Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Photos (page 5)

Category Archives: Photos

Feed Subscription

MISTERYOSONG SUICIDE. Natagpuang patay ang malamig na bangkay ng biktimang kinilala sa pangalang Renny Montibido, nakasabit sa puno nitong Martes ng umaga (Pebrero 2) sa compound ng Manila Boystown sa Marikina City. Ang biktima na itinatayang nasa edad 30-anyos ay kinuha umano ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) noong Lunes (Pebrero 1) para ‘umano’y i-rescue malapit ... Read More »

NAGSAGAWA ang Iglesia ni Cristo (INC) ng Lingap Pamamahayag sa General Santos City Polomolok Gymnasium nitong Enero 29, 2016. Namahagi ng 12,000 goodie packs, 7,500 piraso ng damit at 10,000 laruan sa mga kaanib at hindi kaanib. Nasa 30 doktor at dentista ang nakiisa na nagbigay ng libreng serbisyong medikal at dental assistance. Tumulong sa pamamahagi ang Kinatawan ng Saranggani ... Read More »

SINALUBONG ng kilos-protesta ng mga kabataang miyembro ng Anakbayan ang biglaang pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo, at sabay-sabay na sinilaban ang logo ng tatlong mala-king kompanya ng langis sa Trabajo Market sa España, Maynila.  ( BONG SON ) Read More »

HINIKAYAT ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang serbisyo at pagpapabuti sa pamumuhay ng nakararaming Filipino lalo na ang mga nangangailangan. Ipinagdiwang ng DSWD ang kanilang ika-65 anibersaryo sa Malacañang kahapon. ( JACK BURGOS ) Read More »

NADAKIP ng mga tauhan ni MPD Moriones Police Station 2 commander, Supt. Nicholas Pinon, sa pangunguna ng PS-2 Delpan PCP chief, Chief Insp. Roberto Mangune, ang suspek na si Joemar Cantilang, 25, miyembro ng kilabot na BCJ Gang, sa PPA Compound, Pier 2, Tondo, Maynila, sa kasong robbery hold-up. ( BRIAN BILASANO ) Read More »

LUCENA CTY – Lantaran ang pagsinghot ng rugby ng mga batang hamog sa lungsod na ito. ( RAFFY SARNATE ) Read More »

CHINESE NEW YEAR. Mabenta ngayon sa Binondo, Maynila ang Chinese New Year decorations para sa nalalapit na pagdiriwang ng Year of the Monkey sa Pebrero 8. ( BONG SON ) Read More »

TUMANGGAP si Pangulong Benigno Aquino III ng regalo mula kina Eminence Charles Maung Bo, Papal Legate and Archbishop of Yangon, Most Reverend Jose Palma, Archbishop of Cebu, at sa Pontifical delegation sa kanilang courtesy call sa Malacañang kahapon. Ang Papal Legate at ang kanyang delegasyon ay nasa Manila makaraan ang matagumpay na pagdiriwang ng International Eucharist sa Cebu. ( JACK ... Read More »

DLSZ WAGI SA INT’L ROBOT OLYMPIAD: Ginawaran ng mga medalya ni Mayor Jaime Fresnedi kahapon (Pebrero 1), ang mga delegado mula sa De La Salle Santiago Zobel na nag-uwi ng tatlong ginto, isang pilak, at anim na technical awards ang mga kalahok mula sa paaralan sa idinaos na 17th International Robot Olympiad sa Bucheon, South Korea noong Disyembre 2015. Binati ... Read More »

HANDOG PABAHAY RAFFLE.  Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez kasama ang ibang mga opisyal ng lungsod, katuwang ang D3830 Rotary Homes Foundation Inc., ang proyektong Handog Pabahay Raffle na ginanap sa Parañaque City Hall gym.  ( JSY ) Read More »

NAMAHAGI ng mga regalo si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga bata matapos ang breakfast meeting sa Port Area, Manila. Tiniyak ni Lim sa mga residente na ang lahat ng libreng serbisyo noong siya ang alkaldeng Maynila ay muli niyang ibabalik pag-upo niyang muli sa city hall. Kasama niya sina 5th district Congressional candidate Josie Siscar, mga kandidatong ... Read More »

NAGBIGAY ng tulong ang nagbabalik na ama ng lungsod ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim sa mahigit 3,000 residente ng dalawang barangay sa Dagupan Ext.,Tondo, Maynila na biktima ng sunog kamakailan. Kasama ni Mayor Lim ang tandem na si aspiring Vice Mayor incumbent 1st District Congressman Atong Asilo at Konsehal Niño Dela Cruz sa kanyang pag-ayuda sa Manileño na ... Read More »

