Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 58)

Category Archives: News

Feed Subscription

4 bata, 1 pa tigok sa amok (suspek utas sa parak)

SIRAWAI, Zamboanga del Norte – Patay ang apat bata at isang lalaki makaraan pagtatagain ng isang amok na hinihinalang adik, nitong Sabado. Ngunit napatay rin ang 34-anyos suspek makaraan mang-agaw ng baril sa pulis. Ayon sa pulisya, unang inatake ng suspek ang dalawang batang edad 10 at 11 habang naglalaro kasama ang kanilang ama sa isang abandonadong bahay sa Brgy. ... Read More »

2 bagets, 3 pa tiklo sa droga sa Makati

NADAKIP ang limang lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, makaraan maaktohang gumagamit ng ilegal na droga sa isang bahay sa Brgy. Rizal, Makati City nitong Miyerkoles ng gabi. Inihayag ni S/Insp. Valmark Funelas, commander ng Makati Police Community Precinct 10, naamoy ng mga pulis ang marijuana sa labas ng bahay. Ayon sa ulat, nagres-ponde ang mga pulis hinggil sa ... Read More »

Lola, 5 pa arestado sa P1-M shabu

ARESTADO ang limang hinihinalang drug perso-nalities, kabilang ang isang 65-anyos lola sa ikinasang magkahiwalay na drug buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa  ng gabi. Batay sa ulat ni  PO3 Rodney Dela Roma, dakong 10:30 pm nang magsagawa ng buy-bust ope-ration ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD), sa pamumuno ni PSI Cecilio Tomas ... Read More »

13-anyos, nanay, 2 pa tiklo sa buy-bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga elemento ng Minalin Police Anti-Illegal Drug Operation Unit at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3) ang isang 13-anyos drug runner, habang nadakip ang kanyang ina at dalawang drug user sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Minalin, kamakalawa. Ayon sa ulat  ni C/Insp. Pearl Joy C. Gollayan, hepe ... Read More »

4 Chinese nat’l, 4 Pinoy tiklo sa shabu lab

APAT Chinese national chemist at apat Filipino ang arestado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na pagsalakay sa pagawaan ng shabu at ecstasy sa isang farm sa Brgy. Sto. Niño, Ibaan, Batangas kahapon. Sa ulat kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang dayuhan ay sina Tian Baoquan at Guo Zixing, kapwa ng Jianjiang, Fujian, ... Read More »

Misis, anak, 1 pa patay sa trike vs SUV (Kamamatay ng mister sa ospital)

BACOLOD CITY, Neg-ros Occidental – Binawian ng buhay ang tatlong miyembro ng pamilya habang apat ang sugatan nang magsalpukan ang tricycle at SUV sa siyudad na ito, nitong Huwebes ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na sina Erlinda Villar, anak niyang si Melinda Tesoro, at kamag-anak na si Rodelyn Nacis. Habang sugatan sina Elvis Villar, Geralyn Villar, Merlinda Barcenas, at ... Read More »

P3-M ari-arian natupok sa Pasig

AABOT sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang natupok sa isang warehouse sa Brgy. Buting, Pasig City. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Pasig City, sumiklab ang sunog sa naturang warehouse dakong 9:20 pm nitong Miyerkoles. Salaysay ng ilang trabahador ng kalapit na warehouse, may narinig silang pagsabog bago nakitang mag-apoy ito. Umabot sa ikalawang alarma ang ... Read More »

3-anyos nene patay sa sunog (Sa Lapu-Lapu City, Cebu)

PATAY ang isang 3-anyos nene sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Lapu-Lapu City sa Cebu, nitong Miyer­koles. Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Mary Julianne Castillano, 3-anyos. Napag-alaman, sumiklab ang sunog nitong Miyerkoles ng hapon habang nagpapahinga ang mga batang Castillano at ang kanilang lola. Wala sa kanilang bahay sa mga oras na iyon ang ... Read More »

Labor attache sa HK nanatili sa puwesto

INIANUNSIYO ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa harap ng libo-libong Filipino sa Hong Kong, hindi muna aalisin ang labor attache na si Jalilo de la Torre. Inimbita si Go ng mga kababayan natin sa HK at nagpasalamat sa kanyang pagiging matapat na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng mahabang panahon. Katulad ng kanyang sinasabi ... Read More »

Bong Go, et al inendoso ni Digong para senador (Sa Filipino community sa HK)

HINDI na napigilan ang endoso ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kaniyang trusted aide na si Special Asistant to the President (SAP) Bong Go para sa Senado sa 2019 elections. Sa pagharap ng pangulo sa tinatayang 2,000 overseas Filipino workers (OFWs) Hong Kong kagabi, ipinakilala niya si Secreatry Go bilang ‘paborito’ niyang senador. Positibo ang naging pagtanggap ng mga Filipino ... Read More »

SALN sa SC oral argument dikdikan at mainit

BAGUIO CITY – Sa pagsisimula ng oral argument para sa quo warranto laban kay on leave Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, nagkainitan at nagbangayan ang akusado at si Associate Justice Teresita Leonardo de Castro. Nagkainitan makaraang hindi sinagot ni Sereno ang katanungan sa kanya ni De Castro. Itinanong ni De Castro kay Sereno kung nakapagsumite siya ng kanyang Statement of Assets ... Read More »

Japanese nasagip, 3 kidnaper arestado sa Bulacan

NASAGIP ng mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police, ang isang Japanese national sa Bulacan at arestado ang tatlong kidnapper, kabilang ang isang puganteng kababayan ng biktima. Sinabi ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang Japanese na si Yuji Nakajima ay nasagip kasama ng isang Verhel Lumague, noong 5 Abril dakong 3:00 pm sa Plaridel, ... Read More »

