Friday , April 26 2024

News

Tutol sa RCEP
IMEE UMIWAS PANGALANAN NASA LIKOD NG RATIPIKASYON

Imee Marcos RCEP

NANINIWALA si Senadora Imee Marcos na mayroong puwersa na nag-uudyok upang madaliin ang pagratipika ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ngunit tumangging pangalanan. Ayon kay Marcos, bilang isang super ate at kapatid ng Pangulo ay hindi niya sinusuportahan ang pagsusulong sa RCEP. Sa kabila na ito’y isa sa mga prayoridad ng adminitrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., nakababata at nag-iisang …

Read More »

Ex-con, balik-selda sa P7.1-M shabu

shabu drug arrest

BALIK-HOYO ang isang ex-convict na nahulihan ng mahigit sa P7.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City, Lunes ng gabi. Ang suspek ay kinilalang si Ian Torres, 37, konduktor ng bus, at residente sa Dominga St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City. Si Torres ay itinuturing na Rank No. 2 District Drug Personality Priority Target …

Read More »

UTAK, ARESTADO NA
Ombudsman lady employee, pinatira ng kapwa empleyado

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang mastermind sa pamamaril sa babaeng Ombudsman employee nang ‘ikinanta’ ng naarestong gunman nitong Lunes ng gabi sa Quezon City. Kinilala ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III ang inarestong si Dexter Cruz y Alambat, 45 anyos, empleyado rin ng Office of the Ombudsman, residente sa Block 14, Lot 7, Central Avenue, Brgy. …

Read More »

25k traditional jeepneys, tuloy sa pamamasada

jeepney

TULOY ang biyahe ng may 25,000 traditional jeepneys sa Metro Manila, base sa pasya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes na palawigin pa ang kanilang prankisa. Ang desisyon na palawigin ang mga prankisa ay napagkasunduan sa pagpupulong ng mga opisyal ng LTFRB para maiwasan ang posibleng kakapusan ng mga jeepney sa National Capital Region (NCR). Ito …

Read More »

FM Jr., sa Pinoys:
MAGBAYAD NG BUWIS SA ORAS
CARMMA: Pamilya Marcos singilin

Bongbong Marcos BBM

KUNG NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa mga Filipino na magbayad ng buwis sa tamang oras upang matulungan ang bansa sa pagbangon ng ekonomiya, sinabi ng anti-martial law group na dapat habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pamilya Marcos, na napatunayang tax evader ng Korte Suprema. “I encourage the public to pay the correct amount of …

Read More »

Minahan ng apog sa Danao, Cebu gumuho
PASTOLERA NG BABOY NATABUNAN, PATAY

PATAY ang isang 46-anyos babaeng nagpapastol ng mga alagang baboy nang gumuho ang minahan ng apog sa Brgy. Sabang, sa lungsod ng Danao, lalawigan ng Cebu nitong Biyernes, 3 Pebrero. Kinilala ang biktimang si Mejame Iway Papaya, 46 anyos. Ayon sa public information office ng lungsod, naiulat na nawawala ang biktima noong Biyernes ng hapon matapos gumuho ang minahan habang …

Read More »

Natagpuan sa landfill
BABY BOY IKINAHON SA STYROBOX

baby old hand

WALA nang buhay nang matagpuan ng isang scavenger ang isang bagong silang na sanggol na nakasilid sa isang styrobox sa isang sanitary landfill sa lungsod ng Lucena, lalawigan ng Quezon, nitong Biyernes, 3 Pebrero. Nabatid na nadiskubre ni Alvin Bongot, isang scavenger, ang sanggol at iniulat ito sa sanitary landfill manager na si Ulpiano Fedencio Tabernilla na siyang nakipag-ugnayan sa …

Read More »

Sa marahas na police dispersal sa Sibuyan
2 KALAHOK SA HUMAN BARRICADE VS ILLEGAL MINING SUGATAN