NAKATAKDANG ibiyahe sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City si Jason Ivler (naka-dilaw na t-shirt) matapos hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City RTC Branch 84 bunsod ng pagpatay kay Renato Victor Ebarle na kanyang nakatalo sa trapiko noong Nobyembre 18, 2009 sa Quezon City. ( ALEX MENDOZA ) Read More »

IPINAKIKITA sa media ng mga opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng Bureau of Customs (BoC) ang nakompiskang koleksiyon ng mga alahas mula sa pamilya Marcos, sa Bangko Sentral ng Pilipinas kahapon. ( BONG SON ) Read More »

MAHIGPIT na tinututulan ng mga miyembro ng Anti-Coal at Climate Justice group ang pagpapatupad ng coal power plant sa bansa na anila’y magreresulta sa pagkasira ng kalikasan at kalusugan ng mga residente at matinding kalamidad. (ALEX MENDOZA) Read More »

INILAGAY na ang mga signage, voice recorder at drop point cubicles bago pumasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals bilang security measures laban sa ‘tanim-bala.’ (JSY) Read More »

WALANG PAHINGA ANG PROTESTA. Mahigpit man ang seguridad na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) tuloy ang protesta ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura St., sa Ermita, Maynila para kondenahin ang magarbong preparasyon at perhuwisyo sa traffic at pangkaraniwang mamamayan nang isara ang Roxas Blvd., at iba pang pangunahing kalye sa ... Read More »

SINUNOG ng mga miyembro ng militanteng grupong Anakbayan at Bayan Muna ang bandila ng Estados Unidos sa kanilang protesta sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard,   Maynila kaugnay sa kanilang pagtutol sa APEC Summit at pagtuligsa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) (BONG SON) Read More »

NAGKALAT pa rin ang mga batang lansangan at pulubi sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Pasay City na itinuturing na makasisira sa imahe ng bansa sa mata ng mga delegado na dadalo sa APEC Summit. (JERRY SABINO) Read More »

NAKALAWIT ng mga operatiba ng MPD PS-8 sa pamumuno nina Supt. Santiago Pascual at Senior Insp. Cicero Pura ang sampu katao na naaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa Islamic Center sa Palanca St., Quiapo, Maynila kamakalawa. Ang operasyon ay kaugnay sa isinasagawang ‘Oplan Galugad’ na direktiba ni MPD district director, Chief Supt. Rolando Nana. (BRIAN BILASANO) Read More »

VENDORS APEC-TADO. Nagkilos-protesta ang mga vendor at militanteng grupo sa harap ng Manila City Hall bilang pagkondena sa pagbuwag sa kanilang pwesto sa public market at pagkompiska sa kanilang mga paninda ng mga tauhan ng Manila City Hall at MMDA bunsod ng gaganaping APEC Summit. (BONG SON) Read More »

MISMONG si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ang sumubok na paandarin ang wheelchair na ipinagkaloob niya kay Adela Arellano ng Balut Tondo, Maynila, na nagmano sa kanyang kamay. Inaasistehan si Lim nina Levi Arce (kaliwa) at Eddie Noriega, na matagal nang namamahagi ng libreng wheelchair sa mga nangangailangan mula nang pumasok sa serbisyo publiko. Read More »

INHUSTISYA kinondena ng mga militante at katutubong Lumad sa pamamagitan ng pagkulapol ng pinturang itim sa logo at pinalitan ng injustice ang salitang justice sa Department of Justice (DoJ). Nakita rin na laglag ang letrang D, dalawang E, P at A mula sa salitang department at padre sa Padre Faura St., Ermita, Maynila. (BONG SON) Read More »

COURTESY CALL. Nag-courtesy call sa tanggapan ni Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina ang Aduana Reporters Association Inc. (ARAI) sa pamumuno ni William Depasupil (Manila Times), Vice President Jimmy Salgado (HATAW/Custom Balita), Secretary Tony Tabbad (Custom Balita), Treasurer Jun Samson (DZAR Sonshine Radio), Auditor Pasky Natividad (Custom Balita), Sgt. at Arms Ricky Carvajal (HATAW/NOW), Chairman of the Board Ric “Boy” ... Read More »

KINUKUHA ng mga residente ang mga bagay na maaari pa nilang mapakinabangan mula sa nasunog nilang mga bahay sa PNR Compound, Brgy. 73, Caloocan City. (RIC ROLDAN) Read More »

Scroll To Top