Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 508)

Category Archives: News

Feed Subscription

16 preso nakapuga sa Calbayog

TACLOBAN CITY – Patuloy ang puspusang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa Calbayog City makaraan makatakas mula sa Calbayog City Jail (CCJ) ang 16 bilanggo dakong 9:45 a.m. kahapon. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng bible study ang mga bilanggo sa piitan nang makatakas ang 16 preso tangay ang inagaw na mga baril na kinabibilangan ng dalawang M16 armalite rifle, ... Read More »

5 patay sa 8.2 lindol sa Chile

Lima ang patay sa pagtama ng magnitude 8.2 lindol, na sinundan ng tsunami sa Chile, iniulat kahapon. Sa pahayag ni Interior Minister Rodrigo Penailillo, apat na lalaki at isang babae ang namatay. Dalawa sa mga namatay ay inatake sa puso at  tatlo ang natabunan. Ayon sa US Geological Survey, naitala ang lindol sa layong 95 kilometro hilagang kanluran mula sa ... Read More »

Entertainment editor na utol ng Pasay VM binantaan ng abogado

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang kapatid  ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre, para ipa-blotter ang natanggap na pagbabanta sa buhay ng kanilang buong pamilya. Sa pahayag kay SPO1 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, sinabi ni Ruben  Pesebre y Roldan, nasa hustong gulang,  Engineer, ng 72 Almazor St., Nichols, tinawagan siya ... Read More »

Aso ‘sinaniban’ nangagat ng 7 katao

BACOLOD CITY – Pinaniniwalaan sinaniban ng masamang espirito at hindi naulol ang isang aso makaraan sunod-sunod kagatin ang pito katao sa lungsod ng Bacolod, kahapon ng madaling araw. Umatake ang aso dakong 2 a.m. sa Brgy. 2 at 6 sa lungsod ng Bacolod at kinakagat ang sino mang tao na nakasasalubong sa daan o sa labas ng kanilang bahay. Ayon ... Read More »

B-Day furlough ni Arroyo aprub sa korte

PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang apela ng dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makasama ang pamilya sa kanyang kaarawan sa Abril 5. Una nang hiniling ni Arroyo sa anti-graft court na makasama ang pamilya sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi sa pagdiriwang niya ng ika-67 kaarawan sa loob ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC). Ang dating pangulo ... Read More »

Lolo kalaboso

SWAK sa kulungan ang 56-anyos lolo dahil sa reklamong paulit-ulit na panggagahasa sa isang tinderang menor de edad, sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Francisco Capati, 56, ng Sabalo St., Brgy. 14, nahaharap sa kasong rape in relation to Republic Act 7610. Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) naganap ang panggagahasa dakong ... Read More »

2 explosive suppliers ng NPA, naaresto

ARESTADO ang dalawa katao na pinaniniwalaang suppliers ng mga pampapasabog sa rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Region XI. Sa bisa ng search warrant, sinalakay  ng  pinagsanib  na pwersa ng AFP at NBI Region-XI ang pinaniniwalaang tiangge ng mga pampapasabog sa Poblacion Nabunturan, Compostella Valley kamakalawa at tinatayang nasa P300,000 halaga ng mga sangkap sa paggawa ng pampasabog ang nakompiska ... Read More »

Grade 5 pupil nilamon ng enkantadong ilog

RIZAL – Sa kabila ng pagbabawal ng mga awtoridad na maligo sa enkantadong ilog ay hindi napigilan ang grade 5 pupil sa pagpuslit at naligo na naging dahilan ng kanyang kamatayan sa Antipolo City kamakalawa ng hapon . Kinilala ni Antipolo PNP chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang si Allan Rubia, 11-anyos, nag-aaral sa Bagong Nayon Elem. School at residente ... Read More »

