Wednesday , June 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz (page 3)

Category Archives: Showbiz

Feed Subscription

Richard Poon, pumalag sa patuloy na pag-uugnay kina Sam at Piolo

PAGTATANGGOL naman sa bashers ang inihayag ng mang-aawit na si Richard Poon para sa kanyang kaibigang si Sam Milby. Aniya, “So many of us are rejoicing Sam Milby celebrated his birthday recently, and finally finding love with Miss Universe Catriona Gray.   “I’m really selfishly wishing, they’d end up marrying each other, ha!)   “Then I see posts like these, and it makes me ... Read More »

Chorizo ni Sitti, patok

NAKILALA si Sitti sa estilo ng kantang Bossa Nova. Iba rin naman kasi ang dating ng kanyang tinig. Isa ng masayang maybahay si Sitti at ngayon, na walang concerts, shows or gigs, nakahanap ito ng paraan para maging kapaki-pakinabang pa rin ang  bawat araw ng buhay niya. “What a crazy turn of events the past two weeks have been for me ⚡️ ... Read More »

Angel, mas tinutukan ang pagtulong kaysa magpakasal 

DIBDIBAN ang kagustuhan ni Angel Locsin na maisakatuparan sa bansa ang mass testing para sa Covid-19.   Kamakailan ay naimbitahan siya bilang kinatawan ng grupong Shop and Share sa Tropical Disease Foundation para sa inagurasyon ng bagong Covid testing Lab na funded ng Ayala Group.   “We are here to observe and learn more on how we can help the government and medical community in Covid testing. ... Read More »

Aga, tinanggihan si Lea

“Huwag na kayong umasang may makikita kayong guest,” ang nasabi lang ni Lea Salonga sa kanyang social media post, at iyon ay matapos na tanggihan ni Aga Muhlach ang imbitasyon niyang maging guest siya sa gagawing on line concert. Inimbita naman si Aga dahil sa kahilingan ng fans. Kung kami ang tatanungin, tama naman si Aga. Isa siyang actor, hindi naman singer, kaya ano ang ... Read More »

Willie, good example sa pagsangga sa ‘biro’ ni Roque

MABILIS na sinangga ni Willie Revillame ang “biro” ni Presidential Spokesman Harry Roque, na ngayon ay nag-iisa na lang siya at walang kalaban. May kinalaman ang biro sa franchise ng ABS-CBN. Pero mabilis na sinangga nga iyon ni Willie at sinabing ang gusto niyang mapag-usapan ay ang magiging kalagayan ng bansa dahil sa pandemic, at hindi ang problema sa franchise ng kalabang network. Inamin ... Read More »

2015 Dodge Durango van  ni Angel, ibinebenta para sa Shop & Share

HETO ulit si Angel Locsin, ibinebenta ang 2015 Dodge Durango van  para sa balik-launch ng itinayong Shop & Share para makalikom NG pambili ng Covid-19 testing kit. Base sa post ni Angel sa Shop & Share IG account, “We will officially launch SOON with some exciting pre-loved items from your favorite celebrities! Please visit www.shopandshare.store to sign up for notifications when we go live! “Shop & ... Read More »

Lovi, nagbihis sa kalsada sa shooting ng Malaya

MATAGAL nang inaabangan ang iWant original movie na Malaya nina Zanjoe Marudo at Lovi Poe dahil ang gaganda ng mga lugar na pinag-syutingan nila mula sa direksiyon ni Concepcion ‘Connie’ Macatuno. Kilala si direk Connie na mahilig sa magagandang location tulad ng Glorious nina Tony Labrusca at Angel Aquino na kinunan sa Sagada na hindi laging ipinakikita sa ibang pelikula. Isa kami sa na-curious sa magandang poster ng Malaya kaya tinanong namin si direk Connie kung saan ... Read More »

Panganay nina Brad at Angelina, mas feel magpaka-lalaki

HINDI lang pala Rito sa Pilipinas may mga artistang mapayapang tinatanggap ang pagkakaroon ng anak na tomboy o bading. Sa Amerika pala ay may siyam na celebrities na may mga ganoon ding anak at wala silang nakikitang mali sa ganoong sitwasyon. Ang napagtuunan ng pansin sa Amerika nitong mga nakaraang araw  ay ang anak nina Brad Pitt at Angelina Jolie na si Shiloh dahil nagdiwang ito ... Read More »

