Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Racasa sasabak sa World Cadet chess

Antonella Berthe Murillo Racasa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang world ranking bukod sa muling pagdala ng karangalan at titulo para sa bansa. Kasama ang kanyang ama at coach na si Roberto Racasa na International Memory champion ay masisilayan si Antonella Berthe sa World Cadets Chess Championships mula Nobyembre 3 ... Read More »

Wade, isang taon pa sa Miami

Dwyane Wade

HULING ratsada na ng alamat na si Dwyane Wade sa National Basketball Association matapos ianunsiyo na babalik siya sa Miami Heat ngayong taon bago isabit nang tuluyan ang kanyang #3 jersey. Apat na buwan pinag-isipan ng 36-anyos na si Wade kung magreretiro na ba siya bago humantong sa desisyong bigyan pa ng isa at huling pagkakataon ang kanyang karera sa ... Read More »

Mayweather-Pacquiao rematch umuugong

POSIBLENG magtapat muli sa ibabaw ng lona sa ikalawang pagkakataon ang mahigpit na magkaribal na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Ito ay ayon kay Mayweather mismo na hinamon si Pacquiao sa isang rematch sa darating na Disyembre matapos ang kanilang personal na pagkikita sa Tokyo, Japan kamakalawa. “I’m coming to fight Manny Pacquiao this year, another 9-figure pay ... Read More »

Red Lions, Pirates lalong bumangis

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

NAGPAKITA ng bangis ang defending champion San Beda University Red Lions at Lyceum of the Philip­pines Pirates matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa simula ng second round ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City. Wala pa rin dungis ang karta ng last year’s runner-up Pirates, kinaldag nila ang San Sebastian College, 88-70 sa ... Read More »

Garcia atat kay Pacquiao

Mikey Garcia Manny Pacquiao

NAGKAROON na ng pag-uusap ang kampo nina American boxer Mikey Garcia at eight-division world champion Manny Pacquiao para sa posible nilang paghaharap. Sinabi ni Garcia sa panayam ng EsNews, na nagsisimula na silang makipag-usap sa mga tauhan ng Team Pacquiao at hindi pa nila alam kung ano’ng puwedeng mang­yari. Bukod kay Pacquiao, nakikipag-usap din sila sa kampo ni Errol Spence. ... Read More »

Ugali ng Pinoy taglay ni Slaughter

Greg Slaughter Gilas

BLANGKO pa ang listahan ng final line up ni coach Yeng Guiao na dadayo  sa Iran para sa 4th window ng FIBA World Cup qualifiers. Ang dahilan ay hinihintay pa ang ilang papeles ni Greg Slaughter na nagpapatunay na may dugo siyang Pinoy  para mapabilang sa line up  bilang local. Medyo kinabahan ang ilang fans ng  basketball.   Pag nagkataon kasi ay ... Read More »

Romeo, Wright, pinagmulta ng PBA

Terrence Romeo RaShawn McCarthy

PINATAWAN ng malaking multa sina Terrence Romeo ng Talk ‘N Text at Akeem Wright ng Columbian Dyip mula sa Philippine Basketball Association (PBA) kasunod ng kanilang hindi katanggap-tanggap na asal at kilos noong nakaraang linggo sa 2018 Governors’ Cup. Kabuuang P22,600 multa ang ipinataw kay Romeo matapos ang rebyu ng naging gitgitan nila ni RaShawn McCar­thy noong Linggo ng gabi ... Read More »

Slaughter tiwalang maaaprobahan ng FIBA (Dokumentong kailangan naipasa na)

JuneMar Fajardo Greg Slaughter

NAIPASA na ni Filipino-American Greg Slaughter ang mga kinakailangang doku­mento sa International Basket­ball Federation (FIBA) na mag­pa­patunay ng kanyang eligi­bility bilang isang lokal na manlalaro. At ngayon, tanging ang maghintay na lamang ang kanyang magagawa na sana ay ituring ng FIBA ang mga dokumento bilang sapat na patunay upang matulungan na niya ang pambansang koponan, pitong taon matapos huling maglaro ... Read More »

Guiao alanganin pa sa NT head coaching job

Yeng Guiao

PAGTAKBO sa Kongreso o pagtanggap ng posisyon bilang permanenteng head coach ng national team? Iyan ngayon ang mabigat na desisyong kailangang pagpilian ni Guiao sa oras na pormal na mabigyan ng alok ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na manatili sa pambansang kopo­nan. Sa ngayon, pansamantala pa lang ang posisyon ni Guiao bilang kapalit ng orihinal na punong-gabay na si ... Read More »

