Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz (page 60)

Category Archives: Showbiz

Feed Subscription

Andrea Torres ayaw nang live-in set-up kay Derek Ramsay (Sa 2025 pa raw kasi pakakasalan )  

OO nga’t pa-sexy ang images ni Andrea Torres, pero galing pala sa conservative family ang Kapuso actress. At ‘yung live-in set-up pala nila ni Derek ay matagal nang kontra ang pamilya ni Andrea pero dahil mahal ng dalaga si Derek ay ipinaglaban niya. Kaso ayon pa sa ating source, hindi na raw makayanan ni Andrea ang pressure na gusto ng ... Read More »

Ang Daigdig Ko’y Ikaw ng net25, simula na bukas (Geoff Eigenmann at Ynna Asistio, may chemistry)  

MAGSISIMULA na bukas (Saturday, Nov. 28, 8pm) ang pag-ere ng unang romantic drama series ng Net25 na pinamagatang Ang Daigdig Ko’y Ikaw. Tampok dito sina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann. Ang serye ay iikot kina Reina (Ynna) at Romer (Geoff). Si Romer ay isang seaman na bumalik sa Filipinas para magbakasyon at pansamantalang magtatrabaho bilang bellboy sa isang hotel. Si Reina naman ang anak ... Read More »

Dennis, namangha sa kultura ng Maranaw

SALUDO si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang karakter sa upcoming GMA series na Legal Wives. Iikot ang kuwento ng Legal Wives kay Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali). Hindi mapigilan ni Dennis na mamangha sa kultura ng mga Maranaw na kanilang ibibida sa ... Read More »

Betong, nagpa-online benefit concert para sa mga apektado ng bagyo

HILING ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya na muling makaahon ang mga naapektuhan ng hagupit ng nagdaang mga bagyo. Kaya naman, sa kanyang recent birthday celebration ay nagkaroon siya ng online benefit concert para matulungan ang mga residenteng nasalanta. Ginanap noong November 21 ang BTS – Betong’s Tonight Show A Birthday Benefit Concert for the victims of Typhoon Ulysses live sa kanyang YouTube channel na nakasama niya ... Read More »

Kate Valdez, ramdam ang hirap ngayong new normal

SA kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ng Kapuso actress na si Kate Valdez na ramdam din niya ang hirap na dala ng new normal kaya naman may payo siya para sa mga kabataang nahihirapan sa gitna ng Covid-19 pandemic. Ani Kate, “I just want you to let you know na kahit may nangyayari ngayon, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Puwede pa rin ninyong gawin ang ... Read More »

FDCP Chair Liza, nagpaliwanag kung bakit hindi VOD ang mga pelikulang kalahok sa PPP4

ANG pakli ni FDCP Chair Liza Diño Seguerra sa ilang mga tanong na excited makapanood ng mga pelikula sa idinaraos na PPP4 (Pista ng PelikulangnPilipino) online. Bakit hindi video on demand (VOD)? “Hello, mga ka-pista! We are reading all your comments and suggestions online, and we are doing everything we can to make #PPP4SamaAll a seamless and memorable virtual cinema experience for everyone. “A ... Read More »

Misteryo ni Kenneth sa Carpool, ibinahagi

IPINAKILALA sa amin sa pamamagitan ng mediacon ng TV5 ang isa sa aabangang programa sa estasyon simula sa Nobyembre 26, 2020, 9:30 p.m. tuwing Huwebes ng gabi. Sari-sari na nga ang dating ng “horror feels” sa mga sitwasyong ginagalawan na natin dahil sa pandemya at kalamidad. At mag-horror feels din na ibabahagi sa atin ang Carpool na tatampukan nina Sarab Carlos, Alex Diaz, Kate Lapuz, at Kenneth ... Read More »

Eddie Garcia Bill, lusot na sa Kongreso

LUSOT na sa Kamara ang House Bill No. 7762 na magbibigay ng proteksiyon para sa lahat ng manggagawa sa entertainment industry. Sa ginanap na botohan nitong Martes, Nobyembre 24 ay 235 ang kongresista ang bumoto para maisabatas ang House Bill No. 7762 o mas kilala bilang Eddie Garcia Bill. Walang kumontra o lumiban sa nasabing botohan. Anyway, ipinangalan sa yumaong aktor ... Read More »

Direk Joel sa online streaming ng MMFF 2020 entries—‘Di ko alam kung mae-excite ako, hinahanap-hanap ko ang dilim ng isang teatro

