Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 5)

Category Archives: News

Feed Subscription

163 Pinoys sa luxury cruise pinuri ng Oslo

INIHAYAG ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) na umani ng  papuri ang 163 Filipino crew members ng Viking Sky Cruise Ship sa ginawa nilang pagtulong sa mga pasahero, makaraang tumagilid sa gitna ng karagatan ng Norway nang tamaan ng malaking alon dahil sa sama ng panahon. Kasunod ng ginawang pagliligtas sa 436 guests ng cruise ship at 479 pasahero ng ... Read More »

2 brodkaster 8 taon kulong sa cyberlibel

HINATULAN ng Re­gional Trial Court ng North Cotabato ng wa­long taong pagkaka­bilanggo ang dalawang radio blocktimer dahil sa kasong cyberlibel na inihain ni governor Em­mylou Mendoza dahil sa malisyosong artikulo laban sa kaniya. Magugunitang bina­tikos ng mga radio blocktimer na sina Larry Subillaga at Eric Rodinas sa kanilang programa ang anila’y korupsiyon at pagbubulsa ng pondo ng pamahalaang panla­lawigan ni ... Read More »

NDF consultant misis, 1 pa arestado (May patong na P7.8-M sa ulo)

ISA pang consultant ng National Democratic Front (NDF)  kasama ang kanyang asawa na mataas na opisyal din ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang inaresto sa bayan ng Liliw, sa lalawigan ng Laguna. Iniulat ng pulisya na dinakip nila si Francisco “Frank” Fernandez, 71 anyos, spokesperson ng NDF sa Negros. Pang-anim si Fernan­dez sa 23 miyembro ng NDF peace ... Read More »

4 arestado sa droga

APAT na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela Police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, unang ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni C/Insp. Jowilouie Bilaro ang buy bust operation sa Que Grande St., Brgy. Ugong na nagresulta ... Read More »

Dagdagan natin ang babae sa Senado — Grace Poe

HINILING ni Senadora Grace Poe sa samba­ya­nang Filipino na iboto ang mga babae sa Senado upang mabalanse ang representasyon sa kala­lakihan. Sa pagsasalita sa National Women’s Month Celebration sa Tagbilaran City, Bohol kamakailan, hiniling ni Poe na iboto ng sambayanan ang mga kandidatong kababaihan sa eleksiyon sa 13 Mayo 2019. “Ang lakas ng kaba­baihan ay lakas ng samba­yanan. Ngayong Mayo, ... Read More »

Fact checking sa candidates kailangan — Mayor Lim

HINIMOK ng nagbabalik na alkalde ng Maynila, Alfredo S. Lim ang mga botante sa lungsod na magsagawa ng masusing ‘fact-checking’ o pag-alam sa pagkatao ng lahat ng kandidato upang makagawa ng matalinong desisyon, kasabay ng paghayag ng suporta sa mensahe ni President Rodrigo Duterte na ‘you are what you vote (for).’ Binigyang-diin ni Lim na gaya ni Duterte, siya man ay ... Read More »

Digong sapaw ni Sara sa pagpili ng speaker sa Kamara

MASASAPAWAN ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang ama sa pagpili kung sino ang magiging speaker ng Kamara sa susunod ng Kongreso. Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atien­za malaki ang impact ng endorsement ni Sara kompara kay Digong. Si Sara ang nagma­niobra ng pagkaka­tanggal kay dating Speaker Pantaleon Alva­rez matapos makasa­gutan ang mayor. “Malaki ang impact ng endorsement ... Read More »

Coco Martin saludo sa Ang Probinsyano Party-List

SUPORTADO ng award-winning na aktor na si Coco Martin ang Ang Probinsyano Party-List (AP-PL) dahil sa mga plataporma nito para sa mas magandang kinabukasan ng mga Filipino.  Dahil galing sa hirap, batid ni Martin na kai­langan ng mga Filipino ang mga oportunidad upang maiangat ang kanilang mga pamumu­hay. Kaya naman todo ang suporta ni Martin sa AP-PL. Sa oras na ... Read More »

Kagawad todas, tanod arestado sa boga’t granada (Mag-utol na taga-barangay)

