Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 501)

Category Archives: News

Feed Subscription

Umebak sa gilid ng Pasig river taxi driver nalunod

NALUNOD ang 65-anyos taxi driver nang nahulog sa Pasig River habang umeetsas sa gilid nito sa Intramuros, Manila kamakalawa ng hapon. Nakababa pa ang underwear hanggang tuhod nang iahon ang bangkay ng biktimang si Guilermo Casaway ng Brgy. 656, Zone 69, Manila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Crispino Ocampo, dakong 3:30 p.m. nang makitang palutang-lutang ang biktima sa Pasig River ... Read More »

P5.4-M chop-chop cars kompiskado sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Umabot sa P5.4 milyong halaga ng disassembled parts ng mga segunda-manong kotse mula sa bansang Japan, ang nadiskobre ng Bureau of Customs (BoC) sa Makar Wharf sa General Santos City. Binuksan at ininpeksiyon ng mga tauhan ng BoC ang dalawang 40-footer container vans sa daungan ng lungsod. Nabulgar na siyam units ng kompletong mga sasakyan ang ... Read More »

Ulo ng kelot durog sa dos por dos (Nakipag-agawan sa mic)

NADUROG ang ulo ng 26-anyos lalaki matapos pagtulungan hatawin ng dos por dos ng tatlong hindi nakilalang suspek makaraan makipag-agawan sa mikropono sa videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Bryan Timpug, ng Block 8A, Lot 16, Phase 2, Hito St., Brgy. Longos, Malabon City. Batay sa ulat ni SPO1 ... Read More »

Magsyota pinilit magtalik ng armado (Bebot ginahasa rin ng suspek)

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ng magkasintahang sinasabing pinilit na magtalik ng armadong lalaki sa lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan noong Linggo ng tanghali. Inihayag ni San Jose Del Monte Police Chief Supt. Joel Estaris, pinaghahanap na ang suspek na inilarawan ng mga biktima. Ngunit duda ang mga awtoridad sa 21-anyos lalaking sinasabing pinilit ng armado ... Read More »

Abesamis pinaiimbestigahan sa PNP ang pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan

HINILING ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Atty. Edmund Abesamis sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbes-tigasyon upang matukoy ang motibo at ang pag-kakakilanlan ng mga salarin sa pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan City noong Martes ng umaga. Kasabay nito, nakiramay din si Abesamis sa pamilya ng napaslang na si Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos ... Read More »

CPP leaders tinaniman ng ebidensya (Palasyo tumanggi)

HINAMON ng Malacañang ang kampo ng naarestong mag-asawang top leaders ng Communist Party of the Philippines (CPP) na sina Benito Tiamzon at Wilma Austria Tiamzon na patunayan ang alegasyong ‘planted’ ang mga baril at pampasabog na nakompiska sa kanilang pag-iingat nang sila ay maaresto. Nadakip ang mga Tiamzon sa Cebu sa bisa ng warrant of arrest hinggil sa mga kasong ... Read More »

Caloocan chairman dedo sa tandem ( 2 pa sugatan)

PATAY ang isang barangay tserman, nang pagbabarilin  ng hindi nakilalang riding in tandem, sa Caloocan City, iniulat kahapon ng umaga. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital,  sa Tala Estate, ang biktimang si Brgy. 183 Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos, residente  ng Guadonville Subdivision, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte ... Read More »

Ngalan ng kursunada ipininta sa Iloilo dome engineer binawian ni Gov ng kontrata (Pag-ibig na makapangyarihan)

ILOILO CITY – Sermon ang inabot ng kontraktor na VN Grande Builders and Supply, kinomisyon para sa “repainting” ng kapitolyo, mula kay Iloilo Gov. Arthur Defensor, Sr., dahil sa vandalism sa Iloilo Provincial Capitol. Una rito, agaw-pansin ang pagpinta ng engineer sa nabanggit na kompanya ng mga salitang “Hi Adele” sa dome ng anim-palapag na kapitolyo para magpa-impress sa natipohan ... Read More »