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil 2

SUGATAN ang dalawang lumahok sa barikada kontra ilegal na pagmimina na binuo ng mga residente ng isla ng Sibuyan, sa lalawigan ng Romblon, nang sila’y buwagin ng mga awtoridad nitong Biyernes, 3 Pebrero. Ayon sa grupong makakalikasan na Alyansa Tigil Mina (ATM), bumuo ang mga residente ng isla ng human barricade upang labanan ang ilegal na operasyon ng pagmimina ng …

Read More »

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

MATAPOS magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at mga residente ng Isla ng Sibuyan na nagpoprotesta laban sa ilegal na pagmimina, sinabi ng Alyansa Tigil Mina (ATM), ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Altai Philippines Mining Company na pansamantalang itigil ang kanilang operasyon. Ayon sa grupo, nagkaroon ng dialogo ang mga residente ng Sibuyan, …

Read More »

11 pasaway sa Bulacan nalambat

Bulacan Police PNP

MAGKAKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na pawang may paglabag sa batas sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 4 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, unang nadakip ang walong personalidad sa droga na kinilalang sina Esmeraldo Balili, alyas Tatay, Melvin Ablaza, Querubin …

Read More »

Sa kanyang ika-96 kaarawan
GAT BLAS F. OPLE MULING GINUNITA SA MGA MENSAHENG TAGOS MULA SA PUSO

Bulacan Blas Ople Daniel Fernando Alexis Castro Toots Ople

“HUWAG mahalin ang posisyon kundi ang tao, at laging mahalin ang bansa bago ang sarili.” Isa ito sa mga mensaheng tagos mula sa puso  ni Gat Bals F. Ople na ibinahagi ng kanyang anak na si    Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Maria Susana “Toots” Ople, sa paggunita sa ika-96 anibersaryo ng kapanganakan ng kanyang yumaong ama, ang Ama ng …

Read More »

Alay sa mga Bulakenyo
JOB FAIR, MEDICAL MISSION IDINAOS BILANG PARANGAL SA ARAW NI GAT BLAS OPLE

Bulacan Blas Ople Job

BILANG bahagi ng pagpupugay sa ika-96 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Blas F. Ople, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Job Fair (Local and Overseas Employment) at Department of Migrant Workers – PGB Medical Mission sa pakikipagtulungan ng Damayan sa Barangay na isinagawa sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan …

Read More »

Rank 8 most wanted person ng Nueva Ecija, huli sa Vale

Arrest Posas Handcuff

NAGWAKAS ang pagtatago sa batas ng isang lalakingnakalistang rank no. 8 most wanted person (MWP) sa Central Luzon matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Cpt. Ronald Sanchez, hepe ng Valenzuela City Police Station Intelligence Section (SIS) ang naarestong akusadong si Celestino Collantes, Jr., 51 anyos, residente sa Diam St., Barangay Gen. T. De …

Read More »

Parokyano huli rin
2 BEBOT NA TULAK TIMBOG SA PARAK

shabu drug arrest

SWAK sa kulungan ang dalawang babaeng tulak ng ilegal na droga, kasama ang kanilang parokyano sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Amante Daro ang mga suspek na sina Imelda Ilagan, alyas Dang, 30 anyos; Jennifer Tolentino, alyas Jenny, 40 anyos; kapwa ng Brgy. 4, Caloocan City; …

Read More »

28-M SIM cards rehistrado na — DICT

Sim Cards

KINOMPIRMA ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na hanggang nitong 5 Pebrero 2023, ay nasa 28 milyong Subscriber Identity Module (SIM) cards na ang nakarehistro sa bansa, sa ilalim ng SIM Card Registration Act. “So far, as of today (5 February), may 28 million nang nakarehistro,” ayon kay Uy. Aniya, mayroong 150 milyong SIM …

Read More »