WALANG buhay na bumu­lagta matapos makipag­palitan ng putok sa mga awtoridad ang isang ba­rangay kagawad na sinabing notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng high value target (HVT) drug personality nang Hainan ng search warrant ng pulisya, kamakalawa nang madaling araw. Sa isinumiteng ulat ni Supt. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police, sa tang­gapan ni  Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, ... Read More »

Suporta sa local festivals tiniyak ng Ang Probinsyano Party-list

PANININDAGAN ng Ang Probinsyano Party-list (AP-PL) ang pagiging “festival capital” ng buong mundo ang Filipinas sa oras na maupo sa House of Representatives. Ayon sa AP-PL, araw-araw ay may piyestang ipinagdiriwang sa iba’t ibang barangay sa bansa ngunit kaunti ang kaalaman sa pinagmulan nito. Dahil dito, sinabi ni Alfred delos Santos, nominee ng AP-PL, na kabilang sa mga batas na isusulong ... Read More »

Manicad nangakong gutom ay wawaksan (Coverage sa Yolanda ginunita)

SA kanyang kampanya sa Tacloban, Leyte noong Martes, nangako ang broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad na wawakasan ang gutom para sa mga Filipino, lalo na’t personal niyang nasaksihan ang pagdurusa ng mga taga-Leyte noong wala silang makain matapos ang bagyong Yolanda noong 2013. “Ang number one plataporma ko ay pagkain kasi nakita ko po ... Read More »

2 tulak patay sa enkuwentro

NAPATAY ang dalawang tulak matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan. Sa ulat mula kay Lt. Colonel Orlando Castil, hepe ng CSJDM police, kinilala ang isa sa mga suspek na si Johnrick Amoncio habang ang isa pa ay kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan. Dahil nasa drug watch list, nagsagawa ng ... Read More »

Refund sa Manila Water consumers, iginiit ni Senator Grace Poe

INIREKOMENDA ni Senadora Grace Poe na magkaroon ng refund ang Manila Water para mga consumer at kompensasyon sa local government units na nakararanas ng water crisis sa Metro Manila. “Hindi puwedeng walang kompensasyon dahil kinunsumi at inabala ang mga tao. Pansamantala, dapat tulungan ang mga barangay na wala pa ring tubig sa pamamagitan ng mas madalas na pagdadala ng water ... Read More »

PSA sa Parañaque pinasok ng kawatan

PINASOK ng mga kawa­tan ang opisina ng Express Lane Office (ELO) ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Parañaque City hall at tinangay ang P132,000 ang halaga ng mga gad­gets, cash at iba pang gamit kamakalawa nang hapon. Sinabi ni Parañaque police chief S/Supt. Rogelio Rosales, nadis­kubre ang pagnanakaw, dakong 1:00 pm nang bumalik ang mga emple­yado na nakatalaga sa ELO ... Read More »

Parak timbog sa ilegal na droga

HULI ang isang aktibong pulis makaraang maku­haan ng  tatlong pakete ng shabu sa isang checkpoint sa Las Piñas City kahapon ng umaga. Nasa kustodya ng Las Piñas City Police ang suspek na si PO2 Ale­jandro Hernandez, dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayon ay nasa Regional Personnel Holding Accounting Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO). Ayon kay Las ... Read More »

Korean, Chinese nationals timbog sa arogansiya, boga

ISANG pasaherong Ko­rean national ang inaresto nang saktan ang driver ng taxi na sinakyan niya at isang Chinese national ang nahulihan ng baril sa magkahiwalay na insi­dente sa mga lungsod ng Pasay at Makati kahapon. Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang suspek na si Jinseok Ahn, nasa hustong gulang. Sa  pahayag sa Pasay City Police ni Ismael Marquez, driver ng Acalim Trans­port, sumakay ... Read More »

Nanitang bawal umihi sa gilid ng bahay… Mister bugbog-sarado na tinarakan pa ng 7 senglot

KRITIKAL ang kala­gayan ng isang 38-anyos self-employed na mister makaraang pagtu­lu­ngang gulpihin at pagsa­saksakin ng grupo ng mga manginginom nang pagbawalang umihi sa gilid ng kanyang bahay sa Caloocan City kama­kalawa nang hapon. Patuloy na gina­gamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Jerome Sambayon, ng Phase 8 Blok 77 Lot Excess, Brgy. 176, Bagong Silang sanhi ng ... Read More »

