Sunday , October 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 8)

Category Archives: News

Feed Subscription

Grocery owner patay sa boga, holdaper todas sa ‘lumilipad’ na LPG tank

HINDI nakaligtas sa kama­tayan ang isang babaeng negosyante na may-ari ng groceries store nang pa­sukin at makipagbuno sa holdaper sa bayan ng Nor­zagaray, sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi, 3 Setyembre. Ngunit hindi rin naka­takas ang hindi kilalang holdaper dahil inabot siya ng ‘lumilipad’ na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na ibinato sa kanya ng ‘helper’ ng grocery ... Read More »

Meeting ni Panelo sa Sanchez family, not once, but twice

DALAWANG beses binisita ng pamilya ni convicted rapist-killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Mala­cañang noong nakalipas na Pebrero. Ito ang nakasaad sa logbook ng security guard sa New Executive Buil­ding sa Malacañang Com­plex na kinaroroonan ng Office of the Pre­sidential Spokesman. Nakatala sa logbook, unang nagpunta si Elvira Sanchez sa opisina ni Panelo ... Read More »

Faeldon sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa kontrobersiyal na pagpirma sa release order ni convicted rapist killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez. Iniutos ng Pangulo ang imbestigasyon sa pagpapalaya ng BuCor sa 1,700 convicted criminals alinsunod umano sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law maging ang komite na humahawak ... Read More »

Sanggol isisibat, ‘Kana’ nasabat (Sa NAIA Terminal 3)

INAKALANG lusot na, nang makalampas sa Bureau of Immigration (BI), pero biglang lumitaw ang paa ng isang sanggol mula sa sweat shirt ng isang babaeng American national kaya nabigong maisakay sa eroplano ang isisibat na umano’y pamangkin patungong Estados Unidos. Nangyari ito kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, base sa ulat ni Bureau of Immigration ... Read More »

Sa pinalayang heinous crimes convicts… Palit-ulo sa BuCor officials

KAPALIT ng mga pinalayang con­victs ay mga opisyal na nagpalaya sa kanila. Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon sa Kamara patungkol sa isyung muntik nang ma­pa­laya ang dating Ca­lauan Mayor Antonio Sanchez at higit 2,000 pinalaya sa kuwesti­yonableng pamamaraan. Ayon sa nga kongre­sista, maaaring makulong nang mahigit 2,000 taon ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) dahil sa paglabag ... Read More »

Budget bill binawi ni Villafuerte Davao Group umalma

PORMAL na kinuwestiyon ng Appropriations Committee ni Rep. Isidro Ungab ang pagbawi ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte sa panukalang pambansang budget na aniya’y dapat ipinasa ng Kamara sa unang pagbasa. Si Villafuerte ay chair­man ng Committee on Finance at kaaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano, si Ungab na­man ay kasapi sa Davao group nina Davao Rep. Pulong Duterte. ... Read More »

Balik-Bilibid ng GCTA hindi ilegal — Palasyo

WALANG malalabag na batas kapag ibinalik sa kulungan ang convicted criminals na pinalaya batay sa good conduct time allowance. Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil kung hindi aniya kalipi­kado sa probisyong naka­saad sa Republic Act 10592 o GCTA ang pina­layang bilanggo ay puwe­de siyang ibalik sa kulu­ngan. Bahala na aniya ang Department of Justice at Bureau of ... Read More »

Tiwala ng pangulo kay Faeldon tiniyak ni Panelo

KOMPIYANSA pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faledon kahit sumingaw ang paglaya ng apat na convicted drug lords at muntik na paglaya ni convicted murderer-rapist at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. “E, hangga’t hindi nagsasalita si Presidente, the presumption is he still have the trust and con­fidence,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo. ... Read More »

Truck driver pisak nang madaganan ng container van

NAGKALASOG-LA­SOG ang katawan ng isang truck driver mata­pos madaganan ng isang container van sa isang warehouse sa Paco, Maynila kahapon. Kinilala ang biktima na si Rogelio Policarpio Jr., 44-anyos. Ayon sa pahinanteng si Richard Baranggain, nagbababa sila ng mga kargamento mula sa nakaparadang container van nang unti-unting gumalaw at tuluyang bumagsak. Huli na nang kanilang malaman na nadaganan na pala ... Read More »

