Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / News (page 585)

Category Archives: News

Feed Subscription

Parking attendant itinumba sa Binondo

PATAY ang isang parking attendant nang barilin sa nakaparadang tricycle habang umiinom ng kape sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga. Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Albert Monteroso, 31, ng Gate 46, Parola Compound, Binondo habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Joed Zapues, ng Area C, Parola Compound sa nasabi ring lugar. Sa ... Read More »

No shoot-to-kill order vs Misuari

HINDI pabor ang Malacañang sa shoot-to-kill order laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) leader Nur Misuari, kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad kaugnay sa paglusob sa Zamboanga City. “We do not certainly abide by the shoot on sight or ‘yung shoot-to-kill order. So I will leave the rest [of the plans] to the [Philippine National Police] on the ground,” pahayag ... Read More »

Landslide, baha tumama sa Negros Oriental

PINAIGTING pa ng pamahalaang panlalawigan ng Negros Oriental ang ginagawang search-and-rescue ope-rations sa mga residente na sinalanta ng matinding pagbaha, dulot nang mahigit 12-oras na buhos ng ulan. Inihayag ni provincial police officer-in-charge, Supt. Alet Virtucio, 13 barangay sa Bayawan City ang lubog sa hanggang beywang na tubig-baha. Umapaw na rin aniya ang tubig mula sa dalawang malalaking ilog sa ... Read More »

7 menor de edad nasagip sa 2 bugaw

NASAGIP ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignments (MASA) ang pitong kabataang babae habang dalawang bugaw ang naaresto kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila. Ayon kay  Chief Insp. Bernabe  Irinco, Jr., hepe ng MASA, ang pitong dalagita, edad 14 hanggang 15-anyos ay dinala sa Manila Youth and Rehabilitation Center habang ang dalawang bugaw na kinilalang sina Marinel ... Read More »

Iniwan ng partner kelot nagbigti

BUNSOD ng pangu-ngulila matapos iwanan ng kanyang live-in partner, nagbigti ang isang 35-anyos lalaki kamaka-lawa sa Quiapo, Maynila. Kinilala ni PO3 Marlon A. San Pedro ang biktimang si Melchor Lim, miyembro ng Sputnik Gang at naninirahan sa #111 Duecos St., Quiapo. Ayon kay PO3 San Pedro ng Manila Police District Homicide Section, dakong 2:30 p.m. nang magpakamatay ang biktima sa ... Read More »

3 bagets nilamon ng Laguna Lake

TATLONG kabataan ang nalunod nang maligo sa Laguna Lake nitong Sabado. Kinilala ang mga biktimang sina Regelyn Policarpio, 11; John Patricio, 13; at Abigail Babon, 14. Ayon sa salaysay ng biktimang nakaligtas na si Mary Grace Dublon, nagkayayaan silang magkakaibigan na maligo sa Laguna Lake nitong Sabado ng umaga. Magkakahawak-kamay kamay sila habang nagkakasayahan sa lawa nang isa sa kanila ... Read More »

Live streaming sa PDAF, Malampaya fund scams oral argument (Supreme Court pabor)

PINAYAGAN na ang live streaming para sa oral arguments hinggil sa kontrobersyal na pagtalakay sa isyu ng Priority Development Assistance (PDAF) at Malampaya Fund. Batay sa isang pahinang resolusyon na may petsang Oktubre 1, 2013 na pirmado ni SC en banc Clerk of Court Atty. Enriqueta Vidal, pinayagan ng Korte Suprema ang live streaming ng debate hinggil sa maanomalyang pork ... Read More »

Ipinakulong na kasambahay ni Napoles pinalaya na

INIUTOS ng Makati court kahapon ang pagpapalaya kay Dominga Cadelina, ang kasambahay ni Janet Napoles na kanyang ipinakulong sa kasong qualified theft. Pinahintulutan ni Judge Carlito Calpatura ng Makati Regional Trial Court Branch 145 ang paglaya ni Cadelina matapos ang halos walong buwan pagkakapiit, makaraan ang mosyon ng Public Attorney’s Office na i-withdraw ang kasong kriminal laban sa kanya. Si ... Read More »

Rebelyon vs Misuari, bahay sinalakay

SINALAKAY ng mga pulis ang bahay ni MNLF founding chairman Nur Misuari sa Brgy. San Roque sa Zamboanga City kahapon ng madaling araw. Nilinaw ni Police Regional Office (PRO9) spokesman, C/Insp. Ariel Huesca na bahagi ng operasyon ng pulisya at militar ang isinagawang pagsalakay sa bahay ni Misuari. Depensa ni Huesca, ang pagtungo ng mga tropa ng gob-yerno sa bahay ... Read More »

Legalidad ng DAP idedepensa ng Palasyo

NAKAHANDA ang Palasyo na ipagtanggol ang legalidad at kawastuhan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa Korte Suprema matapos kwestiyonin ang constitutionality nito ni dating Manila Councilor Gregor Belgica. “We are confident that we can ably defend the position on the creation as well as the use of the Executive of the DAP,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. Sa ... Read More »

Rigodon sa BoC tuloy — Biazon

Posibleng masundan pa ang ipinatupad na balasahan sa hanay ng port collectors ng Bureau of Customs, na pinasimulan ng kagawaran matapos ang nakaraang SONA ni PNoy dahil sa talamak na korupsyon. Ani Customs Commissioner Ruffy Biazon, hindi niya isinasara ang posibilidad ng panibagong rigodon sa kawanihan. Ito ay sa harap na rin ng reporma na nais nilang maipatupad sa BoC ... Read More »

Misis binugbog, sinagasaan ng motor ni mister (Tumangging makipag-sex)

CEBU CITY – Sinampahan ng kaso ng isang misis ang kanyang mister matapos siyang bugbugin at sagasaan ng motorsiklo nang tumangging makipagtalik. Ang mag-asawa na hindi na isinapubliko ang mga pangalan ay nakatira sa Purok Camote, Brgy. Cambaro, Mandaue City, Cebu. Ayon kay PO1 Daezy Pereño ng Women’s and Children Protection Desk ng Mandaue Police Station, pumunta sa kanilang tanggapan ... Read More »

DBM sinugod ng KMU

Sinugod ng mga militanteng grupo ang tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) sa General Solano Street, San Miguel, Maynila. Nagsagawa ng programa ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng tanggapan bilang pagkondena kay Secretary Butch Abad na tinawag ng grupo bilang ‘bagman’ ng pork barrel fund. Ani KMU chair Elmer Labog, mistulang implementor ang kalihim ng Priority ... Read More »

Magpaparak timbog sa omads

SWAK sa bilangguan ang isang criminology  student matapos arestuhin ng guwardiya ng eskuwelahan na pinapasukan dahil sa pagyayabang na may  baon siyang marijuana sa kanyang bag sa Maynila inulat Isinailalim na sa inquest proceedings ang estudyanteng si  Kevin Bruzo 17,  sophomore ng Philippine College of Criminology and Review, ng 542 Tagaytay St., Caloocan City, sa kasong paglabag sa Republic Act ... Read More »

Kelot utas sa 3 bala

TATLONG bala na ibinaon sa kanyang mukha at ulo ang umutas sa buhay ng isang lalaki habang nakikipag-usap sa isang kaibigan sa isang matao at magulong kalye sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga . Kinilala ang biktima na si Antonio Diaz, 24 anyos, walang asawa at walang trabaho, residente sa Block 8-B, Lot 11, Model Community, Tondo. Sa ulat ni ... Read More »

6 bahay naabo sa kalan

ANIM kabahayan ang naabo dahil sa  napabayaang kalan habang nagluluto ng tanghalian ang isang ginang kahapon ng umaga sa Malabon City. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon City, dakong 11:05 ng tanghali kahapon nang masunog ang bahay ng isang Maryjane Reyes, nasa hustong gulang at residente ng S. Pascual Street, Brgy. San Agustin ng lungsod. Unang naiulat ... Read More »

Soltera natakot na buntis, nagbitay

CEBU CITY – Dahil sa takot na siya’y buntis, nagbigti ang 33-anyos babae na taga-Sitio Sumaria, Brgy. Madre dejos, Alegria, Cebu. Ang biktima ay kinilalang si Josephine Lubrino, walang asawa at nakatira sa naturang lugar. Ayon kay SPO1 Renato Abillar, Jr., ng Alegria Police Station, ang biktima ay naiwang mag-isa sa kanilang bahay at sa pagdating ng ama, nakita na ... Read More »

Plunder vs GMA, ex-cabinet, Napoles (Sa P900-M Malampaya gas fund scam)

SINAMPAHAN ng kasong plunder ng Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang miyembro ng gabinete ng dating administrasyon, kabilang ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay ng P900 milyon Malampaya gas fund scam. Kabilang sa sinampahan ng kasong plunder ay sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating ... Read More »

2 patay sa hinoldap na fastfood

Dalawa katao ang napatay matapos magkabarilan nang holdapin ng apat katao ang  kilalang fastfood chain kagabi sa Marikina City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jerico Belarmino, 27, security guard ng  Semper Fidelies Security Agency at residente  ng Zone 8, Purok 1, Cupang, Antipolo City at isang hindi pa kilalang holdaper. Nakatakas ang tatlong holdaper nang iwanan nila ang kanilang ... Read More »

Yuppies, middle class inaasahan sa Ayala Million People March

Handa na ang lahat para sa panibagong bugso ng kilos-protesta kontra pork barrel na gaganapin sa Ayala, Makati City ngayong Biyernes, Oktubre 4. Huwebes, nag-inspeksyon si Makati Police Chief Manuel Lucban kasama si Bayan Secretary General Renato Reyes sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas kaugnay ng Million People March. Ayon sa awtoridad, alas 2:00 pa lang ng ... Read More »

Anak binitbit ni mister tumalon sa tulay (Inaway ni misis)

DAVAO CITY – Makaraang mag-away silang mag-asawa, tumalon sa tulay ng Generoso Bridge Bankerohan sa lungsod ng Davao ang isang lalaki bitbit ang 2-anyos nilang anak. Nagkagulo ang mga residente sa SIR Phase 1, Matina matapos tumalon sa tulay ang isang alyas Ranz kahapon ng madaling araw. Base sa imbestigasyon ng Talomo PNP, nag-away ang mag-asawa na naging dahilan upang ... Read More »

PNoy guilty sa bribery sa DAP — Miriam

NANINIWALA si Sen Miriam Defensor-Santiago na guilty si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa culpable violation ng Konstitusyon at bribery nang payagan ang paglalabas ng pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Ayon kay Santiago, naging RTC judge, maaaring kasuhan ng impeachment ang Pangulo dahil ang pamumudmod ng pondo mula sa DAP ay maituturing na panunuhol sa mga senador kaugnay ... Read More »

US gov’t shutdown ramdam sa PSE

NARAMDAMAN na ng lokal na merkado ang negatibong epekto ng government shutdown sa Amerika. Sa pangatlong araw kahapon ng federal budget stalemate, bumagsak nang mahigit 28 points ang Philippine Stocks Exchange (PSE) index sa 6,333.91 dakong 9 a.m. Ayon sa ilang stocks analysts, ang matamlay na performance ng merkado ay dulot ng kawalan ng “market-moving news” sa overseas markets, partikular ... Read More »

Mag-uutol na Bombay inambus, 1 patay

PATAY ang isang Indian national at sugatan ang kanyang dalawang kapatid nang tamba-ngan ng riding-in-tandem sa Unisan, Quezon. Binawian ng buhay bago idating sa pagamutan ang biktimang si Herjinder Singh, 37. Ginagamot naman ang dalawang kapatid ng biktima na sina Ja-tinder, 27, at Gurpreet, 23, pawang tubong Moga, India, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion 9, Catanauan, Quezon. Nabatid na ... Read More »

Bulacan mayor disqualified sa vote buying

DINISKWALIPIKA ng Commission on Election (Comelec) ang isang alkalde sa lalawigan ng Bulacan dahil sa vote buying noong May 2013 midterm election. Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, diniskwalipika ng Comelec 1st division si Norzagaray Mayor Alfredo Germar. Kasunod ito ng na-ging botohan kahapon sa resulta na 2-1 sa division level ng Comelec. Binigyan-diin ni Tagle na maaari pang iapela ... Read More »

Scroll To Top