Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Photos (page 9)

Category Archives: Photos

Feed Subscription

MASAYANG ipinagdiwang ng mga penguin ang unang kaarawan ng kapwa nila penguin na si Kaya sa Manila Ocean Park. (BONG SON) Read More »

NAGPIKET sa harap ng Quezon City RTC Annex ang mga kasapi ng Bayan-Southern Tagalog upang ipanawagan sa mga awtoridad na ipasilip ang detenidong politikal na si Eduardo Soriano, sampung taon nang nakakulong ngunit hindi nasilayan ng kanyang mga kababayan sa Mindoro. (ALEX MENDOZA) Read More »

‘IWASAN mataranta upang makasalba.’ Ito ang tema ng isinagawang disaster awareness drill sa ilang paaralan katulad ng 3 Angels Pre-school sa Gagalangin, Tondo, Maynila, at itinuro sa mga batang mag-aaral ang dapat at hindi dapat gawin sa oras ng sakuna gaya ng lindol na posibleng tumama sa ating bansa. (BRIAN BILASANO) Read More »

IPRINESENTA sa media ni NBI Deputy Director for Investigation Service Atty. Vicente de Guzman ang dalawang suspek sa sim swap scam na sina Franco de Lara at Ramil Mapalad Pascual makaran maaresto sa Calamba, Laguna. (BONG SON) Read More »

NAGKILOS-PROTESTA sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Visayas Avenue, Quezon City ang Kalikasan People’s Network for the Environment (KALIKASAN PNE) at iba pang militanteng grupo upang kondenahin ang pagmimina ng Intex sa mga probinsiya. (RAMON ESTABAYA) Read More »

MALAWAKANG kilos-protesta ang isinagawa ng iba’t ibang militanteng grupo bilang pagtuligsa sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III. (ALEX MENDOZA) Read More »

HINDI napigilan nitong Lunes ang demolisyon sa Quinta Market sa kabila ng apela sa Manila City government ng mga nagtitinda roon. Tinutulan ng mga vendor ang pagsasapribado ng nasabing palengke dahil tataas anila ang renta roon. (BONG SON) Read More »

NAGPABONGGAHAN sa kanilang suot na gown sina Senators Pia Cayetano, Loren Legarda, Cynthia Villar, Grace Poe, at Nancy Binay sa pagbubukas ng 3rd Regular Session ng 16th Congress.(JERRY SABINO) Read More »

NAGKILOS-PROTESTA ang iba’t ibang militanteng grupo sa Commonwealth Avenue, Quezon City bilang pagkondena sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III. (RAMON ESTABAYA) Read More »

ARESTADO sa mga tauhan ng MPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID) ang dalawang suspek na sina Amerudin Canapi at Mohammad Baman, suspek sa pagpatay kay PO3 Ronaldo Flores, sa buy-bust operation sa Ermita, Maynila. (BRIAN BILASANO) Read More »

Smuggled na imported construction materials – Bong Son

IPINAKIKITA sa media nina Lt. Col. Marlon Alameda, Customs Police chief, at Major. Allan Cruz, Port of Manila District Collector, ang iba’t ibang smuggled na imported construction materials tulad ng ceramic tiles, sanitary wares, circuit breakers, steel sheets at resins, umabot sa halagang P14 milyon. Ang nasabing mga kargamento ay sinasabing may paglabag sa Tariff and Customs Code of the ... Read More »

PNP Change of Command Ceremony and Retirement Honors – Jack Burgos

DUMALO si Pangulong Benigno S. Aquino III sa Philippine National Police (PNP) Change of Command Ceremony and Retirement Honors para kay Deputy Director General Leonardo Espina sa Multi-Purpose Center, Camp Crame, Quezon City kahapon. Itinalaga ng Commander-in-Chief si Director Ricardo Marquez bilang bagong PNP chief kapalit ni Espina na nagretiro na. (JACK BURGOS) Read More »

Buy-bust operation ng SAID-SOTU (MPD-PS11) sa Binondo, Manila – Brian Bilasano

NAHAHARAP sa kasong roberry holdup at paglabag sa Sec. 5 at 11 ng R.A. 9165 ang suspek na si Wilson Sesesto, nadakip sa buy-bust operation ng SAID-SOTU operatives ni MPD Meisic PS11 commander, Supt. Romeo Macapaz sa Valderama St. kanto ng Barrio 7 St., Binondo, Maynila. (BRIAN BILASANO) Read More »

Holdaper nakipagbarilan sa parak, patay – Alex Mendoza

WALANG buhay na sumubsob sa kalsada ang isang tricycle driver na hinihinalang holdaper makaraan makipagbarilan sa nagpapatrolyang mga operatiba ng MPD Station 4 sa Sociego St., Sampaloc, Maynila. (ALEX MENDOZA) Read More »

MMDA inspection sa Estero De Quiapo, Manila – Bong Son

PERSONAL na ininspeksiyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pumping stations sa Maynila upang matiyak na walang nakabarang mga basura at maayos na makadadaloy ang tubig palabas. Gayonman, nadesmaya siya nang tumambad ang tambak na mga basura na itinapon ng mga residente sa pumping station sa Estero De Quiapo sa Maynila. (BONG SON) Read More »

Philippine Army Change of Command Ceremony – Jack Burgos

INIABOT ni Pangulong Benigno Aquino III ang command symbol kay 57th Philippine Army (PA) Commanding General, Army Major Genearal Eduardo Año mula kay outgoing commanding General Lt. Gen. Hernando Iriberri, AFP Chief of Staff, sa PA Change of Command Ceremony sa PA Gym sa Fort Bonifacio, Taguig City. (JACK BURGOS) Read More »

Buy-bust operations sa Tondo at Binondo, Manila – Brian Bilasano

NADAKIP ng mga operatiba ni MPD Raxabago PS1 commander, Supt. Red Ulsano sa pangunguna ni SAID-SOTU chief, Chief Insp. Gilbert Cruz, ang suspek na si Ramil Paquite alyas Pilay, nakompiskahan ng limang sachet ng shabu, habang nasakote ng mga tauhan ni PS11 commander, Supt. Romeo Macapaz ang top 9 drug personality na si Wilson Reyes, 27, sa magkahiwalay na buy-bust ... Read More »

KMU sumugod sa Korte Suprema – Bong Son

SUMUGOD sa Korte Suprema kahapon ang grupo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) upang makiisa sa pampublikong sektor hinggil sa petisyon para sa proteksyon sa ilalim ng writ of amparo at writ of habeas corpus. Samantala, tiniyak ng grupo na sasabayan nila ng malaking kilos-protesta ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III. (BONG SON) Read More »

Impounding area ng Valenzuela City Traffic Division – Ric Roldan

HALOS mapuno ng mga motorsiklo ang impounding area ng Valenzuela City Traffic Division, na may iba’t ibang kaso katulad ng paglabag sa batas trapiko at City Ordinance na mahigpit na ipinatutupad sa nasabing lungsod. (RIC ROLDAN) Read More »

Kontrobersiyal na mga traktora para sa ARMM – Alex Mendoza

INIINSPEKSIYON ng mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kontrobersiyal na mga traktorang pansakahan para sa mga magsasaka sa 13 lalawigan sa ARMM. (ALEX MENDOZA) Read More »

Scroll To Top