Clarkson mas babangis vs Korea

jordan clarkson gilas yeng guiao

MAANGAS ang ipinakitang tikas ni Fil-American Jordan Clarkson sa laban ng Philippine Team versus China noong Martes. Kumana si NBA Cleve­land Cavaliers guard Clarkson ng game-high 28 points para sa team Pilipi­nas na kahit natalo ay pinahirapan nila ng todo ang powerhouse China, 80-82. Dahil nanalo sa unang laro sa Group D elimina­tion round kontra Kazakhs­tan ay swak sa quarter­finals ... Read More »

Kambal na Ginto, pinalo sa tagumpay ng PH Women’s Golf

yuka saso Bianca Isabel Pagdanganan gold medal golf asian games

KAMBAL na gintong me­dalya ang pinalo ng Filipinas matapos mag-reyna kahapon sa women’s team at women’s individual event ng umiinit na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia. Naghahabol pa sa nangu­ngunang si Liu Wenbo ng China papasok sa ika-18 at huling hole, nagsalpak ng pambihirang eagle si Yuka Saso upang alpasan ang karibal na Chinese tungo sa gintong medalya ng golf ... Read More »

Magkaribal muling magtatagpo: Gilas-Korea laglagan sa QF ng Asiad

jordan clarkson gilas Ricardo Ratliffe Jeon Jun-Beom korea

WALA na marahil mas makasaysayang rivalry sa Asian basketball kaysa alamat ng Filipinas at South Korea. At ngayong araw ay magka­karoon ng bagong kabanata ang naturang rival­ry sa muling paghaharap ng dalawang kopo­nan sa kru­syal na quarterfinals ng idi­naraos na 18th Asian Games sa GBK Hall sa Jakarta, Indonesia. Nakatakda ang sagupaan sa 11:00 ng umaga kung kailan hahangad ang Fili­pinas ... Read More »

Mente pumanaw na, PBA nakisimpatya

NAWALAN na naman ng isang alamat ang Philippine Basketball Association sa pagpanaw ng dating slam dunk champion na si Joey Mente kamakalawa bunsod ng pagkatalo sa kanyang laban kontra kanser. Sumasailalim pa sa chemo­therapy para sa kanyang pag­galing, binawian ang 42-anyos na si Mente ng buhay kamaka­lawa sa kanyang tahanan sa Capul Island, Northern Samar at ngayon ay doon din ... Read More »

Alaska bagong simula nang wala si ‘The Beast’

BUBUKSAN ng Alaska Aces ang bagong yugto sa kasay­sayan ng prangkisa nito nang wala na ang dating star player na si Calvin Abueva sa pakiki­pagtuos kontra sa Meralco sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena ngayon. Nakatakda ang sagupaan sa 7:00 ng gabi na tatangkain ng Aces na masungkit ang unang panalo kontra sa Bolts ... Read More »

Justin Brownlee magiging Pinoy

MAGIGING Filipino na ang magaling na basketbolista na si Justin Brownlee matapos ang paghahain ng pormal na panukala para sa proseso. Ang pagiging Pinoy ni Brownlee, ang namayagpag na best import sa PBA Commis­sioner’s Cup, ay nakapaloob sa House Bill 8106 na inihain ni 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero. Ani Romero karapat-dapat bigyan ng Filipino citizenship si Brownlee na unang ... Read More »

Clarkson, tuloy na: Gilas kontra Kazakhstan sa Asiad opener

TULOY na tuloy na ang paglalaro ng Filipino-American sensation na si Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas matapos basbasan ng National Basket­ball Association (NBA) kahapon. Matatandaan noong naka­raang Linggo ay inianunsiyo ng NBA ang hindi pagpayag kay Clarkson na maglaro para sa Filipinas sa Asiad dahil hindi kasama sa kasunduan sa ilalim ng mga FIBA-sanctioned inter­national tournament lamang maaaring makapaglaro ... Read More »

Clarkson ibabandera ng Team Philippines

MAGANDANG balita para sa mga basketball fans, dahil puwede nang maglaro  si Jordan Clarkson para sa pambansang koponan sa pagbubukas ng 18th Asian Games. Matapos ihayag ni Team Pilipinas chef de mission Richard Gomez na pumayag ang National Basketball Association (NBA) na makapaglaro si Clarkson para sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa kada apat na taong multi-sports na torneo na magbubukas ... Read More »