5 kidnaper, lady cop patay sa rescue ops sa Laguna (3 pulis, sibilyan sugatan)

PATAY ang limang hinihinalang kidnaper sa isinagawang rescue operation ng mga awtoridad sa Laguna, nitong Martes ng umaga. Namatay rin sa insidente ang isang babaeng pulis at sugatan ang tatlo niyang kasamahan, at isang sibilyan. Inihayag ng pulisya, nasagip sa operasyon ang negosyanteng si Ronaldo Arguelles, na dinukot umano ng mga suspek sa Candelaria, Quezon noong Lunes ng gabi. Napag-alaman, ... Read More »

2 patay, 6 sugatan sa bumagsak na crane sa Pasay

PATAY ang dalawa katao habang anim ang sugatan, kabilang ang isang Chinese national, makaraan bumagsak ang isang crane mula sa ika-siyam palapag ng ginagawang gusali ng STI A-cademic Center sa EDSA, Pasay City, kahapon ng hapon. Nalagutan ng hininga bago idating sa San Juan De Dios Hospital ang isa sa mga biktimang si Jonathan Disredo, 33, crane operator ng Monocrete ... Read More »

Leni sinopla ni Imee (Sablay ang speech sa London)

“HELLO nasa earth ka ba?” Reaksiyon ito ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa tinawag niyang sablay na speech at mali-maling datos na inihayag ni vice president Leni Robredo sa London School of Economics. Sinabi ni Robredo sa kanyang speech nitong Biyernes sa nasabing paaralan sa London na maraming lugar sa bansa ang nasa talaan ng top 20 poorest provinces ... Read More »

Filipino dream ipinagmalaki ni Digong sa Boao Forum

KUNG may American Dream noon, mayroong Filipino Dream ngayon sa ilalim ng Duterte administration. Sa kanyang mensahe sa pagbukas ng Boao Forum for Asia sa Hainan, China, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Asian leaders at business leaders, unti-unti nang nakakamit ang Filipino Dream. “For far too long, the Philippines has nurtured the dream of a comfortable life ... Read More »

Duterte, ipinakilala sa int’l community si Inday Sara

MAGIGING regular na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international events ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Sa kauna-unahang pagkakataon ay kasama sa official delegation ni Pangulong Duterte sa international engagement ang anak  na si Sara. Sa ipinadalang mga retrato sa Malacañang Press Corps,  makikitang kasama ng Pangulo sa Boao Forum for Asia si Sara, na ayon ... Read More »

Distressed OFW, inang senior citizen patay sa Caloocan fire

PATAY ang isang distressed overseas Filipino worker (OFW) at ang kanyang inang senior citizen sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Tala, Caloocan City, nitong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, hindi na nakilala ang labi ng biktimang si Herminda Carbonel, 74-anyos, at ang kanyang anak na si Banjo, 51-anyos. Si Banjo ay isang dating OFW sa Dubai na ... Read More »

OFWs sa Kuwait hinikayat ng OWWA mag-apply sa amnesty

HINIKAYAT ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga manggagawang Filipino sa Kuwait na nais nang umuwi na kumuha ng amnesty program ng nasabing bansa bago sumapit ang 12 Abril. “‘Wag na pong mag-atubili at mag-apply na po para maka-avail na po ng amnestiya,” pahayag ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac sa ulat. Bagaman sa 12 Abril ang deadline sa ... Read More »

Albayalde bagong PNP chief (Kapalit ni Gen. Bato)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, na si PNP-National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde ang papalit kay Director General Ronald “Bato” dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police. “May bago tayong chief PC. I’m going to announce it now, it’s Albayalde,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa GAWAD SAKA 2017 at Malinis at Masaganang Karagatan 2017. Ang ... Read More »

Aguirre out Guevarra in (Sa Justice department)

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Vitaliano Aguirre II bilang justice secretary. “But may I just also tell you now that I conferred with the officials. I accepted the resignation of Vit Aguirre, my fraternity brother, as Secretary of Justice. I am now looking for a replacement,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa Gawad Saka 2017 sa Palasyo ... Read More »

Bora isinara (Sa loob ng 6 buwan)

boracay close

ANIM na buwan sarado ang Boracay Island simula ngayong 26 Abril. Ito ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte batay sa rekomendadyon ng  inter-agency task force na kinabibilangan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT). Ang ulat ay batay sa inisyal na impormasyon ni Presidential ... Read More »

Sa NAIA: 83-anyos lola nadaganan ng pamilyang nag-selfie

selfie groupie grandma falling

ISINUGOD ang isang babaeng senior citizen sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City nang matumba at masaktan makaraang maatrasan ng isang pamilyang nag-paretrato sa paraang ‘selfie’ sa departure waiting area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon ng tanghali. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), itinakbo sa ospital si Juliana Lipan, 83 anyos, residente sa ... Read More »

Utos ni Duterte deadma sa NFA

Duterte Evasco NFA rice National Food Authority

INAMIN ni Evasco, hindi sinusunod ng NFA ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paglalabas ng pahayag kaugnay sa isyu ng bigas na magdudulot ng pangamba sa publiko. Ani Evasco, maraming kontra-mamamayang panukala ang NFA na ibinasura ng Council. Paliwanag ni Evasco, kailangan bigyan proteksiyon ng Council ang interes ng gobyerno, at ang sapat na supply ng bigas ... Read More »

NFA chief ‘delikadong’ masibak (4-M sako ng bigas ibenenta)

NAKASALALAY ang kapalaran ni National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino sa resulta ng special audit sa kuwestiyonableng pagbebenta ng apat milyong sako ng bigas ng ahensiya mula Oktubre 2017 hanggang Enero 2018. “NFA should be audited regarding the release of NFA rice assuming to the market. Because from what we have gotten – from the reports of NFA – ... Read More »

Scroll To Top