HINDI nagtagumpay ang isang dayong babae mula sa Tarlac na ikalat ang dalang shabu sa lalawigan ng Bulacan matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Bocaue nitong Lunes, 19 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Arnel Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ikinasa ng magkakatuwang na elemento ng SOU 3 PNP DEG sa pamumuno ni …
Read More »Pitmaster Foundation-sponsored Nat’l Climate Change Summit kasado na
KAISA ang Pitmaster Foundation sa National Climate and Disaster Emergency Forum na nakatakda sa Huwebes, 22 Setyembre 2022, sa Discovery Primea Hotel sa Makati. Inaasahang dadalo sa forum ang ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na kinabibilangan nina Finance Sec. Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General Arsenio Balisacan, Energy Sec. Raphael Perpetuo …
Read More »
Wanted na dating rebelde nakalawit
MIYEMBRO NG QRT TIMBOG SA PAMAMARIL
Magkasunod na inaresto ang isang dating rebeldeng pinaghahanap ng batas at isang miyembro ng Quick Response Team (QRT) dahil sa walang habas na pamamaril sa ikinasang police operations sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 17 Setyembre. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, dakong 01:53 ng hapon kamakalawa nang madakip sa isinagawang manhunt operations ng tracker teams …
Read More »POGO company sinalakay, pinasara <br> 43 dayuhan nasagip
SINALAKAY ng mga awtoridad, nitong Sabado, 17 Setyembre ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa lungsid ng Angeles, lalawigan ng Pampanga kung saan nasagip ang 43 dayuhan na puwersahang pinagtatrabaho. Pinangunahan nina Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen kasama ang iba pang police officials ang pagpapasara sa Lucky South …
Read More »
SM SUPERMALLS BEGINS 100 DAYS OF HAPPINESS
Officially starts the Christmas countdown by creating a circle of happiness among Filipinos
To kickstart the Christmas countdown, SM Supermalls began its 100 Days of Happiness today, September 16, where they aim to create a circle of happiness with 76 participating malls, shoppers, the marginalized communities of women, persons deprived of liberty, artisans, cause-oriented organizations, and select local government units. “We want to create a circle of happiness in all our SM malls …
Read More »Sanib-puwersa ng operators, regulators sa pagbuo ng mga polisiya para sa e-sabong iminungkahi
HIGIT na magiging pulido ang mga polisiya para sa e-sabong kung magiging magkatuwang ang mga regulator at ang mga operator sa pagbuo nito, ayon sa opisyal ng isang gaming technology. Sa isang panayam, sinabi ni Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc., Chief Executive Officer Joe Pisano, nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa …
Read More »
P400-M shabu nasabat sa Pampanga
2 Chinese nationals timbog
NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P400-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operations sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 14 Setyembre. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nagkasa ang magkasanib na mga operatiba ng SOU NCR at IFLD PNP-DEG katuwang ang Pampanga PPO at PDEA NCR ng anti-illegal drug …
Read More »Bulacan, isinusulong ang football bilang laro para sa lahat ng edad
NAGTIPON at naglaro ang mga atleta mula sa loob at labas ng lalawigan sa isang friendly competition sa kauna-unahang Singkaban Football Festival na ginanap sa Bulacan Sports Complex, sa lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Linggo, 11 Setyembre, na layuning isulong ang football bilang isang laro para sa lahat ng edad. Ayon kay Atty. Kenneth Ocampo-Lantin, pinuno ng Provincial Youth, Sports, …
Read More »
Sa Sta. Maria, Bulacan
4 TIKLO SA ILEGAL NA BENTAHAN NG BUTANE, LPG
HINDI na nakapalag ang apat na katao nang dakpin ng mga awtoridad matapos maaktuhan sa ilegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa Brgy. Caypombo, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 13 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, nagkasa ng buybust operation ang magkasanib na puwersa ng Bulacan …
Read More »
DRUG DEN SINALAKAY
4 tulak arestado
ARESTADO apat na indibiduwal na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa isinagawang raid sa isang makeshift drug den sa lungsod gn Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes, 13 Setyembre. Sa ulat mula sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Edward Concepcion alyas Popong, 30 anyos; John Liangcungco, 37 anyos; …
Read More »No. 5 most wanted ng Bulacan nasukol sa Misamis Oriental
NAGBUNGA ang pagsisikap ng mga awtoridad na mabigyan ng hustisya ang isang babaeng ginahasa sa Bulacan nang maaresto ang salarin sa pinagtataguan niya sa Misamis Oriental nitong Martes, 13 Setyembre. Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit 3 at intelligence personnel ng Bulacan PPO sa mga awtoridad mula sa PRO10 sa pagsasagawa ng manhunt operation sa Brgy. Agay-ayan, Gingoog, …
Read More »Mandatory facemask sa senior citizens, immunocompromised sa indoor places, labag sa Bill of Rights — KSMBPI
NANINIWALA si Dr. Mike Aragon, Chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), paglabag sa Article 3 Section 1 ang ipapatupad na mandatory facemask sa indoor places, public utility vehicles (PUVs) sa senior citizens at mga immunocompromised individual dahil walang batas na nagtatakda rito. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Aragon na labag sa …
Read More »Arjo mabilis na umaksiyon sa mga nasunugan sa Bgy Balingasa