Batang Gilas pang-apat lang

NAKAKADESMAYA ang pagkatalo ng Batang Gilas sa Australia noong Biyernes sa semis ng FIBA Asia Under-18 Asian Championship sa Bangkok. Desmayado tayo dahil naroon na ang ating teams na sagana sa height at talent para lang tambakan ng Team Australia na kitang-kita na mas handa at determinado sa laban kumpara sa Batang Gilas. Biruin mong naroon na tayo sa rurok ... Read More »

Online sabong laking pahirap sa industriya ng karera

BAYANG KARERISTA ang nagsasabing napakalaking pahirap ng E-Sabong o tinatawag na Online Sabong sa industriya ng karera ng kabayo sa bansa. Dagdag pa sa pahirap sa industriya ang karagda­gan buwis buhat sa Train Law na 20 porsiyentong documentary stamp tax dahilan ng pagliit ng mga dibidendo kung sakaling tumama sa karera ang isang mananaya. Resulta, nawawalan na ng interest ang ... Read More »

Clarkson, ‘di pinayagan ng NBA:: Gilas lumipad na pa-Jakarta

LUMIPAD na ang pam­bansang koponan na Gilas Pilipinas patungong Jakarta, Indonesia kahapon para sa 18th Asian Games nang hindi kasama ang pambatong si Jordan Clarkson. Hindi pinayagan ng National Basketball Asso­ciation (NBA) ang guwardiya ng Cleveland Cavaliers na makapaglaro para sa Filipinas sa Asian quadren­nial meet na nakatakda mula 18 Agosto hanggang 2 Setyembre. “The NBA’s agreement stipulates that NBA players ... Read More »

Beermen, pinaalis sa trono: Gin Kings hari ulit ng Commissioners’s Cup

MAKALIPAS ang 21 taon ay hari na ulit, sa wakas, ng PBA Commissioner’s Cup ang Barangay Ginebra. Ito ay matapos sibakin ng Gin Kings ang nagdedede­pensang kampeon na San Miguel Beermen sa Game 6, 93-77, para sa kampeonato ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa harap ng 20,490 fans sa Mall of Asia Arena, Pasay City kama­kalawa. Naiiwan pa sa 35-38 ... Read More »

Thompson itinanghal na Finals MVP

PINARANGALAN si Scottie Thompson bilang Most Valuable Player ng 2018 PBA Commissioner’s Finals. Ito ay matapos mamayani sa six-game series victory ng Barangay Ginebra kontra sa dating kampeon na San Miguel na nasaksihan ng 20,490 fans sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kamakalawa. Hindi ito inakala ni Thompson lalo’t ang tanging nais niya simula’t sapol ay matulungan ang ... Read More »

Bahrain giniba ng Batang Gilas

SWAK sa semifinals ang Chooks To Go Batang Gilas-Pilipinas matapos talbusin ang Bahrain, 67-52 kaha­pon sa 2018 Fiba Under-18 Asian Championship sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand. Hinawakan ng Batang Gilas ang 20-11 bentahe sa first quarter subalit nabulaga sila sa second matapos silang harurutin ng Bahrain. Naagaw ng Bahrain ang unahan, 34-26 sa halftime. Agad bumangon ang Batang Gilas ... Read More »

Pinoy weightlifters humakot ng medalya sa Indonesia

SUSI  sa tagumpay ng apat na batang weightlifters ay ang determinasyon at tiyaga sa trainings kaya naman kuminang sila sa naganap na Pre-Youth and Youth Championships, Indonesia Weightlifting Champion­ships 2018, sa Bali, Indonesia. Naimbitahan sina 14-anyos Vanessa Sarno, Rosegie Ramos, 15 at kapwa 17-anyos Jane Linette Hipolito at John Paolo Rivera Jr.sa nasabing event. Apat na gold, limang silver at tatlong ... Read More »

Mini-reunion sa ensayo ng National Team

NAGKAROON ng mini reunion ang mga dating players ni coach Yeng Guiao at Rain or Shine noong Lunes ng gabi sa unang ensayo ng Philip­pine Team. Naghahanda ang Philip­pine team sa pag­sabak nila sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2. Swak ang anim na Rain or Shine players sa team, kasama sina Magnolia guard Paul ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved