Saturday , April 20 2024

News

Bingbong Crisologo ‘nakalusot’ sa PDAF Scam

KINUWESTIYON ng anti-corruption group ang umano’y kawalan ng aksiyon ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Ombudsman sa iba pang personalidad na sangkot sa Pork Barrel Scam. Ayon sa Alliance of Good Governance (AGG), karamihan sa mga sangkot sa pork barrel scam ay tumatakbo ngayon sa halalan, isang hindi magandang batayan at nagpapamalas lang na ang kampanya …

Read More »

Palasyo nakiisa sa pagbubunyi sa tagumpay ni Pacman

NAKIISA ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanang Filipino sa tagumpay ni Pambansang kamao Manny Pacquiao sa pakikipaghamok kay Timothy Bradley kahapon sa Las Vegas. “Manny Pacquiao has done the Filipino nation proud again by winning decisively against Timothy Bradley,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Ikinararangal at nagpapasalamat aniya ang buong bansa dahil muling ipinamalas ni Pacquiao sa buong …

Read More »

Tubero todas sa ambush

TODAS ang isang tubero makaraan pagbabarilin ng isang lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ang biktimang si Benjie Escober, 24, ng Block 38, Lot 3, Sabalo St., Brgy. 12 ng nasabing lungsod. Habang patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad upang maaresto …

Read More »

200 pamilya nasunugan sa Quiapo

MAHIGIT 200 pamilya ang nawalan ng bahay makaraan masunog ang Golden Mosque compound sa Quiapo, Maynila nitong Sabado ng gabi. Ang sunog na naganap sa Globo de Oro kanto ng Gunao St. ay umabot sa ikalimang alarma bago na idineklarang fire-out ng mga bombero. Sinabi ni arson investigator SFO4 John Joseph Jaligue, mahigit 100 kabahayan ang natupok sa nasabing sunog. …

Read More »

Baby idinamay ng tatay na nagbitay (Nanay bumalik sa unang pamilya)

NAGA CITY – Natagpuang nakabigti ang isang 22-anyos lalaki at kanyang apat buwan gulang na sanggol sa bayan ng Basud, Camarines Norte, kamakalawa. Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rojelyn Calandria, hepe ng Basud PNP, iniwan ng live-in partner niya si Don-Don Ebdani, dahil sa problemang pinansiyal. Hindi matanggap ni Ebdani na nakikipaghiwalay sa kanya ang kanyang kinakasama na nagpasyang …

Read More »

Beterano ‘di na kukupitan (PNoy nangako sa Araw ng Kagitingan)

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi na kukupitan ang kanilang mga pensiyon at benepisyong inilalaan sa kanila. Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Mt. Samat, Bataan. Sinabi ng Pangulong Aquino, naayos na nila ang listahan ng mga tunay na beterano at nagkaroon na …

Read More »

Japan envoy nakayukong nag-sorry sa war victims

MULING ipinaabot ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa ang paghingi ng paumanhin sa karahasang nagawa sa mga Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Bataan kahapon, nakayukong sinabi ni Amb. Ishikawa, buong pagpapakumbaba at taos sa puso ang kanilang paghingi ng paumanhin sa ano mang sakit na naidulot ng kanilang pagsakop sa Filipinas. …

Read More »

Ex ni Alma Moreno, driver sugatan sa ambush sa CDO

CAGAYAN DE ORO – Sugatan si Marawi City Mayor Fahad “Pre” Salic, dating asawa ng aktres senatorial  candidate na si Alma Moreno, at ang kanyang driver nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan ang kanilang sasakyan sa Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City dakong 2 a.m. nitong Sabado. Si Salic at ang kanyang driver ay lulan ng kanilang sasakyan malapit sa Pryce …

Read More »

Killer ng parak sa Bulacan tiklo

NAARESTO ng pulisya ang isang hinihinalang hired killer makaraan ang dalawang taon pagtatago sa isang lugar sa San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Sa ulat mula sa San Miguel PNP na pinamumunuan ni Supt. Joel Estaris, ang suspek ay kinilalang si Rogelio ‘Itching’ Orteza Saycon, nasukol sa kanyang pinaglulunggaan sa Brgy. Labane sa naturang bayan.   Nabatid sa ulat, si …

Read More »

NAGKAMAY sina congressman Amado Bagatsing at nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim sa ginanap na “Thrilla at UP Manila Round 2” pero desmayado ang nagtaguyod na The Good Neighbor’s Initiative (GNI) dahil hindi sila sinipot ni Erap Estrada nang walang ano mang abiso. ( BONG SON )

Read More »

MASAYANG nagpalitan ng balita ang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim at third district candidate for Councilor Maile Atienza, na ngayon ay guest candidate na ng dating alkalde, sa motorcade kamakailan. Nasa likod ni Lim si Marilou Chua na tumatakbo ring konsehal sa tiket ni Lim.

Read More »

DINUMOG ng hindi magkamayaw na miyembro ng sibikong organisasyong pangkababaihan si vice presidential candidate at Senador Bongbong Marcos nang magsalita sa ginawang proklamasyon ng lokal na kandidato sa Brgy. UP Village kahapon. ( ALEX MENDOZA )

Read More »

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupo ng health workers sa United Nation Avenue sa Maynila kasabay ng paggunita sa World Health Day kahapon. Mahigpit nilang tinututulan ang pagsasapri-bado ng mga pagamutan. ( BONG SON )

Read More »

SINAKSIHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglagda ni His Serene Highness Albert II, Sovereign Prince of Monaco, sa Palace Guest Book sa Reception Hall ng Malacañang Palace sa official visit ng prinsipe sa Filipinas. ( JACK BURGOS )

Read More »

HINDI lamang si Brod. Eddie Villanueva (nasa kaliwa) ang full support sa kanyang anak na si senatorial candidate Joel “Tesdaman” Villanueva habang hawak ang poster nito kundi maging si retired Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal para sa mas maraming trabaho, mas masaya ang buhay.

Read More »

Bilang bahagi ng Secure and Fair Election (SAFE) campaign, dumalo si Mayor Jaime Fresnedi sa Peace and Covenant Signing ng mga lokal na kandidato sa eleksyon na ginanap sa Our Lady of the Abandoned Church, Poblacion noong Marso 7. Inorganisa ng Commission on Elections, Muntinlupa Police Station, Civil Military Operations Battalion, Philippine Army, and Parish Pastoral Council for Responsible Voting …

Read More »

SINALAKAY ng MPD-SWAT team ang hinihinalang drug den sa Arlegui St., San Miguel, Maynila. Naaresto sa nasabing operasyon ang isang most wanted person na nakompiskahan ng dalawang kalibre 45 baril at ilang sachet ng shabu. ( BRIAN BILASANO )

Read More »

Egay Erice kalaboso (Panibagong plunder case nakaamba)

SA kulungan posibleng masadlak si Caloocan City Representative Edgar ‘Egay’ Erice sa dami ng kaso na kanyang kinakaharap sa Office of the Ombusdman gaya ng pagbubulsa umano ng halos isang bilyon royalty share at sinabing ‘pagnanakaw’ ng mineral ore sa operasyon ng mining sa Agusan Del Norte. Nabatid na si Erice ang tumatayong presidente ng SR Metal Mining Inc. (SMRI) …

Read More »

Gatchalian landslide sa Vale City (Base sa survey ng Probe: Rex-82.3%; Magi-12.7%)

INAASAHAN ang landslide win ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa May 9 elections matapos makakuha ang alkalde ng mahigit 80 porsiyento ng mga botante sa isinagawang survey ng grupong Probe noong Marso 7-12. Umabot sa 600 ang kabuuang respondent ng Probe survey na tig-300 respondents ang kinuha sa District 1 at District 2 at sumailalim sa face-to-face personal interviews. …

Read More »

Gawa hindi ngawa — Chiz (Marcos panagutin sa martial law)

“Higit sa salita, aksyon ang mas mahalaga.” Ito ang iginiit ng  independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero nitong Lunes kasabay ng pahayag na mas mahalaga ang aksiyong nagpapanagot sa pagmamalabis ng mga Marcos noong Martial Law imbes paulit-ulit na magsalita laban dito. Sa isang panayam, tinanong si Escudero kung nahihirapan siyang magsalita laban sa pang-aabuso ng mga …

Read More »

Erap No Show sa Thrilla in Manila

ININDIYAN ni dating Pangulong Joseph Estrada ang itinakdang debate ng mga kandidato para alkalde sa UP-PGH Science Hall ng University of the Philippines sa Maynila, kahapon.  Dumating ang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, 15 minuto bago ang itinakdang rehistrasyon dakong 1 p.m. habang si Bagatsing ay dumating naman bago ang umpi-sa ng debate ng 2 p.m. Nagpahayag …

Read More »

Negosyanteng Thai kinotongan ng 2 pekeng traffic enforcer

ISANG dayuhang Thai national ang kinotongan ng dalawang pekeng traffic enforcer nang kanilang arestohin dahil sa traffic violation sa Sta. Cruz, Maynila Hawak ng MPD-General Assignment and Investigation Division (GAIS) ang suspek na sina RJay Ramas, 30, walang trabaho, ng 1427 Ilang-ilang St., Pandacan, Maynila, at Kenneth Alcaide Garcia, 38, ng LRC Compound, Sta. Cruz, Maynila dahil sa reklamo ni …

Read More »

5,000 Uber ibinasura ng LTFRB

IBINASURA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 5,000 applications ng app-based transportation service na Uber. Sinabi ni Atty. Ariel Inton, isa sa boardmembers ng LTFRB,  hindi nakapagsumite ng ‘formal offer of evidence’ ang mga aplikante kaya nila ito ibinasura. Dagdag pa niya, binigyan nila nang sapat na panahon ang mga ito noon pang Oktubre 2015. Habang …

Read More »

10 parak sinibak sa Pangasinan (‘Di nagresponde sa robbery)

DAGUPAN CITY – Sampung miyembro ng Police Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan ang ini-relieve sa puwesto makaraan balewalain ang idinulog na robbery incident sa Brgy. Gueguesangen sa nagdaang Semana Santa. Ayon kay Supt. Jackie Candelario, deputy director for operations ng Pangasinan Police Provincial Office, sinibak ang 10 pulis habang iniimbestigahan ang kanilang officer-in-charge na si Supt. Benjamin Ariola bunsod sa …

Read More »