Thursday , April 18 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 530)

Category Archives: News

Feed Subscription

SC no comment sa P50-M retirement claim ni Corona

DUMISTANSYA ang Supreme Court (SC) sa P50 million retirement claim ni dating Chief Justice Renato Corona. Ayon kay Atty. Theodore Te, ng SC Public Information Office, hindi nagpalabas ng pahayag ang Kataas-taasang Hukuman kaugnay sa nasabing usapin. Kung mayroong kaso, magsasalita ang hukuman sa pamamagitan ng ipinalalabas na desisyon. Una rito, itinanggi ni Corona ang ulat hinggil sa P50-million retirement ... Read More »

Pinoys ligtas sa gitna ng Thai unrest

NAKATUTOK ang gobyerno sa bansang Thailand sa gitna nang nangyayaring political unrest sa naturang rehiyon. Tiniyak ng Malacañang na mayroong nakahandang contingency plan ang pamahalaan sakaling lumala ang sitwasyon. Ngunit sa ngayon, sinabi ni Presidential Communications Operation Office Sec. Sonny Coloma, walang dapat ikabahala ang mga Filipino na nakabase roon at kanilang mga pamilya rito sa Filipinas.  Ayon sa kalihim, ... Read More »

Maguindanao vice mayor nakalusot sa ambush

KORONADAL CITY- Nakaligtas sa ambush ang bise alkalde ng South Upi, Maguindanao na si Vice Mayor Remegio Sioson. Samantala, sugatan naman ang driver niyang si Mario Erese, 45. Ayon sa report, pauwi na si Sioson kasama ang military escort galing sa birthday party sa Cotabato City nang mangyari ang insidente sa Brgy. Kabukay na border ng North Upi at Datu ... Read More »

1 patay 13 sugatan (Jeep nag-dive sa creek)

PATAY ang isang  dalaga habang labintatlong pasahero ang malubhang nasugatan nang mahulog sa isang malalim na creek ang sinasakyang pampasaherong jeep Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Dead on arrival sa Commonwealth Hospital ang  biktimang kinilalang si Sylvia Comendador, sanhi ng sugat sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang 13 iba pa ang ginagamot sa magkakaibang hospital. ... Read More »

Fast and Furious star patay sa Yolanda (Charity event pupuntahan)

LOS ANGELES —  Kinompirma ng kampo ni “The Fast and the Furious” star Paul Walker ang pagkamatay ng aktor dahil sa “tragic car accident” habang papadalo sa isang charity event para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa bansa. Ayon sa ulat, nangyari ang aksidente sa Santa Clarita, Los Angeles. Habang lulan si Walker ng Porsche sports car nang ... Read More »

Jeepney drivers tigil-pasada sa Maynila (Dahil sa abusadong pulis trapiko)

INAASAHANG apektado ang pagbibiyahe  ng libo-libong pasahero dulot ng itinakdang tigil-pasada ng mga   jeepney driver ngayong araw sa Lungsod ng Maynila. Ayon kay Zenaida Maranan, Ka Zeny, national president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), kasama nila sa strike ngayong Lunes, ang Philippine Confederation of Drivers and Operators-Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO) na ... Read More »

P20-M tanso ‘mitsa ng buhay’ ng 3 kelot sa container van

MASUSING imbestigasyon ang isasagawa ng Taguig police sa utos ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Erwin Villacorte, kaugnay sa pagpatay sa driver at dalawang pahinante ng isang trucking firm noong Biyernes ng gabi sa Taguig City. Inimbitahan din nina SPO1 Darwin Allas at PO3 Ricky Ramos ng Homicide Section ng Taguig police, ang security guard na si  Joerico ... Read More »

Nepomuceno sasabak na sa trabaho sa Customs

Pormal nang uupo ngayong araw (Lunes) bilang bagong deputy commissioner ng Enforcement Group (EG) ng Bureau of Customs (BoC) si dating Office of Civil Defense (OCD) director at executive officer Ariel Nepomuceno. Nabatid na ang pagkakatalaga kay Nepomuceno sa kanyang bagong posisyon ay bahagi ng reform measures na mismong si Customs Commissioner Rozzano “Ruffy” Biazon ang nangunguna sa pagpapatupad ayon ... Read More »