Sabungerong parak tigbak sa tandem

AGAD nalagutan ng hininga ang pulis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang lulan ng kanyang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Buliran, bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan. Pitong bala ang tumama sa katawan ng biktimang si PO1 Joseph Garcia Jr., nakatalaga sa Norzagaray Police bilang warrant officer, at residente ng Brgy. San Jose sa nabanggit na bayan. Sa ... Read More »

Honor pupil nalunod sa agos ng Labangan Channel

  NALUNOD ang 12-anyos batang babae na honor pupil nang tangayin ng agos sa Labangan Channel makaraan ang graduation ceremony sa kanilang paaralan sa Bulacan. Ang biktimang si Gianna Francesca Santos, 2nd honor pupil  ng Pinagtulayan Elementary School sa Brgy. San Isidro II, Paombong, Bulacan, ay nalunod nang tangayin nang malakas na agos ng tubig ng Labangan Channel, sa pagitan ... Read More »

PNoy bitin vs AFP report sa Cudia case

IBINALIK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay AFP chief Emmanuel Bautista ang initial report hinggil sa apela ni Cadet Jeff Aldrin Cudia. Sinabi ni Pangulong Aquino, hihintayin niya ang kompletong report sa loob ng isang linggo. Ayon kay Pangulong Aquino, may ilang puntos na wala sa investigation report ng AFP na nakita sa pag-interview kay Cudia at sa PMA ... Read More »

9 Martilyo Gang ‘nakatakas’ jaguar absuelto sa ‘negligence’ (Sa MOA incident)

SIYAM sa sampong nangholdap na hinihinalang grupo ng  Martilyo Gang ang ‘nakatakas’ sa naganap na holdap sa isang jewelry shop  sa Mall of Asia (MoA) sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Nakapiit na sa Pasay police detention ang nasakoteng  suspek na kinilalang si Bryan Bansawan alyas Mahdi L. Abedin, 23, na nahaharap sa mga kasong robbery, frustrated homicide, attempted homicide, ... Read More »

Int’l women’s group naalarma sa trato vs Andrea Rosal

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma si International Women’s Alliance Chairperson Liza L. Maza kaugnay sa pag-aresto sa siyam-buwan buntis na si Andrea Rosal nitong Marso 27 at sa ulat na pagkakait sa kanya ng access sa legal advice ilang oras makaraan siyang maaresto, na paglabag sa kanyang karapatan sa legal counsel at sa “UN Rules for the Treatment of Women Prisoners and ... Read More »

Koko atat na sa pork barrel scam report

NAIINIP na si Senador Koko Pimentel III sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa pork barrel scam. Naniniwala si Pimentel, panahon na para maglabas ng report si Senador Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, hinggil sa non-government organizations (NGOs) na konektado kay Janey Lim Napoles. Matatandaan, nang mabunyag ang pork barrel scam ay nakaka-siyam nang ... Read More »

Kontak na Pinoy ni Senator Yee pinangalanan na

KINILALA na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang Filipino national na sinasabing sangkot sa illegal arms deal ni California State Sen. Leland Yee sa Filipinas. Batay sa criminal complaint, tinukoy ang isang Dr. Wilson Sy Lim ng Daly City, sinasabing “associate” ni Yee sa mga transaksyon sa pagpupuslit ng armas. Batay sa rekord mula sa Dental Board of California, ... Read More »

Kapitan, ina pinatay sa Masbate (2 pa sugatan)

LEGAZPI CITY – Patay ang barangay kapitan at ang kanyang ina habang dalawang iba pa ang sugatan makaraan pagbabarilin sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa syudad ng Masbate. Kinilala ang mga namatay na si Barangay Kapitan Alan Marcos at ina niyang si Purita Marcos. Ayon sa inisyal na ulat, nabulabog sa magkakasunod na putok ng baril ang mga residente ... Read More »