P.3-M ecstacy nakompiska sa Bombay na La Salista

ARESTADO ng mga awtoridad ang estudyante ng De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila, sa isinagawang buy-bust operation  sa Malate, iniulat kahapon Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Prahbijot Gill (y Singh), Indian national, 18-anyos, residente ng 462 Antipolo St., Sampaloc. Dakong 2:00 p.m. nagsagawa ng buy-bust ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency ... Read More »

Dentista hinoldap ng ‘kostumer’

HALOS masimot ang mahahalagang personal na gamit  ng isang dentista, nang looban ng isang nagpanggap na pasyente sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ni MPD-Station 4 commander Supt. Samuel B. Pabonito,  ang biktimang si Dra. Dulce Otamias, 45, ng G. Tuazon St., Sampaloc. Sa salaysay ng doktora, dakong 2:26 p.m. nang pumasok ang  suspek sa kanyang klinika, na inilarawang may ... Read More »

5-anyos hinalay ng tambay

DETENIDO sa piitang Lungsod ng Malolos ang 44-anyos istambay makaraan ireklamo ng paggahasa sa 5-anyos batang babae sa loob ng bahay ng biktima sa Menzyland Subdivision, Brgy. Mojon, Malolos City. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Orlando dela Cruz, residente rin sa nasabing lugar. Ayon sa pulisya, bandang 5:30 p.m. nang mangyari ang insidente habang nag-iisa ang biktima sa ... Read More »

HS graduating student utas sa schoolmate

BINARIL at napatay ang graduating high school student ng kanyang schoolmate sa Brgy. Rizal, sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental kamakalawa ng hapon. Ang biktimang si John Rey Balayong, 19, ay binaril at napatay ni Nico Labastida, 19-anyos, kapwa mga estudyante ng Rizal National High School. Sa inisyal na imbestigasyon, nag-inoman ang dalawa sa labas ng school campus nang mag-walkout ... Read More »

2 PUP ROTC officer sibak

SINIBAK sa puwesto ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang dalawang Reserved Officers’ Training Course (ROTC) cadet officers dahil sa reklamong hazing. Matatandaang noong Pebrero, lumutang ang isang estudyanteng itinago sa pangalang “Sheena,” 18, first year student  ng Institute of Technology, upang humingi ng hustisya dahil sa naranasang parusa sa hindi niya pagsipot sa briefing night ng ... Read More »

Ex-OFW natigok sa motel

PATAY ang 46-anyos na  dating overseas Filipino worker (OFW)  nang atakehin sa puso habang nasa loob ng motel, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Nico Lawas,  ng Los Baños, Laguna, nang  makaranas ng paninikip ng dibdib sa loob ng Sogo Hotel, F.B. Harrison, kasama ang kaibigang babae na ... Read More »

Ama, utol sinaksak ng kadebate (Sa debateng mangga mamumunga ng malunggay)

VIGAN CITY – Mainitang pagtatalo kung ‘mamumunga ang mangga ng malunggay’ ang dahilan ng pana-naksak ng isang lalaki sa kanyang ama at kapatid sa Brgy. Puro, Magsingal, Ilocos Sur. Kinilala ang mag-amang biktima na sina Nemesio Tabigne, at Marcelino Tabigne. Habang nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Jimmy Tabigne, anak din ni Nemesio. Ayon sa imbestigas-yon ... Read More »

Negosyante utas sa ambush

PATAY sa ambush ng riding in tandem ang 65-anyos negosyante habang nag-kakape sa labas ng kanyang bahay sa Antipolo City kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si Dionisio Asensio, 65, ne-gosyante, retired employee, at nakatira sa Granada Avenue, Pagrai Hills, Brgy. Ma-yamot, sa lungsod. Ayon sa ulat, dakong 7:40 am, nagkakape ang biktima at ang kanyang kausap nang dumatingang ... Read More »

200 pamilya sa N. Cotabato gutom sa tindi ng tag-init

KORONADAL CITY – Gutom ang nararanasan ngayon ng 200 pamilya ng Manobo tribal village sa President Ro-xas, North Cotabato dahil sa tagtuyot dulot ng mainit na panahon simula pa noong nakaraang buwan ng Pebrero. Inihayag ni Masong Macla, tribal chieftain ng Brgy. Datu Inda, nakararanas ng food shortage ang mga resi-dente sa kanilang lugar nang matuyo ang kanilang mga lupang ... Read More »

