Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Photos (page 3)

Category Archives: Photos

Feed Subscription

ANG sampu sa 12 senador na iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) na sina Senator Elect Franklin Drilon, Joel Villanueva, Miguel Zubiri, Richard Gordon, Riza Hontiveros, Francis Pangilinan, Ralph Recto, Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian at Laila De Lima. Hindi dumating sina senators Vicente “Tito Sen” Sotto III at Panfilo “Ping” Lacson sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. ... Read More »

BIGAS HINDI BALA! Ito ang sigaw ng mga militante at kaanak ng mga magsasakang anila’y minasaker noong Abril 1, sa kanilang kilos-protesta sa harap ng Department of Justice (DoJ) upang ipanawagan ang pagpapalaya sa 71 magsasakang inaresto ng mga pulis sa Kidapawan, North Cotabato. ( BONG SON ) Read More »

BIYAHENG Caloocan City Jail ang mga presong nakakulong sa Jail Management Section na may iba’t ibang kaso para hindi magsiksikan sa loob ng piitan at maiwasan ang sakit na dulot ng matinding init ng panahon. ( RIC ROLDAN ) Read More »

TINANGGAP ni Jose F. Lacaba  ang Dangal ni Balagtas 2016 para sa kaniyang mahahalagang kontribusyon sa larangan ng panitikan. Read More »

BINIGYANG pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang 37 kabataang nagtapos na nagkamit ng ng Latin Honors at honorable mentions nitong Abril 11 sa isinagawang flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod. Bukod sa certificate of recognition, nakatanggap ang “youth achievers” ng cash incentives: P15,000 para sa nagtapos na magna cum laude at P10,000 para sa nagtapos na cum laude. ... Read More »

NAGDAUPANG-PALAD sina Buhay Party-list Rep. Lito Atienza at ang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa isang pagkikita kamakailan. Sinabi ni Atienza, dating vice mayor ni Lim, ang tandem ng dalawa (Lim) at ni fifth district Councilor Ali Atienza na tumatakbong vice-mayor, ay solusyon sa problemadong situwasyon ng Maynila ngayon. Read More »

SINAMPAHAN ng kasong kidnapping, murder at robbery ang tatlong pulis na sina Inspector Elgie Jacobe, PO1 Mark Jay Delos Santos at PO1 Edmon Gonzales at ang mga sibilyan na sina Do-mingo Balanquit at Empire Salas kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Adora Lazatin na inilagay ang bangkay sa drum at ipinaanod sa Ilog Pasig. Ang mga suspek ay ... Read More »

UMAABOT sa halagang P8.5 milyon ang ecstacy at amphetamine na ini-turn-over ng mga awtoridad ng Austria kay PDEA-NCR Chief Erwin Ogario, makaraan tangkang ipuslit sa bagahe patungo sa Filipinas. ( ALEX MENDOZA ) Read More »

TINATANONG ni Sen. Serge Osmeña si Mr. Kam Sin Wong (Kim Wong) kung sino-sino ang kanyang mga kasama nang makipagtransaksiyon kay Ms. Salud Bautista, pangulo ng Philrem Service Corporation, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado ukol sa $81-milyon money laundering scam kahapon. ( JERRY SABINO ) Read More »

LABING-TATLONG barangay chairman mula sa 16 na barangay sa Parañaque City ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kandidatura ni Vice Presidential candidate Sen. Bongbong Marcos at Senatorial candidate at Leyte Rep. Martin Romualdez. Tiniyak ni Chris Aguilar, presidente ng Liga ng mga Barangay ng Parañaque, ang panalo sa lungsod ni Bongbong na may 800,000 botante. Read More »

UPANG maginhawaan sa tindi ng init ng panahon at makatipid imbes na mag-outing sa beach, naligo na lamang ang mga kabataan sa portable swimming pool sa Road 10, Tondo, Manila. ( BONG SON ) Read More »

MAHIGPIT pa ring ipinatutupad ng Manila Police District (MPD) ang police checkpoint sa Road 10, Tondo, Maynila bilang bahagi ng pagpapatupad ng Comelec gun ban. ( BONG SON ) Read More »