NAPAKA-SUWERTE ng mga taga-District 1 ng Quezon City dahil nagkaroon sila ng kongresistang mabilis umaksiyon. Ang tinutukoy namin ay ang aktor na si Arjo Atayde na agad sumugod sa Don Manuel, Barangay Balingasa nang malamang nasusunog ang ilang tahanan doon. Walang takot na animo’y nasa isang taping lang si Arjo na umakyat sa bubungan ng isang bahay doon para masilip ang laki …
Read More »Dalawang influencers ng entertainment industry, sanib-puwersa sa OWWA
USAP-USAPAN ngayon ang pagkakatalaga kay Mary Melanie “Honey” Quiño bilang bagong Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Isang abogado at kilalang movie producer si DA Honey bago siya napasok sa public service. Si Arnell Ignacio ang bagong OWWA Administrator na galing din sa entertainment industry. Maganda ang naging track record ni Arnell at ‘yun ang gustong sundan na yapak ni DA Honey. …
Read More »Bulakenyo ipinagdiwang ang LGBT pride
BITBIT ay matitingkad na kulay at pagkakaroon ng malaking bahagi sa buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022, ipinagdiwang ng LGBT Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang LGBT Pride sa isinagawang SIBOL: The 2022 LGBT Bulacan Summit na may temang “Synergy of Inclusive Growth in Bulakenyo LGBT Ecosystem” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, …
Read More »
TOP MOST WANTED PERSON SA PRO4-A TIMBOG
7 pang wanted, 22 sugarol swak sa selda
NAARESTO ng Bulacan PNP ang Top Most Wanted Person sa Regional Level ng PRO4-A, gayundin ang pito pang wanted persons at 22 sugarol sa anti-criminality operations na isinagawa sa lalawigan nitong Lunes, 12 Setyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, isinagawa ang manhunt operation ng magkakatuwang na mga tauhan ng San Jose del Monte …
Read More »7, 684 magsasaka sa Bulacan tatanggap ng tig-5k financial assistance
UPANG punan ang kawalan sa kita ng mga magsasaka ng palay dahil sa pagbaba ng presyo nito, pagtaas ng presyo ng fertilizer at iba pang inputs, magbibigay ang Department of Agriculture sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa 7,684 magsasakang Bulakenyo ng P5,000 Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) simula 12 hanggang 16 Setyembre 16. Karagdagan ito sa 19,588 benepisyaryo …
Read More »UFFC: PROTEKSIYON NG ERC UNA DAPAT SA CONSUMERS
DAPAT protektahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga consumer laban sa banta ng pagtataas sa singil ng koryente. Binigyang diin ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) president Rodolfo Javellana, Jr., na hindi dapat matakot ang ERC na desisyonan ang apela ng South Premier Power Corporation (SPPC) at San Miguel Electric Company (SMEC) na makawala sa Power Supply Agreement …
Read More »Pedicab driver arestado sa sumpak
HIMAS-REHAS ang isang pedicab driver matapos maaktohan ng mga pulis na may bitbit na isang sumpak habang gumagala sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Rolly Tolentino, 26 anyos, residente sa Sitio 6, Brgy. Catmon. Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego …
Read More »
Pot session sa Vale
10 ADIK SA SHABU HULI
SAMPUNG hinihinalang drug personalities ang inaresto kabilang ang isang babae nang maaktohang gumagamit ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na drug operations ng pulisya sa Valenzuela City. Batay sa isinumiteng ulat ni P/Cpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela City police chief, Col. Salvador Destura, Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni …
Read More »Bawas presyo sa produktong petrolyo inabiso ng oil companies
NAG-ABISO ang mga kompanya ng langis sa pagbaba ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong Martes. Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum na magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.45 kada litro ng gasolina, P1.45 kada litro ng diesel at P1.70 kada litro ng kerosene epektibo 6:00 am …
Read More »84 PDLs sa Bilibid nagtapos ng pag-aaral
MATAGUMPAY na naisagawa ng Bureau of the Corrections (BuCor) sa pakikipag- ugnayan sa University of Perpetual Help Dalta ang 33rd Commencement Exercise ng mga person deprived of liberty (PDL) sa Medium Security Compound, New Bilibid Prison Reservation, sa lungsod ng Muntinlupa . Ang nasabing pagtatapos ay binubuo ng 84 PDL, ang 21 ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in …
Read More »Math, science high schools sa lahat ng probinsiya isinusulong ni Gatchalian
MULING inihain ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang magtatag ng math at science high schools sa lahat ng probinsiya sa bansa, bagay na sumasang-ayon sa direktiba ng administrasyon na patatagin at bigyan ng prayoridad ang Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) sa basic education. Sa ilalim ng Senate Bill No. 476 o ang Equitable Access to Math and Science …
Read More »Senado iimbestigahan talamak na kidnapping, krimen sa bansa
NAKATAKDANG magsimula ang imbestigasyon ng senado ukol sa lubhang nakaaalarmang kidnapping at ilang mga krimen sa bansa. Ito ay matapos kompirmahin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order na itinakda niya ang pagdinig sa darating na Huwebes, 15 Setyembre, upang pagpaliwanagin ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ukol sa kanilang datos sa mga …
Read More »500 gramo ng damo buko sa ukay-ukay
NABUKO ng mga awtoridad ang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana o ‘damo’ na itinago ng 19-anyos binata sa ukay-ukay na ipapadala sa pamamagitan ng isang delivery service sa Quezon City, Lunes ng umaga. Ang suspek ay kinilalang si Clachy John Balansag De Quiroz, 19, binata, at naninirahan sa Unit 3B 123-A N. Domingo, Balong Bato, San Juan City. …
Read More »