P.1-M reward vs suspeks sa Davao cocaine

DAVAO CITY – Aabot sa P100,000 ang ibibigay na pabuya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon kung nasaan ang kinaroroonan at kung sino ang may hawak sa natitirang 14 blocks ng cocaine na nakuha mula sa container van ng Sumifru Philippines nitong nakaraang araw. Ayon sa alkalde, maaaring i-text na lamang sa kanya o ... Read More »

Pagbuwag ng Bank Secrecy Law tinutulan

TINUTULAN ng ilang mga senador ang mungkahi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa Kongreso na alisin na ang Bank Secrecy Law. Binigyang-diin ni Sen. Grace Poe, kung magkakaroon ng kalayaan ang BIR na busisiin ang bank account ng sino man ay baka mawalan na ng tiwala sa mga banko ang mga depositor na tiyak makaaapekto sa ... Read More »

Gov. umalma vs ‘Bingoteng’ (RD, PD ipinasisibak ng mga alkalde)

NUEVA VIZCAYA – Hinagupit ng mga alkalde sa lalawigang ito ang lokal na pulisya dahil obyus umanong pinoprotektahan ang mga ilegalistang nag-oopereyt ng jueteng na ang prente ay ang Bingo Milyonaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Nanawagan din sila sa pamunuan ng Pambansang Pulisya na sibakin ang PNP regional director na si Gen. Mike Laurel at provincial director na ... Read More »

Mukha ni Lance Raymundo wasak sa 80-lbs barbell

NASANGKOT ang actor-singer na si Lance Raymundo sa freak gym accident nitong nakaraang linggo, nagresulta sa multiple facial bone fractures at pagkawasak sa kanyang ilong at gitnang bahagi ng mukha. Sa pahayag ng ina ni Raymundo na si Nina Zaldua-Raymundo, naganap ang insidente nitong Miyerkoles nang mabagsakan ang biktima sa mukha ng 80-pound barbell habang nasa gym. “The person who ... Read More »

Joma dinedma ng Palasyo (Sa pag-aresto sa top CPP leaders)

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Palasyo ang pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na hindi mapipilay ang rebolusyonaryong kilusan bunsod nang pagkadakip sa matataas na lider na mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon. “ Well, that is his statement, and certainly they will have to issue a statement to say their position and we’ll leave it ... Read More »

P8.50 pasahe igigiit ng Piston sa Palasyo

NAKATAKDANG ilunsad ngayong araw ng militanteng grupong Piston ang transport protest caravan patunong Palasyo upang igiit ang P8.50 minimum fare sa pampasaherong jeep, at ang iba pa nilang mga karaingan. Ayon sa grupo, sobra na ang panggigipit, pagsamantala at pambubusabos na dinaranas ng mga driver at maliliit na operator sa ilalim ng apat na taon panunungkulan ng gobyernong Aquino. Sa ... Read More »

6 pa kinasuhan sa Banahaw bushfire

SARIAYA, Quezon – Ani pang pilgrims ang kinasuhan kaugnay ng pagkasunog ng 50 ektaryang forestland ng Mt. Banaw nitong Huwebes. Ayon sa mga awtoridad, ang anim pilgrims ay dinala na ng rescue teams sa himpilan ng pulisya, gayundin ang iba pa nilang mga kasama. Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ang anim ay pababa mula sa ... Read More »

Disbursing officer kritikal sa P1.7-M payroll robbery

LEGAZPI CITY — Nasa kritikal na kondisyon ang municipal disbursing officer makaraan barilin ng mga armadong holdaper sa P1.7-milion payroll robbery incident sa Brgy. Centro, Masbate City. Kinilala ang biktimang si Elieser Alfornon , 44, disbursing officer sa munisipyo ng Claveria at residente ng Brgy. Poblacion 1 sa parehong bayan. Sa report ng opisina ni Chief Supt. Victor Deona, sakay ... Read More »

Scroll To Top