Bukidnon mayor itinuro sa pinatay na komentarista

INIUUGNAY ang alkalde ng Valencia City, Bukidnon sa pagpatay sa isang radio commentator na tinadtad ng bala ng anim na suspek nitong Biyernes ng gabi. Si Valencia City Mayor Jose Galarion ay idinawit ni Vilma Camarillas sa pagpatay sa live-in partner niyang si Joas Dignos, radio commentator sa dxGT Abante Radio. Naniniwala si Camarillas na may kinalaman sa trabaho bilang ... Read More »

Kasosyo pinatay Pinoy kulong 15 taon sa Dubai

LABINGLIMANG taon pagkakulong ang hatol na parusa ng  United Arab Emirates Court sa isang Pinoy trader matapos mapatay sa saksak at inihulog pa sa bintana ang kanyang Pinay business partner noong nakaraang taon, buwan ng Agosto. Hinatulan ng Dubai Court of First Instance ang 49-anyos na Pinoy na itinago sa pangalang Alex, dahil sa pagpatay sa 50-anyos kasosyo na kinilalang ... Read More »

2 bagets timbog sa deodorant

HULI sa closed circuit television (cctv) ang pang-uumit ng dalawang kelot ng deodorant na  umiiwas  maakusahang may putok, sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kulong ang mga suspek na kinilalang sina John  Peralta, 16-anyos, ng Milagrosa Street, at Rucy Alforte,  18, ng Ipil Alley, kapwa ng Bagong Barrio, ng lungsod na nahaharap sa kasong pagnanakaw. Batay sa ulat, dakong 3:40 ... Read More »

Bohol muling nilindol

MULING nakaranas ang mga residente ng Bohol ng pagyanig dakong 8:45 p.m. kamakalawa. Ayon sa Phivolcs, nasa 3.6 magnitude ang lindol ngunit tatlong kilometro lamang ang lalim ng lupang gumalaw kaya ramdam ito sa Catigbian at Maribojoc sa Bohol. Nakaramdam din nang malakas na pagyanig ang mga residente mula sa mga bayan ng San Isidro, Tubigon, Calape, Balilihan, Loon Antequera ... Read More »

Soc Villegas bagong CBCP prexy

PORMAL nang naupo kahapon si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas bilang bagong pangulo ng maimpluwensyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). Sa ginanap na plenary assembly ng  CBCP sa Pius XII Center noong Hulyo, hinirang si Villegas bilang kahalili ni Cebu Archbishop Jose Palma, matapos tumanggi ang huli na i-re-elect. Ang arsobispo ng Lingayen-Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan ay nagsilbi ... Read More »

Assets ni Gigi, 3 pa may freeze order na

NAGPALABAS na ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa bank accounts ng mga dating congressman at staff ng mga senador na sangkot sa multi-million pork barrel scam. Sa 43-pahinang kautusan na isinulat ni CA Associate Justice Manuel Barrios, magiging epektibo ang freeze order sa loob ng tatlong buwan o 90 araw. Kabilang sa may freeze order sa bank ... Read More »

Pinay kulong sa 3 kilong Shabu sa Malaysia

UMAASA ang kaanak ng Filipina worker sa Malaysia na maliligtas sa parusang kamatayan ang kanilang mahal sa buhay. Ito’y kasunod ng pagkakaaresto sa overseas Filipino worker (OFW) matapos makompiskahan ng tatlong kilo ng shabu. Ayon kay Annalyn Caniete, tumawag sa kanya ang kapatid upang aminin na siya ay nakakulong. Gayonman, idiniing na-set-up lamang ang Pinay OFW ng mga kaibigan. Hindi ... Read More »

Sa BIR magpaliwanag (PNoy kay Pacman)

IGINIIT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi hina-harass ng administrasyon si boxing champion Manny Pacquiao kaugnay sa kinakaharap na kaso sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Sinabi ni Pangulong Aquino na walang dahilan para gipitin nila ang Pinoy ring icon at ginagawa lamang ng BIR ang trabaho sa pagbubuwis. Ayon kay Pangulong Aquino, kung tama ang ginawa ni ... Read More »

