Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Photos (page 2)

Category Archives: Photos

Feed Subscription

Checkpoint

LALONG pinaigting ng Manila Police District (MPD) at Philippine Army ang pagpapatupad ng checkpoint sa Maynila matapos makatanggap ng sunod-sunod na bomb threat sa mga eskuwelahan na malapit sa Malacañang. (BONG SON) Read More »

MULING nagkainitan ang magkabilang grupo ang pro at anti-Marcos, habang hinihintay ang resulta ng oral arguments kung papayagan na ilibing sa Libingan ng mga Bayani, ang dati at yumaong Pangulong Ferdinand Marcos. ( BONG SON ) Read More »

“Oplan Sagip Anghel”

EXCLUSIVE! Inasistehan ng MPD-Manila Action and Special Assignment (MASA) ang mga kawani ng Manila Social Worker (MSW) at Bureau of Permits and Sanitary sa isinagawang “Oplan Sagip Anghel” sa inspeksiyon sa KTV bar establishments sa lungsod, at mga empleyado nito partikular ang mga GRO kung mayroong kaukulang mga dokumento katulad ng health permits upang matiyak na maayos ang kanilang kalagayan ... Read More »

SABOG ang ulo at nasunog pa ang motor ng biktimang si Henry Venates nang makaladkad ng trailer truck 138008 na minamaneho ni Michail Bernardo Reyes, residente sa San Andres Bukid, Maynila, sa Plaza Dilao, malapit sa kanto ng Quirino Avenue sa Paco, Maynila kahapon ng umaga. ( BONG SON ) Read More »

IPINAKITA sa media nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña, PNP Chief Director General Ronald Dela “Bato” Rosa at Anti-Illegal Drug Group chief S/Supt. Albert Ferro ang nakuhang 180 kilo ng shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P900 milyon na nahukay sa isang resort sa Cagayan Valley sa isinagawang  press-conference sa Camp Crame, Quezon City kahapon. ( ALEX MENDOZA ) Read More »

NAGSAGAWA ng surprise drug test sa mga opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. ( BONG SON ) Read More »

NASABAT ng mga operatiba ni MPD PS3 commander, Supt Jack Tuliao ang 350 gramo ng shabu mula sa suspek na si Gizelle Escarez, 28, residente ng Berberabe St., Batangas City, sa isinagawang buy-bust operation ng SAID-SOTU PS3 sa Arlegui St., Quiapo, Maynila. ( BRIAN BILASANO ) Read More »

NAGPATUPAD ng drug test sa mga kagawad ng pulisya sa Camanava area sa tanggapan ng NPD SOCO sa Caloocan City Police Headquarters. ( RIC ROLDAN ) Read More »

MPDPC 2016 OATHTAKING. Nanumpa kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap ang mga bagong opisyal ng MPD Press Corps (MPDPC 2016) na sina  President Mer Layson, Vice President Ludy Bermudo, Secretary Gina Mape, Treasurer Jonah Mallari Aure, Auditor Jen Calimon, at directors (mula sa kaliwa, katabi ni JSY) na sina re-elected Brian Gem Bilasano ng HATAW/Diyario Pinoy, Ali ... Read More »

PATULOY ang ipinatutupad na Oplan Tok-Hang ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni MPD Acting District Director, Senior Supt. Joel “Jigs” Coronel kasama sina MPD PS7 commander,  Supt. Alex Daniel at kanyang mga operatiba at barangay officials sa area of responsibility (AOR) sa Tondo na nagresulta sa pagsuko ng 60 tao na umaming sangkot sa ilegal na ... Read More »

Read More »

PINANUMPA ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes si Rodrigo Roa Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Filipinas kahapon. Pagkatapos ng panunumpa unang nakipagpulong si Duterte sa BAYAN leaders para tanggapin ang inihaing 15-point people’s agenda bago sa kanyang Gabinete. Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Malacañan Photo ) Read More »

Pagkatapos ng panunumpa unang nakipagpulong si Duterte sa BAYAN leaders para tanggapin ang inihaing 15-point people’s agenda bago sa kanyang Gabinete. Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Malacañan Photo/Jack Burgos ) Read More »

Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Bong Son ) Read More »

NAKIPAGKAMAY si outgoing President Benigno S. Aquino III kay incoming President Rodrigo R. Duterte sa side lobby ng Malacañan Palace sa ginanap na Departure Honors kahapon. ( JACK BURGOS ) Read More »

NANUMPA bilang punong lungsod si Gng. Carmelita Abalos kay Benhur Abalos, na kanyang papalitan matapos ang 9-taon termino bilang mayor ng Mandaluyong City. Sinaksihan kanyang mga anak at biyenan na si dating Comelec chairman Benjamin Abalos at asawa ang panunumpa. ( ALEX MENDOZA ) Read More »

PINANUMPA ni RTC Executive Judge Victoriano Cabanos sa kanyang tungkulin si re-elected Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kasama ang vice mayor at ang mga nahalal na mga konsehal sa una at ikalawang distrito ng  lungsod na ginanap sa Plaza ng Caloocan City Hall, kahapon. ( RIC ROLDAN ) Read More »

INIHARAP sa mga mamamahayag nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at S/Supt. Bartolome Bustamante ang apat na mga suspek na sina Abdul Azis, 20; Alibair Macadato, 41; Sherilyn Hermias, 31; at Dario De Paz, 48, nakompiskahan ng shabu sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police. ( RIC ROLDAN )   Read More »

HINIMOK ng mga miyembro ng EcoWaste Coalition ang mga mag-aaral ng Sto. Cristo Elementary School at mga magulang na itaguyod ang masustansiyang pagkain na hindi nagtataglay ng sobrang taba, asin at asukal upang maiwasan ang labis na katabaan at problemang pangkalusugan. ( ALEX MENDOZA ) Read More »

NAGSAGAWA ng lightning rally ang mga miyembro ng Kabataang Makabayan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Maynila upang ipanawagan kay Incoming President Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng peace talks sa CPP-NPA at labanan ang anila’y pagsabotahe ng imperyalistang US sa usapang pangkapayapaan sa bansa. ( BONG SON ) Read More »

DENTAL BUS, BIBISITA SA MGA BARANGAY SA MUNTI: Ininspeksyon ni Mayor Jaime Fresnedi (ikalawa mula kanan) ang Dental Health Bus na ibinigay ng Kagawaran ng Kalusugan sa lokal na pamahalaan noong Hunyo 13. Ang Dental Bus ay nakatakdang pumunta sa mga barangay sa lungsod upang magbigay ng libreng dental services gaya ng dental exam, pagpapabunot at pagpapalinis ng ngipin. Makikita ... Read More »

NAGKILOS-PROTESTA ang militanteng grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa harap ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura, Ermita, Maynila upang manawagan sa bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang lahat ng mga bilanggong politikal na nakulong sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. ( BONG SON ) Read More »

ARESTADO sa follow-up operation ng mga operatiba ng QCPD-CIDU ang UV Express driver na si Wilfredo Lorenzo, suspek sa panggagahasa sa dalawang babae sa loob ng ipinapasada niyang van. Modus operandi ng suspek ang bumiyahe sa colorum na SUV at naghahanap ng mabibiktima sa Quezon City. Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang kasabwat niyang suspek na si alyas Buddy. ( ... Read More »

DISBENTAHA sa  mga estudyante ang pagpapatupad ng K-12 ng Department of Education (DepEd), ayon kay Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na sinabi niya sa regular na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Kasama niya bilang panelist sa talakayan sina education assistant secretary Jessie Mateo at Preciosa Soliven ng Operation Brotherhood Montessori. ( BONG SON ) Read More »

NANINDIGAN si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hangga’t hindi nakapapanumpa si Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi maituturing na opisyal ang kanyang mga pahayag. Kaugnay nito, kaya pansamantalang idineklara ng Senador ang ‘ceasefire’ habang binabantayan ang mga susunod na hakbang ng mauupong Pangulo. Idineklara ito ni Trillanes nang dumalo sa nangungunang media forum na KAPIHAN sa Manila Bay ... Read More »

Scroll To Top