Mabuhay Lane 100% obstruction free — VM Honey Lacuna

IPINAGMALAKI ni Vice Mayor Honey Lacu­na kahapon na hindi na kailangan pang maki­pag-unahan ng Maynila sa itinakdang 60-day deadline para tumugon sa utos ni President Rodrigo Duterte na ma­bawi ang lahat ng mga kalye mula sa pribadong sektor dahil malinis na ito sa lahat ng uri ng ilegal na estruktura, may dalawang linggo na ang nakararaan. Ayon kay Lacuna, nauna ... Read More »

Babaeng sex worker inatado ng saksak sa loob ng motel

DUGUAN at tadtad ng saksak ang isang babae nang matagpuan sa inupahang motel, Linggo ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Tinangkang habulin ang suspek na nagtata­takbo palabas ng Safety Motel sa kanto ng Morio­nes at Mabuhay St., ngu­nit hindi naabutan ng roomboy. Inilarawan  ni P/Sgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktima na kinilala ... Read More »

Striker ng PNP Finance sa Camp Crame binoga

BINARIL ang isang civi­lian striker ng Philippine National Police (PNP) ng hindi kilalang suspek sa loob ng bar sa Taguig City, nitong Sabado ng madaling araw. Nakaratay sa Medical City Taguig ang biktima na kinilalang si Mario Cabungcal, 39, binata, civilian striker ng PNP Finance sa Camp Crame, Quezon city sanhi ng tama ng bala sa katawan. Inaalam ng awtoridad ... Read More »

OWWA’s Rebate Portal para sa OFWs binuksan na

BINUKSAN kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang Rebate Portal  bilang bahagi ng inilunsad na OWWA Rebate Program. Ang OWWA Rebate Program ay pagtugon sa probisyon ng OWWA Act na layuning mag­patupad ng pagbibigay ng rebate sa matatagal nang mga miyembro ng OWWA. Samantala ang OWWA Rebate Portal ay aayuda sa distribusyon ng OWWA Rebate Program, isang database ... Read More »

Separation pay ng 6000 empleyado ng ARMM dapat bayaran — Hataman

BARMM

NANAWAGAN sa Department of Budget and Management si House Deputy Speaker Mujiv Hataman na bayaran ang separation pay at iba pang benepisyo ng 6000 empleyado na mawawalan ng trabaho sa pagpasok ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayon kay Hataman, ang dating gobernador ng mawawalang Autononous Region in Muslim Mindanao (ARMM), dapat masiguro ng papasok na BARMM na ... Read More »

Medical aircraft bumagsak, 9 pasahero patay 2 resorts nawasak

HINDI nakaligtas sa kama­tayan ang siyam kataong sakay ng isang BE350 medical evacuation aircraft nang bumagsak sa lungsod ng Calamba, Laguna nitong Linggo ng hapon, 1 Setyem­bre, na tumama at puminsala sa dalawang resort sa lugar. Kinompirma ni Calamba City Mayor Justin Chipeco na isang maliit na eroplano ang bumagsak sa lungsod dakong 3:30 pm. Iniulat na mula sa Dipolog ... Read More »

Estudyante hinablutan ng bag sa jeepney snatcher arestado

SA kulungan bumagsak ang isang 27-anyos lalaki nang daklutin ang bag ng isang coed na naipit sa traffic habang sakay ng pampa­saherong jeep sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Joshua Mahinay, ng Tondo, Maynila, kakasuhan ng robbery snatching. Batay sa ulat, dakong 11:00 am, sakay ng pampasaherong jeep ang biktimang si ... Read More »

Nanggantso ng lolang negosyante… Bebot kulong sa extortion

SWAK sa kulungan ang isang istambay na bebot na nanggantso at muling natangkang huthutan ang isang senior citizen na businesswoman sa Mala­bon City kahapon ng umaga. Dakong 10:40 am nang madakip ang sus­pek na kinilalang si Cristina Clarito, 33 anyos, residente sa Emilio Jacin­to St., Brgy. Concepcion sa loob ng Immaculate Conception Church sa isinagawang entrapment operation. Ito’y matapos tang­ga­­pin ... Read More »