SINALAKAY ng mga operatiba ng QCPD-DAID ang isang drug den huli sa akto ang 16 katao, kabilang ang tatlong babae. Narekober ang ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia sa parking lot sa Aurora Blvd., Brgy. Duyan-duyan, Quezon City. ( ALEX MENDOZA ) Read More »

SINISITA ni Makati Mayor Kid Peña (kaliwa) ang mga nahuling ‘trash villains’ sa lungsod para isabotahe ang kanyang programa sa Makati Solid Waste Management. Read More »

MPD RESPECTS EX-MAJOR GENERAL LIM FOR MAYOR. Maging ang mga kapulisan ng Manila Police District ay inaabangan ang pagiikot ng nagbabalik na Ama ng Maynila Mayor Fred Lim dahil sa mataas na pagrespeto nila sa dating kabaro at TUWID na opisyal ng PNP na si Lim,kahit ipinagmamalaki ng City hall na areglado na sa kanila ang mga taga MPD dahil ... Read More »

NAGKAMAY sina congressman Amado Bagatsing at nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim sa ginanap na “Thrilla at UP Manila Round 2” pero desmayado ang nagtaguyod na The Good Neighbor’s Initiative (GNI) dahil hindi sila sinipot ni Erap Estrada nang walang ano mang abiso. ( BONG SON ) Read More »

MASAYANG nagpalitan ng balita ang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim at third district candidate for Councilor Maile Atienza, na ngayon ay guest candidate na ng dating alkalde, sa motorcade kamakailan. Nasa likod ni Lim si Marilou Chua na tumatakbo ring konsehal sa tiket ni Lim. Read More »

DINUMOG ng hindi magkamayaw na miyembro ng sibikong organisasyong pangkababaihan si vice presidential candidate at Senador Bongbong Marcos nang magsalita sa ginawang proklamasyon ng lokal na kandidato sa Brgy. UP Village kahapon. ( ALEX MENDOZA ) Read More »

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupo ng health workers sa United Nation Avenue sa Maynila kasabay ng paggunita sa World Health Day kahapon. Mahigpit nilang tinututulan ang pagsasapri-bado ng mga pagamutan. ( BONG SON ) Read More »

SINAKSIHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglagda ni His Serene Highness Albert II, Sovereign Prince of Monaco, sa Palace Guest Book sa Reception Hall ng Malacañang Palace sa official visit ng prinsipe sa Filipinas. ( JACK BURGOS ) Read More »

HINDI lamang si Brod. Eddie Villanueva (nasa kaliwa) ang full support sa kanyang anak na si senatorial candidate Joel “Tesdaman” Villanueva habang hawak ang poster nito kundi maging si retired Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal para sa mas maraming trabaho, mas masaya ang buhay. Read More »

Bilang bahagi ng Secure and Fair Election (SAFE) campaign, dumalo si Mayor Jaime Fresnedi sa Peace and Covenant Signing ng mga lokal na kandidato sa eleksyon na ginanap sa Our Lady of the Abandoned Church, Poblacion noong Marso 7. Inorganisa ng Commission on Elections, Muntinlupa Police Station, Civil Military Operations Battalion, Philippine Army, and Parish Pastoral Council for Responsible Voting ... Read More »

SINALAKAY ng MPD-SWAT team ang hinihinalang drug den sa Arlegui St., San Miguel, Maynila. Naaresto sa nasabing operasyon ang isang most wanted person na nakompiskahan ng dalawang kalibre 45 baril at ilang sachet ng shabu. ( BRIAN BILASANO ) Read More »

BITBIT ng mga operatiba ni MPD Central Market Police Station 3 commander, Supt. Jackson Tuliao ang mga suspek na sina Orlando de Guzman, 27, ng 045 Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan, Julius Jamir,  20, at isang alyas Paul, 17, kapwa residente ng Sta. Cruz, Maynila, naaresto sa kasong paglabag sa P.D. 1602 (Illegal Gambling) at Sec.11, Art. II ng R.A. 9165 ... Read More »

NAKOMPISKA mula sa 83 kalalakihan ang P2.5 milyon halaga ng shabu, drug paraphernalia at mga baril sa isinagawang anti-drugs operation ng Manila Police District Station 3 sa loob ng Golden Mosque Compound sa Quiapo, Maynila. ( BONG SON ) Read More »

Scroll To Top