PURING-PURI ni Direk Joel Lamangan ang producer niyang si Harlene Bautista ng Heaven’s Best Entertainment Production dahil hands on sa buong pelikula. “Hindi lang siya producer, siya ay creative producer, siya ay hindi lamang nagbibigay ng pera, tumitingin din sa artistic quality ng production kaya sana lahat ng producer ay maging katulad ni Harlene Bautista,” papuri ng direktor ng Isa Pang Bahaghari na kasama sa 10 pelikulang mapapanood sa 2020 ... Read More »

Ron Angeles, instant sikat dahil sa Ben x Jim

ISA sa inaabangan sa click BL series  na Ben x Jim na pinagbibidahan nina Teejay Marquez bilang si Ben at Jerome Ponce bilang si Jim ang character ni Olan, isang courier na ginagampanan ni Ron Angeles. Bukod sa pagiging regular courier ni Ben, may lihim itong pagtingin kay Jim kaya naman maraming manonood ang kinilig sa pa-sweet nitong eksena na pinagselosan naman ni Jim. Kaya nabuo sa ... Read More »

Kitkat, inuulan ng suwerte kahit may pandemya

INUULAN ng suwerte si Kitkat dahil sunod-sunod ang dating ng magagandang proyekto sa kanya. Regular itong napapanood sa noontime show nila nina Janno Gibbs at Anjo Yllana sa Net25,  ang Happy Time  na ani Kitkat ay sobrang laking blessing dahil dito niya naipakikita ang kanyang versatility bilang artist. Dito rin kasi ay naipakikita niya ang talent sa hosting, pagkanta, at pagsayaw. Malaking bagay ang pagkakasali niya sa Happy Time dahil tuloy-tuloy ang ... Read More »

Out sina Vice-Ivana, Joshua Garcia sa 10 MMFF 2020 entries

Ang official entries ng Metro Manila Film Festival 2020 (MMFF) ay inihayag na ngayong araw, November 24, 2020. The yearly Christmas film festival will take place from December 25, 2020 to January 8, 2021. Imbes walong official entries, sampung pelikula ang magko-compete sa taong ito sa MMFF. Three previously-announced entries are no longer part of the film festival. Ito ‘yung ... Read More »

Mystica, ayaw makasama sa kuwarto si Kiray Celis

NA-OFFEND si Mystica sa ginawa sa kanyang treatment sa taping ng upcoming Kapuso show na Owe My Love. Karamihan raw sa mga artista ay kanya-kanyang  kuwarto pero siya ay isinama kay Kiray Celis. Ginanap ang lock-in taping ng Owe My Love, comedy-drama series ng GMA Public Affairs, in a private resort in Bocaue, Bulacan, the other week. Part ng cast ... Read More »

Alden, may bagong regalo sa fans; bagong single, inire-record na

THE gift that keeps on giving! Talaga namang walang tigil ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa paghahatid ng saya sa kanyang loyal fans. Isa na namang regalo ang kanyang inihahanda kasama ang GMA Music at FlipMusic Productions kasabay ng paggunita sa kanyang 10th anniversary sa showbiz. Makikita sa social media pages ng GMA Music ang behind-the-scenes na pagre-record ni Alden ng pinakabago niyang ... Read More »

Gabby, excited mag-Pasko sa Pilipinas

DAHIL unang beses nilang magtatambal sa isang serye, excited na si Gabby Concepcion na makatrabaho si Sanya Lopez para sa upcoming Kapuso series na First Yaya. Pagbabahagi ni Gabby, “Marami na akong narinig na maganda tungkol sa kanya. Malaki ang fanbase niya and gusto kong makarating sa kanyang fans. I’m really happy na makakasama ko ang idol ninyo. It’ll be a surprise. Hindi ko pa siya nakikila in ... Read More »

Mikee at Kelvin, inumpisahan na ang The Lost Recipe

KASALUKUYANG nasa lock-in taping na ngayon ang cast at crew ng upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe. Kahit taping under the ‘new normal’ ang TV production, handang-handa naman ang mga bida ng serye na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa kanilang pagganap bilang young culinary professionals. Dapat ding pakatutukan ang mga karakter ng mga kasama nila sa serye na sina Thea Tolentino, Paul Salas, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, Crystal Paras, at si Chef ... Read More »

Willie, nagpalipad ng helicopter para maghatid ng tulong sa mga taga-Catanduanes

PATULOY ang ginagawang serbisyo publiko ng Wowowin host na si Willie Revillame para sa mga kababayan natin sa Catanduanes na nasalanta ng bagyong Rolly. Noong Lunes (November 16) at Martes (November 17), ipinasilip ni Willie ang kanyang ginawang relief efforts para sa mga residente ng Catanduanes. Ayon kay Willie, ito ang kanyang tugon matapos mapanood ang panawagan ng isang lola para makatanggap ng ayuda. ... Read More »