Taong mapanganib hindi nararapat ‘ibalik’ sa lipunan

ANG mga mapanganib na tao katulad ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ay hindi na nararapat ibalik sa lipunan. Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, may butas ang batas patungkol sa tinatawag na “three-fold rule” ng Revised Penal Code. Aniya kailangan amiyendahan ang batas na ito upang masiguro na ang mga katulad ni Sanchez na nasenten­siyahan ng pitong habam­buhay ... Read More »

Gas exploration sa WPS kailangan nang talakayin

BEIJING – Isang urgent matter ang energy security ng Filipinas para kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang binigyang diin ni Philippine Amba-ssador to China, Jose Santiago Sta. Romana sa gitna ng napipintong pagtalakay nina Duterte at Chinese President Xi Jin­ping tungkol sa ma-giging hatian sa joint gas explo­ration sa pinag-aaga­wang teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay Sta. Roma-na, running ... Read More »

Naunang forecast ni Digong pabor sa Italy hamon sa Gilas Filipinas (Duterte, Jinping ‘buddies’ sa FIBA ngayong gabi)

BEIJING – Gawin ang lahat ng makakaya para manalo. Ito ang mensaheng ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa team Gilas Pilipinas kaugnay ng kanilang laban sa koponan ng Italy bukas sa Guanzhou, Guangdong Province. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat magsilbing hamon sa Team Gilas ang unang naging pahayag ng Presidente na matatalo ng Italy ang ating koponan. ... Read More »

Kapag liderato ay na-wipe-out… ‘Reserbang pangulo’ ng PH kailangan — Ping

IPINANUKALA ni Sena­dor Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng ‘reserba’ pang lider ng bansa sakaling mapa­hamak ang Bise Presidente, Senate President at House Speaker na batay sa Saligang Batas ay kahalili ng Pangulo kung hindi na kayang mamuno. Isinampa ni Lacson ang Senate Bill 982, na tinaguriang “Designated Survivor” bill na nagla­layong hindi mabakante ang liderato ng pama­halaan at magtuloy-tuloy pa ... Read More »

2,000 preso pinalaya sa GCTA mula 2013

UMABOT sa halos 2,000 inmates ang napalaya na simula noong 2013 hanggang 2019 ng Bureau of Corrections (BuCor) na may iba’t ibang kaso na kinahaharap sa loob ng New Blibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Kahapon sa pulong balitaan na ginanap sa loob ng NBP, sinabi ni Atty. Frederick Antonio Santos, chief legal office ng BuCor, figures lamang ang kanilang ... Read More »

4 Chinese drug lords ‘lumaya’ sa GCTA

LIMANG Chinese drug lords ang ‘pinalaya’ ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng dalawang buwan, pagbubunyag ni Senator Panfilo Lacson nitong Huwebes. Ayon kay Lacson, may kopya siya ng mga bilanggong kalalaya lang sa New Bilibid Prison (NBP) at natuklasan na apat sa kanila ay con­victed Chinese drug lords. Ani Lacson, sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching ... Read More »

P.7-M shabu kompiskado sa mag-asawang tulak

AABOT sa P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska sa mag-asawang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head P/Capt. Deo Cabildo ang naarestong mga suspek na si Abdullah, 53 anyos, at Raisha Ampatua, 54 anyos, kapwa residente sa Globo De Oro St., ... Read More »

Nauusong pamboboso sa spycam may parusa sa South Korea

NAGSAGAWA ng protesta ang libo-libong mga Koreana sa Seoul para ireklamo ang sinasabi nilang ‘spycam porn’ para hilingin ang mas mabigat na kaparusahan sa mga ‘Peeping Tom’ o mga naninilip o bosero. Simula buwan ng Mayo, nagsagawa ng sunod-sunod na demons­trasyon sa kabisera ng South Korea ang iba’t ibang grupo ng kababaihan para batikusin ang umiiral na lantarang pamboboso ng ... Read More »

Scroll To Top