Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News (page 50)

Category Archives: News

Feed Subscription

Parak timbog sa ilegal na droga

HULI ang isang aktibong pulis makaraang maku­haan ng  tatlong pakete ng shabu sa isang checkpoint sa Las Piñas City kahapon ng umaga. Nasa kustodya ng Las Piñas City Police ang suspek na si PO2 Ale­jandro Hernandez, dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayon ay nasa Regional Personnel Holding Accounting Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO). Ayon kay Las ... Read More »

Korean, Chinese nationals timbog sa arogansiya, boga

ISANG pasaherong Ko­rean national ang inaresto nang saktan ang driver ng taxi na sinakyan niya at isang Chinese national ang nahulihan ng baril sa magkahiwalay na insi­dente sa mga lungsod ng Pasay at Makati kahapon. Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang suspek na si Jinseok Ahn, nasa hustong gulang. Sa  pahayag sa Pasay City Police ni Ismael Marquez, driver ng Acalim Trans­port, sumakay ... Read More »

Nanitang bawal umihi sa gilid ng bahay… Mister bugbog-sarado na tinarakan pa ng 7 senglot

KRITIKAL ang kala­gayan ng isang 38-anyos self-employed na mister makaraang pagtu­lu­ngang gulpihin at pagsa­saksakin ng grupo ng mga manginginom nang pagbawalang umihi sa gilid ng kanyang bahay sa Caloocan City kama­kalawa nang hapon. Patuloy na gina­gamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Jerome Sambayon, ng Phase 8 Blok 77 Lot Excess, Brgy. 176, Bagong Silang sanhi ng ... Read More »

2018 budget irerekomendang gayahin sa 2019

INIREKOMENDA ng hepe ng House committee on appropriations kay Pangulong Rodrigo Du­terte na i-reenact ang budget sa 2019 kung hindi talaga malulutas ang hidwaan sa dala­wang sangay ng kongreso. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., nangangarap siya na sumangayon ang Senado sa niratipikang budget para mapirmahan na. Ani Andaya, siya, si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora ... Read More »

Karpintero ‘naglagari’ ng dakma sa kaselanan ng dalagang pharmacist (May blackeye na, himas-rehas pa)

KULONG matapos ma­ka­tikim nang matinding sapak sa isang dalagang pharmacist ang isang karpinterong manyakis na dalawang beses dinakma ang kaselanan ng babaeng kasakay sa pampa­sahe­rong bus habang buma­baybay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Lodgerio Navarte, 53 anyos, taga-Kabesang Porong St., Punturin, sa nasabing lungsod na sinampahan ng pulisya ng kasong Acts of Lasci­viousness sa ... Read More »

NDF peace consultant, retiradong pari arestado sa Cavite

DINAKIP ang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) dahil sa illegal possession of firearms sa lungsod ng Imus, lalawigan ng Cavite nitong Miyerkoles. Nakatakdang sumai­lalim sa inquest procee­dings ang suspek na kinilalang si Renante Gamara kahapon, kaha­pon, sa Department of Justice sa Maynila, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police ... Read More »

Peace talks sa lokal isusulong ng gov’t

LOCAL peace panel ang bubuuin ng adminis­trasyong Duterte sa iba’t ibang parte ng bansa para ipalit sa binuwag na government peace panel na makikipagnegosasyon sa mga rebeldeng komu­nista. “According to General Galvez, new panels will be created, localized with sectorized represen­tatives,  local government units, and military,” ayon kay Presidential Spokes­person Salvador Panelo. Kamakalawa ay nilusaw ng Palasyo ang GRP peace panel ... Read More »

2 driver timbog sa pot session

SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang driver matapos mahuli sa aktong humihithit ng marijuana sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police chief, S/Supt. Restituto Arcangel ang mga naarestong suspek na si Michael Pangilinan, 36 anyos, ng Gen. Malvar St., Brgy. 142; at Victorino Bonifacio, 47 anyos, ng 86 Interior Mariano Ponce St., Brgy. 132  ng nasabing lungsod. ... Read More »

