBA All-Star Weekend mula Marso 4 hanggang 6, 2016. “Dubai is interested, and there are many others from the local side. And so we’ve formed a committee that will evaluate the best opportunity for …

Read More »

Grandslam para kay Pao

Nakasungkit muli ng isang tampok na pakarera ang hineteng si Pao Guce sa ibabaw ng kabayong si Silver Sword sa naganap na 2nd Pasay “The Travel City” Cup nitong nagdaang weekend sa pista ng Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas. Sa unang tatlong kuwartos ay hindi naging alintana kay Pao kahit pa may ilang kalaban ang nagtangkang lumapit at makapantay …

Read More »

Titulo sa UAAP target ni Pumaren sa Adamson

NANGAKO ang bagong head coach ng Adamson University na si Franz Pumaren na ibibigay niya ang titulo ng UAAP men’s basketball sa Falcons sa Season 79 ng liga sa susunod na taon. Opisyal na hinirang ng pamantasan si Pumaren para hawakan ang Falcons simula sa Enero at ito’y magsisilbing pagbabalik niya sa pagiging coach ng UAAP pagkatapos ng kanyang paggabay …

Read More »

Muntik masilat ang Ginebra

MUNTIK nang masira ang record ng Barangay Ginebra na palaging nagwawagi sa mga out-of-town (out-of-the-country) games ng kasalukuyang PBA Philippine Cup noong Sabado nang sila ay nagkita ng Blackwater Elite sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga. Mangyari’y kinailangan ng Gin Kings na dumaan sa butas ng karayom o dalawang overtime period bago talunin ang Elite, 102-94. Sa totoo lang, …

Read More »

Pacquiao vs Khan?

SINO nga ba ang magiging huling laban ni Manny Pacquiao sa ring bago siya magretiro? Strong contender si Amir Khan sa listahan ni Pacman. Pero Malaki ang impluwensiya ni Bob Arum bilang promoter ng Pambansang Kamao sa kanyang magiging farewell fight. Base sa mga nakaraang interview ni Pacman, Malaki ang posibilidad na pagbigyan niya si Khan. Pero iba naman ang …

Read More »