Maxene, naglahad kung paano napaglabanan ang mental health issues

MENTAL Health Awareness Week pala ngayong linggong ito kaya’t nagpasyang i-share ni Maxene Magalona sa pamamagitan ng kanyang Instagram na @maxenemagalona ang naging karanasan n’ya tungkol dito. Ngayong linggo rin ay ibinahagi ni Ritz Azul ang pakikitungo n’ya sa kanyang ina na may pinagdaraanan ding mental health situation. Actually, lutas na ang sitwasyon ng kay Maxene at nakabuti ngang ibinahagi n’ya sa Instagram ang pinagdaanan n’ya ilang taon lang ... Read More »

Ritz Azul, may kuwento ukol sa mental health ng kanyang ina

KAILANGAN ng matinding pagtitiyaga at pag-unawa ang pagkakaroon ng mahal sa buhay na may mental health problems. ‘Yan ang pahayag kamakailan ni Ritz Azul kaugnay ng pagdiriwang ng Mental Health Week sa bansa. Ang ina ni Ritz ay may anxiety disorder, pagtatapat n’ya sa d’yaryong Ingles na Inquirer kamakailan. Pahayag ng aktres: “I was with her during the time her doctor first gave her medications, and ... Read More »

Shalala, iniinda na ang tatlong buwang walang trabaho

MALUNGKOT ang komedyanteng si Shalala dahil almost three months na rin siyang walang trabaho simula ng lumaganap ang Covid-19 at mag-house quarantine. Malaki ang epekto ng kawalan ng trabaho kay Shalala dahil breadwinner siya at may pamangkin siyang may karamdaman na sinusuportahan niya. Tanging tapings, shooting, at shows sa labas ang kanyang pinagkakakitaan. Kuwento nga nito nang makausap through FB messenger, “Dami ng apektado at ... Read More »

Pagbubuntis ni Heart, fake news!

MABILIS na sinagot ni Heart Evangelista sa kanyang Twitter account ang umugong na balitang buntis siya. Taong 2018 dalawang beses na nakunan ang Kapuso star kaya naman all eyes ang lahat na baka nga naman this time ay matuloy na ang pagbubuntis niya. Sagot ng misis ni Chiz Escudero sa kanyang social media account, “I am not pregnant … fake news. thank you for all your wishes but I ... Read More »

Flores de Mayo sa Baliwag, kanselado na

KANSELADO na rin ang traditional na Flores de Mayo sa Baliwag, Bulakan na dinarayo dahil sa bonggang prusisyon ng mga artistang imbitado. Marami kasing mga artista ang kasali sa sagala at ngayong taon lamang hindi iyon matutupad. Hindi rin naman magandang ituloy iyon at hindi rin magandang tingnan na naka-maskara ang mga paparada dahil baka mapagkamalang santa cruzan ng mga ... Read More »

Barbara, ‘wala munang party sa birthday  

WALANG plano ang konsehalang aktres ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano na i-celebrate pa ang kaarawan niya bukas, May 29. Bawal nga naman kasi ang malaking pagtitipon. Hindi nga naman puwede o hindi maiiwasan ‘di masunod ang social distancing sa isang party. Kaya naman pagsisimba na lang ang gagawin ni Barbara na kahit sarado ay puwede naman niyang puntahan. Kay ... Read More »

Tommy at Eddie, ‘di pabor sa pagpapatigil sa mga senior

NAKAKALOKA naman iyong kautusang huwag nang pagtrabahuhin ang mga senior sa movie industry. Kaya hindi namin masisisi kung nag-react sina Eddie Gutierrez at Tommy Abuel dahil apektado sila sa kautusang ito. Hindi na nga naman sila makalalabas gayong kaya pa naman nila ang umarte. Malalakas pa ang kani-kanilang katawan. At sino nga naman ang magbibigay-suporta sa pamilya nila? Hindi makatarungan ang kautusang ito para ... Read More »

ABS-CBN, pilit na ibinabagsak

TEKA, bakit naman pinipilit ibagsak ang ABS-CBN? Kung ano-ano ang mga akusasyong ibinabato sa kanila na noon pa man ay nasagot na. Ang mga alegasyong naitanong na at nasagot na ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at ng mga opisyal ng ABS-CBN nang humarap sila sa senate hearing at sumumpang magsabi ng totoo noon pang Pebrero. Hindi ba’t nasabi na ng ... Read More »

Angel, ‘di kayang gapiin ng mga basher

KUNG may taong bukas palad lagi sa pagtulong, iyon si Angel Locsin. Isa siya sa laging nauuna sa pagtulong lalo’t may mga sakuna. Tulad ngayong may Covid-19 pandemic, agad siyang naghatid ng tulong sa mga frontliner.   Bukod sa mga facemask, faceshields, PPEs, pagkain, hospital bed, pagpapatayo ng hospital tent at iba pa ang inihahatid na tulong ni Angel kaya nakalulungkot ... Read More »