Mental health offices sa SUCs mungkahi ng mambabatas

Mental Health

BUNSOD ng pagtaas ng kaso ng mental health issues sa mga mag-aaral na Filipino, itinutulak ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagkakaroon ng mental health offices (MHOs) sa mga kampus ng lahat ng state universities and colleges (SUC). “Maraming pag-aaral ang lumabas ukol sa lumalalang problema sa estado ng mental health ng ating mga kabataan sa ngayon. Hindi natin ito …

Read More »

Kapalaran ng MIC-MIF nasa ng economic managers ni Marcos

Money Bagman

IGINIIT ni Senador Francis “Chiz” Escudero, nasa kamay ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magiging kapalaran ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) at Maharlika Investment Corporation (MIC), wala sa senado. Ayon kay Escudero ang totoong may hawak ng bola sa naturang panukala ay ang economic managers at wala nang iba pa. Aniya, sila ang dapat makasagot at …

Read More »

Nang-agaw ng baril sa estasyon,
KAWATAN TIGBAK SA PARAK

dead gun

NAPASLANG ng mga awtoridad ang naarestong hinihinalang kawatan na nanloob sa isang bakery, nang mang-agaw ng baril ng pulis habang isinasailalim sa booking procedure sa loob ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ng Quezon City Police District (QCPD), Linggo ng umaga. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang napatay na suspek na si Jose Lemery Palmares, Jr., …

Read More »

Sa ika-9 na Kongreso
KRISIS LABANAN, PAMBANSANG KALIGTASAN ISULONG — BMP

Bukluran ng Manggagawang Pilipino BMP

MAHIGIT 200 delegado mula sa buong kapuluan ang nagtipon sa Baguio City noong 28-29 Enero para sa ika-9 na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Ang BMP ay kasalukuyang pinamumunuan nina Ka Leody de Guzman at Atty. Luke Espiritu. Sa darating sa tatlong taon, layon ng samahan na labanan ang mga krisis sa kabuhayan, kalusugan, klima, at karapatan. Naghalal …

Read More »

P18-B Solar Power Project sa Isabela, OK kay FM Jr.

P18-B Isabela Solar Power Project

MALUGOD na tinanggap ni Pangulong R. Ferdinand Marcos, Jr., ang P18-bilyong Isabela Solar Power Project, na nakikitang magpapalakas sa renewable energy ng administrasyon gayondin sa paglikha ng mga lokal na trabaho. Ipinabatid ng pangunahing tagapagpatupad ng proyekto, ang San Ignacio Energy Resources Development Corp. (SIERDC), kay FM Jr. sa Malacañang, kamakalawa. Ang SIERDC ay bahagi ng Nextnorth Energy Group, na …

Read More »

Sta. Maria Magnificent Eagles Club on the go

Sta Maria Magnificent Eagles Club on the go

NAGSAGAWA ng feeding program ang Sta. Maria Magnificent Eagles Club na pinamumunuan ni Eagle Solomon “Sol” Jover na siyang charter president, para sa mga kabataan ng Sta Maria, Bulacan.  Kasama ni President Sol Jover ang kanyang maybahay na si Lorie Jover, vice-president na si Mike Miranda, board of director na si Francis Soriano, at magigiting na miyembro na walang sawang umagapay …

Read More »

Ugnayan sa destinasyon ng overseas workers palalakasin ni Marcos

Bongbong Marcos OFW DMW

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na palalakasin ang ugnayan sa mga bansang nagsisilbing host ng overseas Filipino workers (OFWs). Upang kilalanin ang kanilang mga kontribusyon sa bansa, sinabi ni FM Jr., poprotektahan at isusulong ng pambansang pamahalaan ang kapakanan at kagalingan ng OFWs at kanilang pamilya. “Ang tanging maisusukli ko sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan …

Read More »

Mental health crisis sa eskuwela lalala sa mandatory ROTC

020623 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) laban sa epekto ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), lalo sa mental health ng mga estudyante. “Mandatory ROTC will worsen the mental health crisis in schools,” sabi ni NUSP National President Jandeil Roperos sa isang kalatas kahapon. Nakaaalarma aniya ang “long-running mental health crisis” sa mga …

Read More »