Tax evasion vs Malampaya contractor inihain ng BIR

IPINAGHARAP ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang isang contractor ng Malampaya Infrastructure Projects. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, partikular na ipinagharap ng reklamong paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997, si Bella Tiotangco, may-ari ng BCT Trading and Construction na nakabase sa Sitio Digiboy, Guadalupe, ... Read More »

Project sales consultant timbog sa nakaw na relief goods

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang project sales consultant na sinasabing nagtangkang tumangay ng relief goods habang nagpapanggap na sundalo sa Villamor Air Base kamakalawa ng hapon sa Pasay City. Si Dexter Basilio, 35, ng Phase 1, Block 1, Lot 9, Sunshine Homes, Brgy. De Castro GMA, Cavite, ay nakasuot pa ng uniporme ng sundalo dakong 1 p.m. nang arestuhin ... Read More »

6 assault rifles kinompiska ng BoC

ISA-ISANG iniinspeksyon nina Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon, ESS Operation Chief Regie Tuazon at NAIA District Commander Spas Marlon Almeda ang iba’t ibang klase ng matataas na baril at bala na inabandona sa kanilang kustodiya sa NAIA Airport Pier Cargo, mula pa noong Pebrero 9, 2012. (BONG SON) SINAMSAM ng Bureau of Customs (BoC) sa isang wareshouse ang anim ... Read More »

No. 1 drug dealer sa Pangasinan utas sa shootout

DAGUPAN CITY – Patay ang itinuturong No. 1 drug dealer sa lalawigan ng Pangasinan makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis. Kinilala ang napatay na suspek na si Elias Sultan, habang naaresto naman ang kasama niyang si Benito Monse. Sinasabing nanlaban ang suspek nang arestuhin kaya’t napilitan ang mga awtoridad na siya ay paputukan. Tinangka ng suspek na maghagis ng ... Read More »

Motorsiklo ipinatubos 2 karnaper arestado

ARESTADO ang dalawang suspek sa carnapping makaraang ipatubos ang motorsiklo na kanilang ninakaw mula sa kaibigan sa Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joey Boy Colangoy, 29, ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria at Gener Santos, 34, ng Brgy. Caingin, Bocaue, kapwa sa nabanggit na lalawigan. Sa ulat ng pulisya, angkas ng biktimang ... Read More »

P2-M shabu narekober ng PDEA sa Iloilo

ILOILO CITY – Tinatayang P2 milyon halaga ng shabu ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Trapiche, Oton, Iloilo kamakalawa ng gabi. Nadakip sa operasyon ang mga suspek na sina Orestes Estrebor, 39, at Christian Morin, 18, kapwa residente ng Poblacion, Oton. Ayon kay PDEA-6 Director Paul Ledesma, isang informant ang ... Read More »

Trailer truck hinaydyak ng driver, pahinante

NAKITANG abandonado ang isang trailer truck at wala na ang tinatayang daan libong ha-laga ng sigarilyo matapos i-hijack ng sariling driver at pahinante sa Caloocan City kahapon ng umaga. Kasalukuyang pinaghahanap ang driver ng truck na kinilalang si Jesel Bernalis at ang hindi pa nakikilalang pahinante. Batay sa ulat ni SPO1 Marlon Adriano, dakong 5:30 a.m. nang matagpuan ang abandonadong ... Read More »

Mighty target ng BIR at BoC ( Guilty sa US court )

TARGET ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC) ang Mighty Tobacco Corporation kung sangkot sa smuggling at posibleng tax evasion matapos mapatunayang guilty sa kasong “acts of unfair competition” na isinampa laban sa kompanya sa Estados Unidos. Pinagbasehan din ng pag-iimbestiga laban sa Mighty ang multang US$21 milyon o P 918 milyon na ipinataw ... Read More »

Retirado nagbaril sa ulo

NAGPAKAMATY ang isang retiradong kawani gamit ang isang baril sa hindi pa malamang dahilan sa Paranaque City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Parañaque police chief Senior Supt. Ariel Andrade ang biktimang si Benjamin Manzano, 53,  ng 102 Tirona St., BF Homes sanhi ng isang tama ng bala sa ulo. Sa ulat ng pulisya, dakong 5:30 ng hapon natagpuan ang bangkay ... Read More »

Scroll To Top