Hirit ni Napoles vs DoJ ruling ibinasura ng CA

HINDI pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang inihaing petisyon ni Janet Lim Napoles na humihirit na ibasura ang naunang resolusyon ng Department of Justice (DoJ) na nagdidiin sa negosyante sa kasong serious illegal detention. Sa ipinalabas na desisyon ni Associate Justice Ramon Garcia, tinukoy ng appellate court na wala siyang nakitang matibay na kadahilanan para baliktarin ang desiyon ng ... Read More »

Jeepney drivers bantay-sarado ng LTFRB vs dagdag-pasahe

SA layuning ma-monitor ang mga jeepney driver at operator na magpupumilit na magpatupad ng dagdag-singil sa pasahe, nagpakalat ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nakasibilyang mga tauhan sa mga lansangan. Sinabi ni LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera, kahit gaano man kaliit ay walang pahintulot ang ano mang fare increase. Isinagawa ng LTFRB ang pagkilos makaraan ang ... Read More »

4 bata sa DSWD sinaniban ng bad spirits

ILOILO CITY – Magsasagawa ng misa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Crisis Intervention Unit (CIU) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay makaraan ang ulat na sinaniban ng masasamang espiritu ang mga kabataan na sinaklolohan ng ahensya at pansamantalang nananatili sa CIU sa Brgy. San Pedro, Molo malapit sa regional office ng DSWD. ... Read More »

DoTC binatikos ng consumers

BINATIKOS ng isang consumer bloc ang Department of Transportation and Communications (DoTC) ukol sa pagpirma sa isang kasunduan sa pagitan ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit, at ng AF Consortium para sa ticketing system project na umano’y kabilang sa napakaraming iregularidad ukol sa bidding. Tila nauulit muli ang kasaysayan, ang mga opisyal ng DoTC at ilang opisyal ng ... Read More »

Marcos heirs, in-laws absuelto ng Korte Suprema (Kapalpakan ng PCGG, OSG kinastigo )

BINASTED ng Korte Suprema ang lahat ng kaso laban sa mga tagapagmana at in-laws ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand  E. Marcos dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya kasabay ng pagkastigo sa mga prosecutor ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at  Office of the Solicitor General (CSG) dahil sa palpak na mga ebidensiya at kaduda-dudang paghawak ng kaso. ... Read More »

P77-M Manila RPT brgy. share scam nabulgar (Sinolo ng isang barangay)

UMAPELA ang walong barangay sa lungsod ng Maynila sa kanilang alkaldeng si Joseph Ejercito Estrada matapos matuklasan na ang P77 milyong real property tax (RPT) mula sa dalawang distrito ay napunta lamang sa iisang barangay sa District 1 ng Tondo. Nais ng mga barangay chairman na paimbestigahan ni Estrada, ang iregular na paggawad ng real property tax shares of income ... Read More »

Iregularidad sa raffle promo ng Solaire Casino

PITONG araw ang ibinigay na palugit ng Department of Trade and Industry (DTI) para simulan ang imbestigasyon sa inirereklamong iregularidad sa raffle promo ng isang malaking Casino sa Parañaque City. Sa DTI Endorsement Letter na ipinadala ni Consumer and Trade Policy Division officer-in-charge Gerald Calderon kay Asst. Regional Director Ferdinand Manfoste ng DTI National Capitol Region (NCR), agad pinaaaksyonan ng ... Read More »

Maniningil ng P8.50 sa jeepney ngayon tanggal-prangkisa

HINDI mangingimi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin at kanselahin ang prangkisa ng mga jeep na pwersahang magtataas ng pasahe simula ngayon Lunes. Sa panayam, nanindigan si LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera na parurusahan ang mga driver ng jeep na magtataas ng pasahe. Ito’y sa harap ng banta ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ... Read More »

BAGAMA’T matindi ang sikat ng araw, sinikap pa rin ng lalaki na…

BAGAMA’T matindi ang sikat ng araw, sinikap pa rin ng lalaki na itulak ang kanyang kariton upang agad maibenta ang kanyang kalakal sa junk shop sa East Avenue, Quezon City. (RAMON ESTABAYA) Read More »

Scroll To Top