2018 budget irerekomendang gayahin sa 2019

INIREKOMENDA ng hepe ng House committee on appropriations kay Pangulong Rodrigo Du­terte na i-reenact ang budget sa 2019 kung hindi talaga malulutas ang hidwaan sa dala­wang sangay ng kongreso. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., nangangarap siya na sumangayon ang Senado sa niratipikang budget para mapirmahan na. Ani Andaya, siya, si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora ... Read More »

Karpintero ‘naglagari’ ng dakma sa kaselanan ng dalagang pharmacist (May blackeye na, himas-rehas pa)

KULONG matapos ma­ka­tikim nang matinding sapak sa isang dalagang pharmacist ang isang karpinterong manyakis na dalawang beses dinakma ang kaselanan ng babaeng kasakay sa pampa­sahe­rong bus habang buma­baybay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Lodgerio Navarte, 53 anyos, taga-Kabesang Porong St., Punturin, sa nasabing lungsod na sinampahan ng pulisya ng kasong Acts of Lasci­viousness sa ... Read More »

NDF peace consultant, retiradong pari arestado sa Cavite

DINAKIP ang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) dahil sa illegal possession of firearms sa lungsod ng Imus, lalawigan ng Cavite nitong Miyerkoles. Nakatakdang sumai­lalim sa inquest procee­dings ang suspek na kinilalang si Renante Gamara kahapon, kaha­pon, sa Department of Justice sa Maynila, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police ... Read More »

Peace talks sa lokal isusulong ng gov’t

LOCAL peace panel ang bubuuin ng adminis­trasyong Duterte sa iba’t ibang parte ng bansa para ipalit sa binuwag na government peace panel na makikipagnegosasyon sa mga rebeldeng komu­nista. “According to General Galvez, new panels will be created, localized with sectorized represen­tatives,  local government units, and military,” ayon kay Presidential Spokes­person Salvador Panelo. Kamakalawa ay nilusaw ng Palasyo ang GRP peace panel ... Read More »

2 driver timbog sa pot session

SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang driver matapos mahuli sa aktong humihithit ng marijuana sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police chief, S/Supt. Restituto Arcangel ang mga naarestong suspek na si Michael Pangilinan, 36 anyos, ng Gen. Malvar St., Brgy. 142; at Victorino Bonifacio, 47 anyos, ng 86 Interior Mariano Ponce St., Brgy. 132  ng nasabing lungsod. ... Read More »

Malasakit Center tuloy kahit tapos ang term ng Pangulo — Bong Go

NAIS ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go na tuloy ang serbisyo ng mga Malasakit Center sa bansa kahit tapos na ang termino ng Pangulong Rodrigdo Duterte sa taong 2022. Si Go ang founder ng mga Malasakit Center na makikita sa iba’t ibang pampublikong pagamutan ang madalas lapitan ngayon at hingan ng tulong ng mga maysakit ... Read More »

2 kilong ‘damo’ nakompiska sa Kyusi

DALAWANG kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakom­piska ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Fairview Police Station 5 sa buy bust operation sa Brgy. Greater Lagro, kamakalawa ng gabi. Sa operasyon, ayon kay Supt. Benjamin Ga­briel Jr., naunang nadakip sina Mario Castro, 19, Mark Stephen Gamuyao, 21, Orlando Purganan, 18, at isang 17-anyos lalaki. Sila ay dinakip da­kong ... Read More »

16-anyos pinilahan 3 bagets kalaboso

ARESTADO ang tatlong suspek sa panggagahasa sa isang 16-anyos dala­gita na kanilang kainu­man sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga sus­pek na sina  Angelito Gon­zales, 25,  at magka­patid na Prince, 20, at Paul  Diwa, 18,  pawang nakatira sa Melalcalde St., sa Tondo. Ayon sa ina ng bikti­ma na itinago sa panga­lang Ann, latang-lata nang umuwi sa kanilang bahay ang anak nang ... Read More »

Scroll To Top