Alden, nagpa-abot ng tulong sa mga street dweller

HINDI nagsasawang magbigay ng tulong si Alden Richards sa kanyang mga kababayan na higit na apektado ng health crisis sa bansa. Ang tinulungan naman ng Kapuso actor ay ang mga street dweller na naninirahan ngayon sa Paco Catholic School at Don Bosco Makati.   Matapos niyang mapanood ang ulat ng 24 Oras tungkol sa Catholic Institutions, hindi nagdalawang isip si Alden na magpaabot ng tulong sa kanila ... Read More »

Willie’s Wowowin, napakataas ng ratings

MAS inspired at determinado ang Kapuso TV host na si Willie Revillame na mapaganda pa ang content ng kanyang programang Wowowin dahil sa taas ng ratings.   Aniya, “Napakataas ng ratings ng show natin!”   Ayon kay Willie, mas pagbubutihan pa nila ang paghahatid ng saya at pag-asa dahil sa mga tumatangkilik sa Kapuso variety game show.   Wika niya, “Dahil sa maraming nanonood sa ‘yo, dapat paligayahin ... Read More »

Michelle Dee, expert sa Mobile Legends

KAKAIBANG Michelle Dee ang matutunghayan sa bagong proyekto niya kasama ang GMA Artist Center na malapit nang ilunsad. Kung sanay ang fans na makita ang beauty queen/model side ni Michelle, tiyak na mapapa-wow din silang malaman na mahusay din siya sa world of gaming.   Inanunsiyo ni Michelle ang magandang balita sa kanyang Instagram, “Been thinking of different ways to entertain everyone during the ECQ and ... Read More »

Janine, may na-miss sa Switzerland

SA pagtatapos ng modified enhanced community quarantine, looking forward si Kapuso star Janine Gutierrez na makapag-travel muli at isa  sa mga bansang nais niyang puntahan ay ang Switzerland.   Gusto ni Janine na balikan iyon para mapuntahan ang mga lugar na pinagsyutingan ng kinababaliwan niyang South Korean drama series na Crash Landing On You.   “I wanna go back to Switzerland, kung saan nagkita si ... Read More »

Local newscasts ng GMA Regional TV, mapapanood na sa GMA News TV

MAS marami pang Kapuso viewers ang makakapanood ng mga local newscast ng GMA Regional TV dahil simula noong Lunes (May 18), may replay na ang mga ito gabi-gabi sa leading news channel na GMA News TV. Tinawag na GMA Regional Strip ang slot na bawat gabi, may isang local newscast ang eere tuwing 9:45 p.m.. Tuwing Lunes, ang leading North Central Luzon newscast na GMA Regional ... Read More »

MNL48, sumabak sa int’l benefit concert ng UNICEF

TULOY-TULOY pa rin pala sa pagbabahagi ng kanilang talent ang MNL48. Katunayan nagkaroon sila ng isang international benefit concert para sa UNICEF kahapon. Nakasama nina Coleen Trinidad, Sheki Arzaga, at Abby Trinidad ng MNL48 ang iba pang Asian stars para sa One Love Asia, international benefit concert.   Ani Abby, “Sobrang saya po namin noong malaman naming magpe-perform po kami sa ‘One Love Asia.’ Isa pong privilege na makasama po ang sikat ... Read More »

Kris, namaga ang mukha; naaksidente pa

NABAHALA ang napakaraming fans ni Kris Aquino nang tumambad ang namamagang mukha nito sa social media gayundin ang   paghahayag ng aksidenteng nangyari. Magang-maga ang mukha ni Kris dahil sa allergy matapos makainom ng maling pain reliever para sa kanyang migraine. Kaya naman ang dapat sana’y Facebook Live niya noong Martes ng gabi ay hindi natuloy. Bukod sa pag-atake ng matinding allergy, napuruhan din ang kaliwang ... Read More »

Malvar, Tuloy Ang Laban!

ANG Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino 1896 (KAANAK 1896) na inorganisa ng National Historical Commission (NHC) noong 1991, na ang naging Founding Chairman ay si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., ang producer ng Malvar at apo ng Pambansang Bayaning si Hen. Miguel Malvar.   Ang isa sa primary goal ng KAANAK 1896 ay ang isama ang mga descendant ng Revolutionary Heroes sa dokumentasyon ng patuloy na pakikipaglaban para ... Read More »

Scroll To Top