Malasakit Center tuloy kahit tapos ang term ng Pangulo — Bong Go

NAIS ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go na tuloy ang serbisyo ng mga Malasakit Center sa bansa kahit tapos na ang termino ng Pangulong Rodrigdo Duterte sa taong 2022. Si Go ang founder ng mga Malasakit Center na makikita sa iba’t ibang pampublikong pagamutan ang madalas lapitan ngayon at hingan ng tulong ng mga maysakit ... Read More »

2 kilong ‘damo’ nakompiska sa Kyusi

DALAWANG kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakom­piska ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Fairview Police Station 5 sa buy bust operation sa Brgy. Greater Lagro, kamakalawa ng gabi. Sa operasyon, ayon kay Supt. Benjamin Ga­briel Jr., naunang nadakip sina Mario Castro, 19, Mark Stephen Gamuyao, 21, Orlando Purganan, 18, at isang 17-anyos lalaki. Sila ay dinakip da­kong ... Read More »

16-anyos pinilahan 3 bagets kalaboso

ARESTADO ang tatlong suspek sa panggagahasa sa isang 16-anyos dala­gita na kanilang kainu­man sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga sus­pek na sina  Angelito Gon­zales, 25,  at magka­patid na Prince, 20, at Paul  Diwa, 18,  pawang nakatira sa Melalcalde St., sa Tondo. Ayon sa ina ng bikti­ma na itinago sa panga­lang Ann, latang-lata nang umuwi sa kanilang bahay ang anak nang ... Read More »

10,000 traffic violators huli sa no contact apprehension

NAHULI ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang mahigit 10,000 traffic violators na lumabag sa “yellow lane policy” sa pama­magitan ng no contact apprehension. Ayon kay MMDA traffic czar Bong Nebrija, may average na 2,000 traffic violators sa EDSA ang kanilang nahuhuli kada araw. Ang 70 porsiyento rito ay mga pribadong moto­rista na madalas na lumalabag sa “yellow lane policy.” ... Read More »

Ilan sa senators sagabal sa pag-apruba sa budget

ILAN lamang sa mga senador ang nakaaantala para maaprobahan ang panukalang budget para sa 2019. Ayon kay House minority leader Danilo Suarez  ng Quezon, gusto ng karamihan ng mga senador kasama si Senate committee on finance chairperson Loren Legarda na i-submit na kay Pangulong Duterte ang bagong National Expenditure Program ngunit ayaw ni Sotto. Sa panayam sa media kahapon, sinabi ... Read More »

Kahit nasa fault line… Kaliwa Dam tuloy na tuloy, Palasyo tameme

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu nang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa mismong dala­wang fault line kaya tinututulan ng iba’t ibang grupo ang China-funded project. “So, siguro doon sa mga fault, I was informed that it’s not really…” paiwas na tugon ni MWSS Admi­nistrator Rey Velasco nang tanungin sa press briefing hinggil sa ale­gasyon ng mga kritiko na mapanganib ang Kaliwa ... Read More »

Sa pag-atake ni Duterte sa mga pari… Mag-ingat sa mga sinasabi — VP Leni

DAGUPAN, PANGASINAN — Muling pinaala­lahanan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa binibitawang salita, sa gitna ng muling pag-atake sa mga pari at obispo. Mariin ang pagtutol ni Robredo sa paninira at pagbabanta na inaabot ng mga kleriko mula kay Duterte. Para sa Pangalawang Pangulo, dapat maging mabuting halimbawa ang Presidente sa taongbayan, at ... Read More »

P1.1-B shabu kompiskado sa buy bust sa Alabang (3 Tsinoy, lolo arestado)

TATLONG Chinese nationals kabilang ang isang 79-anyos lolo na hinihinalang sangkot sa operasyon ng Golden Triangle syndicate ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkasunod na buy bust operation at nakakompiska ng 168 kilo ng shabu na nagka­ka­halaga nang mahigit P1.1 bilyon sa Muntinlupa City kamakalawa. Sa unang operasyon ng mga tauhan ni Director General ... Read More »