Nicole, nagmukhang raccoon dahil kay Mark

ALIW na aliw ang fans at netizens sa latest vlog ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa kanilang YouTube channel. Mapapanood dito ang pagsabak ni Mark sa My Boyfriend Does My Makeup. Sey ni Nicole, nagmistulang “raccoon” ang kanyang hitsura matapos  make-up-an ni Mark! Tuwang tuwa naman ang viewers sa cute na bonding moment ng soon-to-be parents. Sa January iluluwal ang panganay ng mag-asawa na ... Read More »

Heart, pasok sa Top 10 Luxury Influencers Worldwide

Heart Evangelista

KINILALA muli ang Kapuso star at Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista sa international scene matapos mapabilang sa Top 10 Luxury Influencers Worldwide ng Forbes France. Ibinahagi ni Heart sa kanyang Twitter account ang isang screenshot na makikita ang kanyang Instagram link sa listahan ng nasabing magazine. Nagpasalamat din siya sa pagkilala na bukod tanging siya lamang ang  Pinay na nakasama sa listahan. Isa rin si Heart sa global personalities ... Read More »

Mindanao, entry ng ‘Pinas sa 93rd OSCARS International Feature Film category

ANG pelikulang Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Dizon ang napili ng Film Academy of the Philippines na official entry ng Pilipinas sa 93rd OSCARS International Feature Film category. Ito ang inihayag ni Vivian Velez, Director General ng Film Academy of the Philippines nitong nakaraang mga araw. Itinanghal na best picture ang Mindanao sa nakaraang Metro Manila Film Festival at mula ito sa direksiyon ni Brilliante Mendoza. I-FLEX ni Jun Nardo Read More »

Aktor, na-frustrate sa request na lovescene sa kaparehang aktor

FRUSTRATED ang isang gay male star, nang hindi siya pagbigyan ng director ng kanilang bading serye na lagyan ng isang mainit na love scene nilang dalawa ng leading man niyoon ang last part ng serye. Aminado ang gay male star, na medyo sumama rin ang loob niya. Kasi talagang nagkagusto siya sa poging leading man, pero alam niya hindi siya basta makalulusot doon ... Read More »

Kasalang Matteo at Sarah sa simbahan, itutuloy kapag may Covid vaccine na

KUNG may lalabas na vaccine laban sa Covid at saka na pakakasal sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa simbahan. Si Matteo mismo ang nagsabi niyan. Kasi nga gusto nilang magkaroon ng kasal na makakasama naman nila ang kanilang mga kaibigan. Pero hindi ba masasabing kasal na rin sa simbahan ang kanilang ginawa? Born again nga lang. Kung sila ay pakakasal sa simbahang Katoliko, ... Read More »

Tekla, susustentuhan pa rin ang anak; Pamilya ni Michelle, kasali pa kaya?

NAGKAUSAP at nagkasundo na si Tekla at ang dati niyang live-in partner na si Michelle Banaag nang magtungo sa ospital ang komedyante nang dalhin doon si Angelo dahil sa pneumonia. Maliwanag naman ang kasunduan. Mananatili sa pangangalaga ni Michelle ang bata, dahil ganoon din naman ang itinatakda ng batas na hindi ihihiwalay sa ina ang isang batang maliit pa, pero susustentuhan ni Tekla ang lahat ng ... Read More »

Darna, gagawin munang teleserye 

NAPAGDESISYONAN ng Star Creatives na gawin munang teleserye ang Darna ni Jane De Leon at nakatakda itong ipalabas sa 2021 sa iWant TFC at saka lang susunod sa A2Z at Kapamilya channels. Kasalukuyang inire-revise ang script nito para sa TV series hindi lang matukoy sa amin ng aming source kung isasama ang mga eksenang nakunan na ni Direk Jerrold Tarog sa pelikula. Remember naka-15 shooting days siya sa Darna the movie. Hindi rin binanggit pa ... Read More »

Gender ng panganay nina Rachelle Ann at Martin, sikreto muna

HINDI pa inire-reveal nina Rachelle Ann Go at asawang Martin Spies kung ano ang gender ng panganay nila. Sorpresa muna ayon sa tinaguriang International Theater Diva na nakatira ngayon sa London. Malaki na ang tummy ni Rachelle nang ipost niya ang larawan nila ng asawang si Martin na hawak naman ang tummy niya. Ang caption ni Mrs. Spies sa larawan nilang mag-asawa, “If you asked ... Read More »

Scroll To Top