2 PDEA agents 2 pa sugatan sa buy bust

SUGATAN ang apat katao kabilang ang dala­wang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isina­ga­wang buy bust ope­ration sa Pasay City, kahapon ng umaga. Nasa San Juan de Dios Hospital ang mga biktima na si PDEA Agent 3 Charlemaine Tang, nasa hustong gulang at PDEA Agent 2 Richard Seure, 44, upang  lapatan ng lunas sanhi ng tama ng bala ... Read More »

GRP peace panel nilusaw ng Malacañang

NILUSAW na ng Malacañang ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) negotiating peace panel. Sa harap ito ng realidad na wala namang nangyayaring nego­sa­syon sang gobyerno sa pagitan ng (Communist Party of the Philippines-News People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa liham na ipinadala ng Office of the President, may petsang 18 Marso 2019, at pirmado ni Executive Secretary ... Read More »

Budget Bill ‘di babawiin ng Kamara — GMA

HINDI babawiin ng Kamara ang panukalang budget mula sa Senado lalo na kung may mga lump sum na pondo na pinagbabawal ng Saligang Batas. Ayon kay House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo, hindi nila binawi ang kanilang bersiyon ng panukalang budget taliwas sa paha­yag ng mga senador. “No, we have not withdrawn our version. We’re in discussions about what is the pro­posed ... Read More »

MWSS execs pinulong sa Palasyo

IPINATAWAG ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pasado 6:00 pm kahpon nakatakdang humarap kay Duterte ang mga opisyal ng MWSS para iulat ang sitwasyon ng tubig sa Metro Manila. Noong nakalipas na Biyernes ay nagbaba ng direktiba si Pangulong Duterte sa MWSS na ... Read More »

2019 budget baka maging unconstitutional (Hindi kami papayag — GMA)

SA KABILA ng kumalat na balita na ibabalik ng Senado ang panukalang batas sa Kamara dahil sa umano’y, ‘pagkalikot’ dito, sinabi ni House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo na inirati­pika na ito sangayon sa Saligang Batas. Ani Arroyo, wala itong lump sum funds na ipinagbawal ng Korte Soprema. “What we can say is that the process that we followed was cons­titu­tional. ... Read More »

Kalusugan ni Duterte nasa maayos na kondisyon

NASA mabuting kondi­syon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te matapos ang mi­graine attack noong Biyernes. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatlong oras na pahinga ang ginawa ng Pangulo matapos maka­ra­nas ng migraine at hindi nakadalo sa dalawang pagtitipon. Nanatili aniya sa kanyang bahay ang Pa­ngu­lo at doon na nagtra­baho. “He is okay. As I said, he concentrated on his ... Read More »

Nanggulpi ng ginang, Padyak drayber kulong

ARESTADO ang isang 27-anyos padyak dray­ber  makaraang mang­gulpi ng isang ginang sa Malabon City kahapon ng tanghali. Kritikal sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Mildred Arias, 43-anyos, residente sa P. Aquino St., Gozon Com­pound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng suntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nahuli ang suspek na kinilalang si Dande Al­cantara, ng Block ... Read More »

Manila Water dapat magbigay ng rebate — Solon

PINAGBABAYAD ng rebate ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gon­zales ang Manila Water­ sa pagkabigong magbi­gay ng tubig sa kanilang concessions areas. Ayon kay Gonzales nakaranas ng putol na serbisyo ng tubig ang ilan sa mga  lugar sa Mandaluyong mula noong 7 Marso 2019. “Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has ... Read More »

Kaliwa Dam, sa Japanese firm dapat ipagkatiwala

PINAG-AARALAN ng Palasyo ang pagbuhay sa panukala ng Japanese firm na itayo ang Kaliwa Dam . “Well, I think, every proposal should be considered. The objective should always be the welfare of the people. The most beneficial, the most advantageous to the government and to the people should be the primordial consideration in any contracts involving the government and other ... Read More »

Scroll To Top